07/06/2026
𝗦𝗞 𝗖𝗨𝗣 – 𝗗𝗜𝗡𝗚𝗜𝗡 𝗦𝗨𝗠𝗠𝗘𝗥 𝗟𝗘𝗔𝗚𝗨𝗘 2026 𝗦3
𝗔𝗣𝗣𝗥𝗘𝗖𝗜𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗢𝗦𝗧 1/2
Una sa lahat, taos-puso kaming nagpapasalamat at nagpupuri sa Poong Maykapal sa Kanyang patuloy na paggabay at pagbibigay sa amin ng lakas, karunungan, at puso upang maisakatuparan nang maayos at matagumpay ang ating 𝗦𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 para sa mga kabataan.
Lubos din ang aming pasasalamat sa 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗗𝗶𝗻𝗴𝗶𝗻, sa pangunguna ng aming butihing Punong Barangay, 𝗞𝗴𝗴. 𝗘𝗱𝗶𝘀𝗼𝗻 𝗖𝗮𝗯𝗲𝗹𝗮, gayundin sa ating mga stakeholders, volunteers, at sponsors. Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta at pakikiisa sa araw-araw na pagdaraos ng mga laro sa ating 𝗠𝘂𝗹𝘁𝗶-𝗣𝘂𝗿𝗽𝗼𝘀𝗲 𝗖𝗼𝘃𝗲𝗿𝗲𝗱 𝗖𝗼𝘂𝗿𝘁.
Special Thank's to our 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗞𝗴𝗴. 𝗝𝗮𝗻𝘂𝗮𝗿𝗶𝗼 𝗙𝗲𝗿𝗿𝘆 𝗚𝗮𝗿𝗰𝗶𝗮 sa pagbibigay ng pahintulot upang maisakatuparan ang programang ito, gayundin kina 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗖𝗼𝗰𝗼𝘆 𝗙𝗲𝗿𝗻𝗮𝗻𝗱𝗲𝘇 at 𝗞𝗴𝗴. 𝗡𝗼𝗲𝗹 𝗖𝗮𝗯𝗲𝗹𝗮 na patuloy na sumusuporta sa bawat programa at gawain ng 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗗𝗶𝗻𝗴𝗶𝗻. Maraming salamat po sa inyong tiwala at paggabay.
Mahigpit na yakap at taos-pusong pasasalamat din sa buong 𝗦𝗞 𝗗𝗶𝗻𝗴𝗶𝗻 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹 sa inyong aktibong pakikilahok at tapat na pagtupad sa ating tungkulin bilang isang nagkakaisang Sangguniang Kabataan. Ang bawat oras, pagod, at pagsisikap na inyong inilaan ay naging malaking bahagi ng tagumpay ng ating liga at ng mga programang inilaan para sa kabataan.
Nagpapasalamat din kami kay 𝗛𝗲𝗮𝗱 𝗼𝗳 𝗥𝗲𝗳𝗲𝗿𝗲𝗲𝘀, 𝗠𝗿. 𝗥𝗼𝗺𝗮𝗻 𝗟𝗮𝗿𝗴𝘂𝗲𝘇𝗮, at sa buong officiating team sa kanilang dedikasyon at mahusay na pagbibigay ng serbisyo sa ating 𝗦𝗞 𝗖𝗨𝗣 – 𝗗𝗜𝗡𝗚𝗜𝗡 𝗦𝗨𝗠𝗠𝗘𝗥 𝗟𝗘𝗔𝗚𝗨𝗘 2026 𝗦3.
Higit sa lahat, ang aming taos-pusong pasasalamat ay para sa lahat ng mga kalahok, supporters, at ating mga ka-barangay. Mula sa unang araw hanggang sa pagtatapos ng ating liga, naroon kayo upang magbigay ng suporta at maging bahagi ng tagumpay ng ating programa.
Kami rin ay lubos na nagpapasalamat sa inyong kooperasyon at sa pagpapakita ng disiplina at paggalang sa Committee, mga Referees, at sa inyong kapwa manlalaro. Ang inyong magandang asal at pakikiisa ay naging patunay ng tunay na pagkakaisa, camaraderie, at buhay na buhay na diwa ng sportsmanship na siyang layunin ng ating liga.
𝗠𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁, 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗗𝗶𝗻𝗴𝗶𝗻!
𝗛𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗺𝘂𝗹𝗶, 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝗻𝗹𝗮𝗱 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗸𝗼𝗺𝘂𝗻𝗶𝗱𝗮𝗱! 🤍🔥