04/05/2022
BOTANTE, HANDA KA NA BA? π³οΈ
Nasasabik na ang lahat baguhin ang sistema sa pamamagitan ng papel at pluma π. Sa darating na Mayo 9, 2022 narito ang mga dapat tandaan upang mapanatiling maayos, malinis, at ligtas ang bawat botante sa :
π Magkaroon ng temperature-checking bago pumasok sa voting center.
π Dumiretso sa Voter's Assistance Desk (VAD) upang malaman ang iyong precinct and sequence number, pati na rin ang iyong assigned room/clustered precint.
π Pumunta sa assigned room at magpakilala sa Electoral Board kasama ang iyong precinct and sequence numbers.
π Kunin ang iyong balota, secrecy folder, at marking pen. Punan ang mga kailangang impormasyon.
π Siguraduhing buo ang pagkaka-shade sa bilog na nasa gilid ng pangalan ng kandidatong iyong iboboto.
π Ipasa ang iyong balota sa Vote Counting Machine (VCM).
π Suriin ang iyong resibo at ilagay sa receptacle.
π Palagyan ng markang tinta ang iyong kanang hintuturo bilang tanda ng iyong pagboto.
β οΈ PAALALA: Laging magsuot ng facemasks at sumunod sa health protocols. π·π§β¬
οΈβ‘οΈπ§
Nasa ating mga kamay ang tunay na pagbabago β Gamitin ang kapangyarihang ito sa tama at ikauunlad ng bansa. Kitakits sa Mayo 9! π«‘
Layout: Luke
Caption: HIABster Heather