12/06/2026
โ๐๐ฎ๐ต๐ถ๐น ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐๐๐ฌ๐๐๐ก ๐๐ฌ ๐ฏ๐๐ป๐ด๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐๐ง๐๐ฃ๐๐ก๐๐๐ก. ๐๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ง๐๐ฃ๐๐ก๐๐๐ก ๐๐ฌ ๐ธ๐ฎ๐๐๐บ๐ฏ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฃ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก.โ ๐ต๐ญโ
Ngayong araw ay ginugunita natin ang ika-128 anibersaryo ng proklamasyon ng kalayaan ng Pilipinas. Isa ito sa mga makasaysayang araw na hindi dapat nating kalimutan; bahagi ito ng ating responsibilidad bilang mga mamamayang makabayan na patuloy na nakikipagsapalaran laban sa makabagong anyo ng pananakop at pag-aalipusta sa kalayang minsang ating tinamasa.
Mga kabataang Kabalyeros, kalampagin natin ang gobyerno at ang bawat mamamayan: hindi pa tapos ang laban. Patuloy tayong nakikipagsapalaran laban sa korapsyon, kahirapan, at kawalan ng hustisya. Dapat tayong makialam at manindigan dahil bahagi ito ng kaunlarang matagal na nating ipinaglalaban!