19/04/2025
Let's go, queens โจ๐ฅ
LODI ALERT! Darating sa Sanchez Mira ang ๐๐๐ถ๐ป๐ป๐ฒ๐๐ ๐ช๐ผ๐ฟ๐น๐ฑ ๐ฅ๐ฒ๐ฐ๐ผ๐ฟ๐ฑ ๐ต๐ผ๐น๐ฑ๐ฒ๐ฟ + ๐จ๐น๐๐ฟ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ต๐ผ๐ป๐ฒ๐ฟ ๐ป๐ฎ ๐๐ถ ๐ก๐ฎ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ฒ ๐๐ฎ๐ para sa Day 02 ng kanyang "Project 1000" Run na magsisimula sa Santa Ana, Cagayan at magtatapos sa BGC Taguig, Metro Manila.
Pinili ng kanyang team na magpahinga sa Baggak Hotel and Restaurant sa ika-22 ng Abril 2025. Magpapatuloy ang kanyang pagtakbo sa ika-23 ng Abril, ganap na 1:00 ng madaling-araw.
Siya ay sasalubungin ni Mayor Abe Bagasin at ng Pamilya Langaman kabilang si SB John Bacud Langaman sa kanyang paghimpil sa Baggak Hotel. Samantala, tutugtog naman ang Aisler Band ng Divine Word High School (DWHS) bilang entertainment sa hapon ng kanyang pagpapahinga.
Si Rey Anthony "Ren-Ren" Matias, g**o at sports focal person ng DWHS, ang Point of Contact (POC) para sa Sanchez Mira leg.
Ang Project 1000 ni Natalie Dau ay isang charity fundraising event. Bukod sa pangangalap ng pondo para sa edukasyon ng mga batang babae, layunin din ng Project 1000 na hikayatin ang mga kababaihan at kabataang babae na maging mas aktibo at tagumpay sa larangan ng sports.
Si Natalie Dau, 52 years old, ang Guinness World Record holder para sa "Fastest Crossing of the Malay Peninsula on Foot". Nauna na niyang tinawid mula Thailand hanggang Singapore para sa kanyang unang Project 1000 kung saan dalawang marathon kada araw ang kanyang tinakbo para matapos ang isanlibong kilometro.
Inaanyayahan ang mga runners ng Sanchez Mira, lalo na ang mga babae ng anumang edad, na sabayan ang takbo ni Natalie mula Baggak papalabas ng Sanchez Mira sa April 23, 2025 ganap na 12:30 AM para sa Assembly, at 1:00 AM naman para sa simula ng takbo.
Sanchez Mira Tourism
Cagayan Tourism