Liknayan

Liknayan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Liknayan, Charitable organisation, Suha, Bigaan, San Teodoro.

06/05/2026

🌿 L i k n a y a n
🖊️ H a b i n g T a l i n o . S a l i t a . A s a l

LIKNAYANHabi ng Talino, Salita, Asal— SALITA; ASALSa pagpapatuloy ng Liknayan Programang Pangkatuto ay mas pinagtitibay ...
27/04/2026

LIKNAYAN
Habi ng Talino, Salita, Asal

— SALITA; ASAL

Sa pagpapatuloy ng Liknayan Programang Pangkatuto ay mas pinagtitibay ang kahalagahan ng paglinang ng talino, husay sa pananalita, pananampalataya at wastong asal ng bawat mag-aaral. Ito ay nagsisilbing gabay upang mahubog ang kabuuang pagkatao—hindi lamang sa larangan ng kaalaman, kundi pati na rin sa pagpapahalaga at pag-uugali na magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Tampok na bahagi pa rin ng nasabing pag-aaral ang patuloy na talakayan sa ilalim ng programang “Ang Pinakadakilang Paglalakbay” na naglalayong mas mapalalim ang pag-unawa sa banal na salita. Sa pamamagitan nito, nabibigyang-liwanag ang kahalagahan ng pananampalataya bilang pundasyon ng matuwid na pamumuhay at matalinong pagpapasya.

Gayon din naman, tinalakay ang unang pagpapahalaga: Pagsunod at Paggalang sa Magulang, na naglalayong magpaalala at magsilbing gabay sa mga mag-aaral sa tunay na kahalagahan ng pagtanaw ng utang na loob, pagmamahal, at pagrespeto sa mga magulang bilang haligi ng tahanan. Ang pagpapahalagang ito ay hindi lamang isang aral na dapat maunawaan, kundi isang gawi na dapat isabuhay sa araw-araw.

Sa paglalakbay na ito, unti-unting hinahabi ang bawat hibla ng talino, pinipino ang pananalita, at hinuhubog ang asal—upang makalikha ng isang kabataang may integridad, disiplina, at malasakit sa kapwa.

LIKNAYANHabi ng Talino, Salita, at Asal—SALITABilang bahagi ng pagsisimula ng Liknayan Programang Pangkatuto, matagumpay...
01/04/2026

LIKNAYAN
Habi ng Talino, Salita, at Asal

—SALITA

Bilang bahagi ng pagsisimula ng Liknayan Programang Pangkatuto, matagumpay na nailunsad ang unang dalawang linggo ng programa.
Ito ay nakatuon sa pag-aaral ng Banal na Salita sa pamamagitan ng Pinakadakilang Paglalakbay, na bahagi ng programa ng Samaritan’s
Purse – Operation Christmas Child.

Layunin ng nasabing pag-aaral na hubugin ang bawat mag-aaral upang magkaroon ng matibay na pananampalataya. Higit pa rito, pinagtitibay nito ang pundasyon ng kanilang pagkatao tungo sa mas malalim at makabuluhang pagkatuto—isang kaalamang hindi lamang pang-akademiko, kundi higit sa lahat ay maka-Diyos at maka-langit.

🌿 L I K N A Y A N
10/03/2026

🌿 L I K N A Y A N

Address

Suha, Bigaan
San Teodoro
5202

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Liknayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share