16/05/2025
yes para maiwasang posibleng
aksidente,
UPDATE: Imbis na Mayo 19, 2025, iaatras muna ang opisyal na simula ng implementasyon ng ordinansa, habang hinihintay ang final approval ng Sangguniang Panlalawigan sa revisions ng Ordinance 2024-08.
Ito ay bunsod ng impormasyon mula sa Office of the SB Secretary. Muling mag-aanunsyo ang LGU Sanchez Mira page kung pinal na ang petsa ng opisyal na implementasyon nito.
Gayunman, mariin pa ring ipinaaalala sa lahat na ihanda na / bumili na ng Reflectorized Vest, para sa kaligtasan ng LAHAT sa kalsada.
---
(ORIGINAL POST)⬇️
𝗔𝗡𝗨𝗡𝗦𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢: "𝗪𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗩𝗲𝘀𝘁, 𝗪𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗶𝘆𝗮𝗵𝗲"
S̷i̷m̷u̷l̷a̷ ̷s̷a̷ ̷M̷a̷y̷o̷ ̷1̷9̷,̷ ̷2̷0̷2̷5̷ ̷(̷L̷u̷n̷e̷s̷)̷
Bukod sa mga drayber ng motor, kolong-kolong, e-bike, bisikleta at iba pang maliliit na sasakyan, lahat ng drayber ng traysikel sa Sanchez Mira ay inaatasang magsuot ng reflectorized vest habang namamasada.
Ito ay alinsunod sa 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗢𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗡𝗼. 𝟮𝟬𝟮𝟰-𝟬𝟴, na may pamagat na: "AN ORDINANCE REQUIRING 𝗔𝗟𝗟 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦 𝗔𝗡𝗗 𝗥𝗜𝗗𝗘𝗥𝗦 𝗢𝗙 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘𝗦, 𝗕𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘𝗦, 𝗘-𝗕𝗜𝗞𝗘𝗦 𝗔𝗡𝗗 𝗠𝗔𝗞𝗘𝗦𝗛𝗜𝗙𝗧 𝗦𝗜𝗗𝗘 𝗖𝗔𝗥𝗦 𝗧𝗢 𝗪𝗘𝗔𝗥 𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗛 𝗩𝗜𝗦𝗜𝗕𝗜𝗟𝗜𝗧𝗬 𝗩𝗘𝗦𝗧 WHILE TRAVELLING AT NIGHT TIME ALONG PROVINCIAL ROADS AND NATIONAL HIGHWAYS WITHIN THE MUNICIPALITY OF SANCHEZ MIRA, CAGAYAN AND PROVIDING PENALTIES FOR VIOLATIONS THEREOF.”
Pangunahing May-akda:
SBM Mario A. De Castro
Mga Katuwang na May-akda:
SBM John B. Langaman
SBM Napoleon A. Malto
Liga President Sabino Cocos, Jr.
SBM Benjamin C. Oroceo
SBM Clarence R. Agabin
Maaari pong basahin ang buong ordinansa mula sa link na ito: https://tinyurl.com/3pnwevvc
Ang patakarang ito ay aprubado ni Mayor Abe Bagasin sa pakikipagtulungan ng Land Transportation Office (LTO)- Sanchez Mira, Philippine National Police (PNP)- Sanchez Mira, at ng LGU Security Office.
Para sa mga tricycle drivers na okay ang prangkisa (franchisees 2024) at hindi pa po nakukuha ang reflectorized vest na ipinamahagi noong Disyembre 2024, maaari na po itong kunin sa Mayor’s Office.
𝗠𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗿𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗮𝗯𝗹𝗲. 𝗠𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗹𝘀𝗮𝗱𝗮. 𝗠𝗮𝗴𝘀𝘂𝗼𝘁 𝗻𝗴 𝘃𝗲𝘀𝘁!
---
EDITOR'S TRANSPARENCY NOTES:
Nilinaw na ang mga new and renewed franchisees lamang ng taong 2024 ang maaaring makakuha ng libreng vest sa ngayon, sapagkat ito pa lamang ang napaglaanan ng budget.
Maraming salamat po sa mga mambabasang nagbantay at naghain ng mga paglilinaw.