13/10/2026
πππ
ππππππππ πππ πππππππππ ππππππππ (πππ) ππ ππ ππππ ππ πππ πππππππ ππππππππ ππππ ππππππ πβ»οΈ
Nagsagawa ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng Information and Education Campaign (IEC) tungkol sa Republic Act No. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000, ngayong umaga (October 13, 2026) sa San Vicente National High School.
Bilang bahagi ng campaign, nagsagawa ang mga kawani ng MENRO ng pag-iikot sa bawat silid-aralan (room-to-room information campaign) upang direktang magbigay ng kaalaman at makipag-ugnayan sa mga mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng wastong paghihiwalay ng basura, pagbabawas ng basura, muling paggamit at pagre-recycle ng mga materyales, at tamang pagtatapon ng basura. Sa pamamagitan ng mga talakayang ito sa bawat silid-aralan, hinikayat ang mga mag-aaral na isabuhay ang wastong pamamahala ng solid waste at maging aktibong katuwang sa pangangalaga ng kapaligiran.
Layunin ng inisyatibong ito na mapataas ang kamalayan ng mga mag-aaral tungkol sa pangangalaga ng kalikasan at maitanim sa kanila ang mga responsableng gawi sa pamamahala ng basura na maaari nilang isagawa sa paaralan at sa kani-kanilang komunidad.