12/06/2025
Hello, Baryo Basiad!❤️
Sa nakalipas na buwan, mas lumalawak ang usapin tungkol sa HIV & AIDS cases sa ating bansa. At habang patuloy ang pagtaas ng bilang, nakikita rin natin ang isang positibong senyales: mas maraming kababayan natin ang namumulat at nagpapasyang magpa-test. Isa itong mahalagang hakbang patungo sa mas malusog at mas ligtas na komunidad.
Pero mahalagang maunawaan natin na ang HIV testing ay hindi dapat katakutan, ito ay isang prebensyon. Walang dapat mahiya, walang dapat manghusga. Sa halip, sana ay matuto tayong palawakin ang ating pang-unawa at pagtanggap, dahil ang HIV awareness ay hindi lang para sa LGBTQIA+ community, kundi para sa lahat.
Dahil dito, nananawagan tayo sa ating lokal na pamahalaan na magkaroon ng mas malawak na kampanya at mas accessible na programa tungkol sa HIV & AIDS awareness. Sa ganitong paraan, mas marami ang magkakaroon ng tamang impormasyon, mas mababawasan ang stigma, at mas mapoprotektahan natin ang ating sarili at ang ating mga mahal sa buhay.
Sa huli tandaan natin, ang kaalaman ay proteksyon, at ang pagsuporta ay pagkilos. Sama-sama tayong lumaban, hindi laban sa mga taong may HIV, kundi laban sa maling impormasyon at diskriminasyon. Let's spread awareness, not fear.