23/02/2025
HALINA’T SUMABAY NA SA ALON NG PAGBABAGO!
Mula sa [Baitang at Seksyon], ako si [Pangalan], kaisa ng Partidong ALON, handang magdala ng daluyong ng pagbabago tungo sa isang mas inklusibo at progresibong liderato! Tulad ng alon na patuloy na dumadaluyong, hindi tayo titigil sa pagsusulong ng isang pamunuang tunay na para sa mga Carlosians—may direksyon, may layunin, at may malasakit.
Dito, bawat boses ay may tinig, bawat estudyante ay may lugar sa daluyong ng progreso. Hindi tayo basta sasabay sa agos—tayo mismo ang aalon patungo sa mas maunlad at nagkakaisang komunidad ng Carlosians!
Dahil sa ALON, walang estudyanteng palulubugin, walang maiiwan sa gilid ng baybayin. Sama-sama nating haharapin ang mga hamon, aapuhap sa mas maliwanag na bukas, at titindig bilang isang pwersang hindi matitinag nang may puso at determinasyon.
Sa dalampasigan ng kaunlaran, ALON ang sandigan!
Twibbonize Link:
https://www.twibbonize.com/alonframedpblast
Canva Link:
https://www.canva.com/design/DAGf6wl83AM/wqSN5Ux5TuZM8PmrXFnpsQ/edit?utm_content=DAGf6wl83AM&utm_campaign=designshare&utm_medium=link2&utm_source=sharebutton