Akbay Kabataan

Akbay Kabataan Sama-sama para sa Kabataan๐ŸคŽ

๐‡๐€๐๐๐˜ ๐“๐„๐€๐‚๐‡๐„๐‘โ€™๐’ ๐ƒ๐€๐˜!Mula po sa puso ng AKBAY KABATAAN, taos-puso kaming nagpapasalamat sa inyong walang sawang paggabay,...
05/10/2026

๐‡๐€๐๐๐˜ ๐“๐„๐€๐‚๐‡๐„๐‘โ€™๐’ ๐ƒ๐€๐˜!

Mula po sa puso ng AKBAY KABATAAN, taos-puso kaming nagpapasalamat sa inyong walang sawang paggabay, pagtitiis, at pagmamahal sa aming mga mag-aaral. Kayo ang aming pangalawang magulang at inspirasyon upang mangarap at magsumikap. Salamat po sa paghubog sa aming kinabukasan. Pagpalain po kayo ng Maykapal!

Sama-sama para sa Kabataan
AKBAY KABATAAN๐ŸคŽ

Maligayang Kaarawan po, Kapitan Marlon Bacho!๐ŸŽ‰ Mula po sa buong puso ng AKBAY KABATAAN, taos-puso kaming bumabati sa iny...
03/10/2026

Maligayang Kaarawan po, Kapitan Marlon Bacho!๐ŸŽ‰

Mula po sa buong puso ng AKBAY KABATAAN, taos-puso kaming bumabati sa inyo ngayong inyong espesyal na araw. Maraming salamat po sa inyong dakilang pamumuno at hindi matatawarang malasakit dito sa ating minamahal na Barangay San Pablo Norte.

Ang inyong dedikasyon at pagmamahal sa ating komunidad ay patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa aming lahat, lalo na sa aming mga kabataan na maglingkod din nang tapat at totoo. Hiling namin ang inyong patuloy na mabuting kalusugan, masaganang buhay, at higit pang mga tagumpay sa inyong mga proyekto at hangarin para sa ating barangay.

Nawaโ€™y pagpalain pa kayo ng Maykapal at gabayan sa bawat hakbang na inyong gagawin. Muli, maligayang kaarawan po, Kap maraming salamat sa inyong pagiging tunay na ama ng San Pablo Norte!

Sama-sama para sa Kabataan.
AKBAY KABATAAN!๐ŸคŽ

Sa pagpapaliban ng darating na BSKE 2026, alam naming marami sa atin ang nakaramdam ng pagkabigo at panghihinayang. Inih...
25/09/2026

Sa pagpapaliban ng darating na BSKE 2026, alam naming marami sa atin ang nakaramdam ng pagkabigo at panghihinayang. Inihanda natin ang ating mga sarili, ating mga plano, at ating mga puso para sa pagkakataong ito โ€” kaya hindi nakapagtataka na tila may bahagyang nawala sa atin ngayong naipagpaliban ito.

Ngunit bilang AKBAY KABATAAN, nais naming ipaalala sa inyo: ang tunay na paglilingkod ay hindi nakabase sa petsa ng halalan. Ang ating misyon para sa kapwa kabataan ay hindi ipinagpapaliban, hindi naaantala, at hindi hihinto. Ang ating hangarin na magbigay ng maayos, tapat, at makabuluhang serbisyo ay mananatiling buhay at gumagalaw โ€” hindi dahil may eleksyon, kundi dahil ito ang ating paninindigan.

Ang pagbabago ay hindi naghihintay ng araw ng botohan. Ito ay nangyayari sa bawat tulong na naibibigay natin, sa bawat boses na pinapakinggan natin, at sa bawat hakbang na ginagawa natin nang magkasama. Ang pagpapalibang ito ay hamon lamang โ€” hindi upang pigilan tayo, kundi upang patatagin pa ang ating samahan at layunin.

Kaya manatili tayong matatag at magkakaisa. Nandito pa rin kami โ€” handang makinig, handang kumilos, at handang maglingkod para sa inyo. Hindi ito ang dulo ng ating kwento โ€” ito ay panibagong simula lamang ng mas malalim at mas matatag na pagkakaisa. Para sa kabataan, para sa ating kinabukasan โ€” magpatuloy tayo.

AKBAY KABATAAN
Sama-sama para sa KABATAAN!๐ŸคŽ

AKBAY KABATAAN SPN ML TOURNAMENT 2026Taos puso po naming ipinapaabot ang aming pasasalamat sa matagumpay na pagsasagawa ...
20/09/2026

AKBAY KABATAAN SPN ML TOURNAMENT 2026

Taos puso po naming ipinapaabot ang aming pasasalamat sa matagumpay na pagsasagawa ng ML Tournament 2026 sa pangunguna ng AKBAY KABATAAN.

Ang tagumpay ng gawaing ito ay hindi lamang isang tagumpay ng iilan, kundi tagumpay ng ating buong komunidad โ€” lalo na ng ating mga kabataan na naging sentro ng layuning ito.

Sa likod ng bawat pagpaplano, paghahanda, at matagumpay na laban ay ang dedikasyon, sipag, at pagkakaisa ng bawat kasapi ng AKBAY KABATAAN. Kaya naman, nais naming kilalanin at pasalamatan nang taos-puso ang bawat miyembro ng samahan โ€” sa inyong walang pagod na paglilingkod, sa inyong oras at pagod na inalay, at sa inyong matibay na paninindigan. Kung wala kayo, hindi magiging posible ang lahat ng ito.

Gayundin, nais naming ipaabot ang aming lubos na pasasalamat sa aming mga kagalang-galang na tagasuporta na nagtiwala at tumangkilik sa layuning ito:

-Kapitan Marlon Batcho
-Kagawad Francis Pambuan
-SK Tagapangulo Mark Anthony Molina
-Kalihim ng Barangay Marian Asedillo
-Pamilya Anguluan

Ang inyong suporta ay hindi lamang tulong pinansyal, kundi isang patunay na ang ating mga kabataan ay may mga kakampi na handang sumuporta sa kanilang mga pangarap at layunin. Ang inyong tiwala ay malaking inspirasyon sa aming lahat upang patuloy na maglingkod nang may katapatan at sigla.

Muli, sa aming mga kasapi at sa aming mga kagalang-galang na tagasuporta โ€” maraming salamat po.

Ang tagumpay na ito ay atin. AKBAY KABATAAN! Sama-sama para sa Kabataan.๐ŸคŽ

โ€Ž๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—น๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป!๐ŸคŽโ€Žโ€ŽAng ๐—”๐—ธ๐—ฏ๐—ฎ๐˜† ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ay nakiisa at nakibahagi sa ginana...
18/09/2026

โ€Ž๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—น๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป!๐ŸคŽ
โ€Ž
โ€ŽAng ๐—”๐—ธ๐—ฏ๐—ฎ๐˜† ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ay nakiisa at nakibahagi sa ginanap na ๐Ÿญ๐˜€๐˜ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ฎ ๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐˜๐—ต ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ na may temang โ€œ๐——๐—ถ๐—ณ๐—ณ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—–๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฒ๐˜…๐˜, ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ผ๐—ป ๐—”๐˜€๐—ฝ๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€.โ€
โ€Ž
โ€ŽIsang magandang pagkakataon ito upang makasama ang iba't ibang kabataan, makapagbahagi ng mga karanasan at pananaw, at higit sa lahat, matuto mula sa isaโ€™t isa. Sa kabila ng magkakaibang lugar at karanasan, nagkakaisa tayo sa iisang hangarinโ€”ang magkaroon ng mas magandang kinabukasan para sa bawat kabataan.
โ€Ž
โ€ŽPatuloy tayong makiisa, matuto, at kumilos bilang kabataan para sa kabataan. Sama-sama tayong humakbang tungo sa mas maunlad at mas makabuluhang kinabukasan! ๐ŸคŽ
โ€Ž
โ€ŽSama-sama para sa Kabataan!

โ€Ž


โ€Ž

TULOY NA TULOY NA!! ๐ŸŽฎโš”๏ธML TOURNAMENT: Ang Huling Tapatan ng Kabataan ng San Pablo Norte๐Ÿ“… September 20, 2026 โ€” SUNDAY๐Ÿ“ Ag...
16/09/2026

TULOY NA TULOY NA!! ๐ŸŽฎโš”๏ธ

ML TOURNAMENT: Ang Huling Tapatan ng Kabataan ng San Pablo Norte

๐Ÿ“… September 20, 2026 โ€” SUNDAY
๐Ÿ“ Agarao Covered Court

Handa na ba kayo? Masaksihan pangmalakasang galawan ng ating mga kabataan at sino ang mag wawagi!๐Ÿ†

Isang makabuluhang araw ng pagkakaisa!Ang Akbay Kabataan ay nakiisa at sumuporta sa ginanap na KK Assembly noong Septemb...
15/09/2026

Isang makabuluhang araw ng pagkakaisa!

Ang Akbay Kabataan ay nakiisa at sumuporta sa ginanap na KK Assembly noong September 13
sa Silangan Elementary School.

Kapakanan nating marinig at masaksihan kung ano nga ba ang mga platapormang nagawa at gagawin pa na proyekto makakatulong sa Kabataan ng Brgy. San Pablo Norte ng ating SK Officials.

Kasama ang ating SK Officials, sama-sama tayong naglalakad patungo sa mas magandang kinabukasan!

๐Œ๐Ž๐๐ˆ๐‹๐„ ๐‹๐„๐†๐„๐๐ƒ๐’ ๐“๐‡๐„ ๐„๐‹๐ˆ๐Œ๐ˆ๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐‘๐Ž๐”๐๐ƒ!โš”๏ธNagsimula na ang laban! Dito na makikita kung sino ang tatagal at sino ang magpap...
06/09/2026

๐Œ๐Ž๐๐ˆ๐‹๐„ ๐‹๐„๐†๐„๐๐ƒ๐’ ๐“๐‡๐„ ๐„๐‹๐ˆ๐Œ๐ˆ๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐‘๐Ž๐”๐๐ƒ!โš”๏ธ

Nagsimula na ang laban!
Dito na makikita kung sino ang tatagal at sino ang magpapatuloy. Walang atrasan, buong husay at galing!

handog ng AKBAY KABATAAN-
Sama-sama para sa Kabataan!๐ŸคŽ



โš”๏ธ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก๐—”๐—ก ๐—ก๐—”! ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—ž๐—”๐— ๐—”๐—ฆ๐—œ๐—ž๐—Ÿ๐—”๐—• ๐—ก๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—ฃ๐—”๐—•๐—Ÿ๐—ข ๐—ก๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—˜! โš”๏ธ๐—Ÿ๐—”๐—›๐—”๐—ง ๐—”๐—ฌ ๐—œ๐—ก๐—œ๐—œ๐— ๐—•๐—œ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก! Halinaโ€™t panoorin ang matinding...
05/09/2026

โš”๏ธ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก๐—”๐—ก ๐—ก๐—”! ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—ž๐—”๐— ๐—”๐—ฆ๐—œ๐—ž๐—Ÿ๐—”๐—• ๐—ก๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—ฃ๐—”๐—•๐—Ÿ๐—ข ๐—ก๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—˜! โš”๏ธ

๐—Ÿ๐—”๐—›๐—”๐—ง ๐—”๐—ฌ ๐—œ๐—ก๐—œ๐—œ๐— ๐—•๐—œ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก! Halinaโ€™t panoorin ang matinding bakbakan, pagalingang kumilos at lakas ng mga kabataan ng Brgy. San Pablo Norte!

๐Ÿ“… SEPTEMBER 6, 2026 โ€” SUNDAY
๐Ÿ“ PANTALAN AGARAO COVERED COURT
โฐ 10:00 AM ONWARDS

8 MGA GRUPONG HANDA NG MAKIPAG LABANAN AT KUNIN ANG KAMPYONATO!

๐Ÿ”ฅ Team Kekis Squad
๐Ÿ”ฅ Team Just Play
๐Ÿ”ฅ Team Bomba Na
๐Ÿ”ฅ Team Super Lineup
๐Ÿ”ฅ Team Andeng & Friends
๐Ÿ”ฅ Team Burog
๐Ÿ”ฅ Team Aspirants
๐Ÿ”ฅ Team Ayos Nayon

Sino ang maghahari sa Land of Dawn?
Sino ang mag-uwi ng titulo bilang ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—ž๐—”๐— ๐—”๐—›๐—จ๐—ฆ๐—”๐—ฌ ๐—ก๐—” ๐—š๐—ฅ๐—จ๐—ฃ๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—ฃ๐—”๐—•๐—Ÿ๐—ข ๐—ก๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—˜?

HANDOG NG AKBAY KABATAAN- Sama sama para sa KABATAAN๐ŸคŽ



๐๐š๐ ๐ฌ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ง๐š ๐š๐ง๐  ๐ก๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ฒ๐ฎ๐ ๐ญ๐จ ๐ง๐  ๐ญ๐š๐จ๐ง! ๐๐ž๐ซ๐ฆ๐จ๐ง๐ญ๐ก๐ฌ ๐ง๐š!โœจTapusin natin ito nang may pasasalamat, kabutihan, at pag-asa para ...
01/09/2026

๐๐š๐ ๐ฌ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ง๐š ๐š๐ง๐  ๐ก๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ฒ๐ฎ๐ ๐ญ๐จ ๐ง๐  ๐ญ๐š๐จ๐ง! ๐๐ž๐ซ๐ฆ๐จ๐ง๐ญ๐ก๐ฌ ๐ง๐š!โœจ

Tapusin natin ito nang may pasasalamat, kabutihan, at pag-asa para sa mas magandang bukas para sa ating lahat, lalo na sa kabataan!

Sama-sama para sa Kabataan
โ€” AKBAY KABATAAN ๐ŸคŽ

Address

Brgy. San Pablo Norte
Santa Cruz
4009

Telephone

+639158863225

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Akbay Kabataan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Akbay Kabataan:

Shortcuts

Share