I Am From Sta Cruz Laguna Para sa Bayan

I Am From Sta Cruz Laguna Para sa Bayan Para Sa Bayan!

Ang page na ito ay para sa mga kababayan natin na taga Sta Cruz Laguna saan mang dako ng mundo, ito ay upang magkabalitaan tayo kung ano na po ang nagyari sa ating bayan ng Sta Cruz laguna at magsisilbing Sumbungan ng Bayan.

31/07/2026

News Flash!!!! P48.5 Million COMPUTERIZATION PROJECT DAW?!?!
Nagsampa ng reklamong kriminal ang Pamahalaang Bayan ng Santa Cruz kaugnay ng โ‚ฑ48.5-M computerization project

SANTA CRUZ, Laguna โ€” Naghain ng reklamong kriminal ang Pamahalaang Bayan ng Santa Cruz laban sa ilang dating opisyal ng munisipyo at mga kinatawan ng isang pribadong kumpanya kaugnay ng implementasyon ng Computerization, Automation and Electronic Payment of Local Public Services Project na nagkakahalaga ng โ‚ฑ48.5 milyon.

Ang reklamong inihain, sa pamamagitan ni Mayor Joseph Kris Benjamin B. Agarao, ay nakapangalan kina dating Mayor Edgar San Luis, dating Municipal Administrator Melvin Bonza, Information Analyst Ronalyn Eledana, UPLINK Integrated Solutions, Inc., at Project Manager nitong si Samuel John Ingco.

Ayon sa Pamahalaang Bayan, ang paghahain ng reklamo ay bunga ng mga isyung natukoy kaugnay ng implementasyon at pagkompleto ng proyekto. Nakabatay umano ito sa mga dokumento at iba pang impormasyong nakalap ng lokal na pamahalaan, kabilang ang mga naging obserbasyon ng Commission on Audit (COA).

Sinabi rin ng lokal na pamahalaan na naniniwala itong may sapat na factual at legal na batayan ang reklamong inihain. Gayunman, iginiit nitong iginagalang nito ang mandato ng Office of the Ombudsman at ng iba pang kinauukulang ahensiya, gayundin ng hukuman kung kinakailangan, upang magsagawa ng malaya at patas na imbestigasyon at pagresolba sa usapin.
Alinsunod sa umiiral na proseso ng batas, ang mga respondents ay magkakaroon ng pagkakataong magsumite ng kanilang sagot at depensa sa mga alegasyong inihain laban sa kanila.

27/07/2026

What a poorly planned project! Did anyone seriously evaluate it before approval? The officials who approved it must also be held accountable. Did they properly check where the public funds would go, or did they simply rush to sign the cheque? The people of Sta. Cruz, Laguna deserve transparency and answers, this is their hard-earned money being wasted.

https://www.facebook.com/reel/924055014071682

๐Ÿšจ BABALA SA LAHAT! Paki-share po.Ang grupong ito ay PEKE at ginaya lamang ang aming orihinal na grupo.โœ… Original Group: ...
10/07/2026

๐Ÿšจ BABALA SA LAHAT! Paki-share po.

Ang grupong ito ay PEKE at ginaya lamang ang aming orihinal na grupo.

โœ… Original Group: 107,000+ members
โŒ Fake Group: humigit-kumulang 40,000 members

Pansamantala kong dineactivate ang orihinal na grupo habang nililinis ang mga troll, poser, at mga taong ginagamit ito para sa pansariling interes at pulitika.

Huwag pong sumali o magpaloko. Pakireport din po ang fake group upang maprotektahan ang ating komunidad.

Maraming salamat sa inyong suporta.

๐Ÿšจ BABALA SA LAHAT! ๐ŸšจMag-ingat po ang lahat.May isang Facebook group na gumaya sa pangalan, logo, at pagkakakilanlan ng a...
27/06/2026

๐Ÿšจ BABALA SA LAHAT! ๐Ÿšจ

Mag-ingat po ang lahat.

May isang Facebook group na gumaya sa pangalan, logo, at pagkakakilanlan ng aming opisyal na grupo na "I am from Santa Cruz, Laguna." Malinaw na maaari nitong iligaw ang publiko at papaniwalain ang mga tao na sila ang aming opisyal na komunidad.

Ang I am from Santa Cruz, Laguna ay isang komunidad na binuo sa loob ng maraming taon at may mahigit 107,000 miyembro. Nabuo ito sa tiwala, pagkakaisa, at pagtutulungan ng mga taga-Santa Cruz, Laguna sa buong mundo.

Mayroon kaming malinaw na ebidensya na kinopya ang aming pangalan at logo, at naitala na namin ang lahat ng kinakailangang screenshots at records.

Sa mga admin ng grupong nanggagaya:

Itigil ninyo ang paggamit ng aming pangalan, logo, at pagkakakilanlan. Hindi namin hahayaan na linlangin ang publiko o gamitin ang reputasyong pinaghirapan naming buuin sa loob ng maraming taon.

Kung hindi ninyo ito ititigil, magsasagawa kami ng kaukulang hakbang, kabilang ang pagre-report sa Meta at pagsasampa ng naaangkop na legal na aksyon upang maprotektahan ang aming komunidad.

Sa aming mga miyembro:

Huwag pong magpalinlang sa mga grupong nanggagaya. Pakisuri mabuti ang grupong inyong sinalihan at i-report ang anumang grupo na nagpapanggap o gumagamit ng aming pagkakakilanlan upang lituhin ang publiko.

Hindi namin pababayaan ang komunidad na sama-sama nating itinayo. Ipaglalaban namin ang pangalan at integridad ng I am from Santa Cruz, Laguna at ang mahigit 107,000 miyembrong nagtitiwala rito.

Hindi namin hahayaan na nakawin o gamitin ng iba ang identidad ng ating komunidad. Eto ang pangalan ng mga nagpangap na admin at nangaya. Sila ay sina
Donita Velasquez Harvey Romero

May mga opisyal na dapat magsilbing huwaran sa integridad, ngunit may ilan na gumagamit ng posisyon para sa pribadong bi...
26/02/2026

May mga opisyal na dapat magsilbing huwaran sa integridad, ngunit may ilan na gumagamit ng posisyon para sa pribadong bisyo. Ang publiko ay may karapatang malaman ang katotohanan at managot ang sinumang lumalabag sa tiwala

PAGBABAGO SA SANTA CRUZ โ€“ NASA ATIN ANG SUSI โœจHindi madali ang pagbabago. Lalo na kung ang babaguhin ay mga nakasanayan ...
26/02/2026

PAGBABAGO SA SANTA CRUZ โ€“ NASA ATIN ANG SUSI โœจ
Hindi madali ang pagbabago. Lalo na kung ang babaguhin ay mga nakasanayan na sa loob ng maraming taon. Sa ating bayan ng Santa Cruz, matagal nang hamon ang maling pagtatapon ng basura ๐Ÿ—‘๏ธ, kawalan ng disiplina sa trapiko ๐Ÿšฆ, at ang โ€œbasta na langโ€ na paglabag sa mga alituntunin.
Pero ngayon, may liwanag na tayong nakikita. ๐ŸŒŸ
Wala pang isang taon sa panunungkulan ang ating bagong Mayor Jkb Benjo Baltazar Agarao, pero ramdam na ang kanyang mga hakbang para itama ang mali at ayusin ang sistema sa ating bayan. Hindi lang salita, may aksyon, may presensya, at may malinaw na direksyon. ๐Ÿ’ช
Sa kauna-unahang pagkakataon, nakikita natin ang transparency sa pondo ng bayan ๐Ÿ’ฐ. Alam natin kung saan napupunta ang pera. Isang patunay ng malinis at tapat na pamamahala. Isang lider na hindi nawawala, hindi nagpapakita lang kapag may okasyon, kundi laging nandiyan at kumikilos para sa mamamayan. ๐Ÿ‘
Totoo, hindi magiging perpekto ang lahat sa simula. May mga pagkukulang at pagkakamali sa pagpapatupad ,
pero ang mahalaga ay may nasimulan na. Habang nagpapatuloy ang mga programa, may pagwawasto, pag-aayos, at tuloy-tuloy na pagpapabuti. Ganito ang tunay na pagbabago, dahan-dahan pero sigurado. ๐Ÿ”งโžก๏ธโœ…
Pero tandaan natin:
โ— Hindi kayang baguhin ng isang lider ang bayan kung walang suporta ng mamamayan.
Ang disiplina sa pagtatapon ng basura โ™ป๏ธ, pagsunod sa batas-trapiko ๐Ÿšธ, at pagiging responsable sa komunidad ay responsibilidad nating lahat.
Kung gusto nating umunlad ang Santa Cruz:
โœ”๏ธ Sumunod sa mga ordinansa
โœ”๏ธ Makipagtulungan sa kalinisan at kaayusan
โœ”๏ธ Suportahan ang mga programang para sa kabutihan ng lahat
Ngayon lang tayo nagkaroon ng ganitong uri ng pamumuno, bukas, tapat, may aksyon, at may malasakit. Huwag nating sayangin ang pagkakataon. ๐Ÿ™
Ang pagbabago ay hindi agad-agad, pero posible kung tayo ay magkakaisa. ๐Ÿค
Santa Cruz, tayo na ang kumilos! Suportahan natin ang ating Mayor at maging bahagi ng solusyon para sa mas malinis, mas maayos, at mas maunlad na bayan.

Copy/paste:Isinagawa ang TUPAD Payout bilang patunay ng patuloy na suporta ng Pamahalaang Bayan sa mga mamamayan na pans...
18/01/2026

Copy/paste:
Isinagawa ang TUPAD Payout bilang patunay ng patuloy na suporta ng Pamahalaang Bayan sa mga mamamayan na pansamantalang naapektuhan ng kawalan ng hanapbuhay. Sa ilalim ng pamumuno ni Punong Bayan Benjo Agarao, layunin ng programang ito na makapagbigay ng agarang tulong-pinansyal kapalit ng serbisyong pang-komunidad, bilang malasakit at konkretong tugon sa pangangailangan ng ating mga benepisyaryo.







Copy/PastePANGAKONG TINUPAD! AGARANG TULONG 24/7!!Narito na po ang listahan ng ating mga kababayang pasyenteng mayroon n...
18/01/2026

Copy/Paste

PANGAKONG TINUPAD!
AGARANG TULONG 24/7!!

Narito na po ang listahan ng ating mga kababayang pasyenteng mayroon nang ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—ด๐˜‚๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฒ ๐—น๐—ฒ๐˜๐˜๐—ฒ๐—ฟ para sa kanilang laboratory at hopital bills na nag-asikaso sa Agarang Tulong 24/7 sa kabuuan ng Disyembre 1 hanggang 31, 2025.

Para sa mas detalyadong impormasyon at iba pang katanungan, magtungo lamang din po sa Tanggapan ng MSWD o tumawag sa 808-2788 o kay Jhemak Bernardino sa numerong 09854427930.

Bayan ng Santa Cruz, Sentro ng Pag-Unlad!

FULL DETAILS:
https://www.facebook.com/share/p/1C7u8sryqP/

18/01/2026

Copy /paste:

โ—BREAKING NEWS: MATAGUMPAY NA OPERASYON!โ—

Nahuli ng Santa Cruz Municipal Police ang 3 Most Wanted ng Lalawigan ng Laguna sa isang maayos at koordinadong operasyon!

Isang pagpupugay kay PLTCOL Jojo Sabeniano at sa buong kapulisan sa kanilang dedikasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa ating komunidad. ๐Ÿ‘ฎโ€โ™‚๏ธ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Address

Santa Cruz
4009

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when I Am From Sta Cruz Laguna Para sa Bayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share