27/02/2025
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
Pagbabasbas ng bagong multipurpose building (covered court at stage) ng Barangay Magmarale, isang proyekto na ipinagawa ng ating Congresswoman Tita Lorna Silverio, isang pasilidad na magbibigay ng mas maayos na lugar para sa mga aktibidad ng barangay at ng ating mga kababayan.
Pinangunahan ni Rdo. Padre Avelino Sampana ang misa at pagbabasbas ng bagong pasilidad. Nakasama din natin ang ating Mayor Roderick Tiongson na nagbigay ng kanyang pagsuporta sa ating proyekto at sa buong Brgy. Magmarale. Biniyayaan din tayo ng presensya at pagsuporta nina Atty. Antonio Ligon at Martin Cruz ng Team NUP, Romeo Magat na nagnanais ding maglingkod sa bayan ng San Miguel. Kasama rin ang ating mga Sangguniang Barangay, Sangguniang Kabataan, BHW, Mother Leaders, LLN, Senior Citizens, PWD, Solo Parents, Barangay Tanod, Zumba ladies, at iba pang sumusuporta sa Barangay Magmarale.
Ngunit bago ang makabuluhang araw na ito, may ilang hamon tayong hinarap, ngunit sa diwa ng pagkakaisa ng Barangay Magmarale at ng ating Kapitana Victoria Cruz, sa ngalan ng pagseserbisyo, nairaos natin ito para sa kapakanan ng ating barangay. Marami pang proyekto ang paparating sa ikatlong distrito dahil sa kasipagan at tapat na pagseserbisyo ng ating Tita Lorna Silverio.
Basta TATAK SILVERIO, Maraming Proyekto at Serbisyo!
#๐๐ฎ๐ฆ๐๐๐ซ๐
#๐๐จ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฒ๐๐๐ข๐๐๐ข๐ฅ๐ฏ๐๐ซ๐ข๐จ
#๐๐๐ญ๐๐ค๐๐ข๐ฅ๐ฏ๐๐ซ๐ข๐จ
#๐๐ฎ๐ฒ๐๐๐ข๐๐๐ข๐ฅ๐ฏ๐๐ซ๐ข๐จ
#๐๐ข๐ญ๐๐๐จ๐ซ๐ง๐๐๐ข๐ฅ๐ฏ๐๐ซ๐ข๐จ
#๐๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐ ๐๐ฉ๐๐ญ๐๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ
#๐๐ข๐ฌ๐๐ญ๐จ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ฅ๐จ