15/08/2026
โ๐ช๐ต๐ผ ๐ถ๐ ๐๐ต๐ฒ ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ?โ โ ๐ฉ๐ถ๐ฟ๐ด๐ถ๐น๐ถ๐ผ ๐. ๐๐ป๐ฟ๐ถ๐พ๐๐ฒ๐ (๐ญ๐ต๐ณ๐ณ)
Sa tanong na ito nagsisimula ang isang mas malalim na usapin tungkol sa kung paano natin inuunawa ang ating sarili bilang Pilipino.
Bilang pakikiisa ng MAHUSayk sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, inilulunsad natin ang Wika, Kultura, at Kamalayan: Ang Sikolohiyang Pilipino sa Makabagong Panahonโisang seryeng naglalayong balikan ang ugnayan ng ating wika, kultura, at karanasan sa pag-unawa sa pagkataong Pilipino.
Sa unang bahagi, kilalanin natin ang Sikolohiyang Pilipino. Ito ay isang sikolohiyang nakaugat sa karanasan, kaisipan, wika, kultura, at pananaw ng mga Pilipino.
Hindi lamang ito basta pagsasalin ng mga konseptong nagmula sa labas. Binibigyang-halaga rin nito ang mga kahulugan at konseptong umuusbong mula sa sarili nating karanasan.
Mahalaga na ating maiba ang Sikolohiyang Pilipino sa dalawa nitong kaugnay na konsepto, ang Sikolohiya sa Pilipinas at Sikolohiya ng mga Pilipino. Ang Sikolohiya sa Pilipinas ay tumutukoy sa sikolohiyang ginagamit at isinasagawa sa bansa, samantalang ang Sikolohiya ng mga Pilipino ay tumutukoy sa pag-aaral tungkol sa sikolohiya at karanasan ng mga Pilipino. Sa Sikolohiyang Pilipino, ang mismong karanasan at pananaw ng Pilipino ang pinagmumulan ng pag-unawa rito.
Kaya mahalaga rito ang wika, kultura, at kamalayan. Sa ating wika matatagpuan ang mga konseptong tulad ng kapwa, loob, at hiya na may kahulugang nakaugat sa karanasang Pilipino. Sa kultura, mas nauunawaan ang mga kilos at pagpapahalaga tulad ng bahala na, pakikisama, at utang na loob kapag isinasaalang-alang ang kontekstong pinagmumulan ng mga ito. At sa kamalayan, iniuugnay ang pag-unawa sa sarili sa ating kasaysayan, lipunan, at kolektibong karanasan bilang mga Pilipino.
Sa madaling salita, hindi sapat na pangalanan lamang kung paano kumikilos ang Pilipino. Mahalaga ring itanong kung ano ang kahulugan ng kanyang pagkilos sa mundong kanyang ginagalawan.
Ngayong Buwan ng Wika, balikan natin hindi lamang ang wikang ating sinasalita, kundi pati ang mga kahulugan, karanasan, at kamalayang nakapaloob dito.
Simula pa lamang ito ng ating paglalakbay sa Sikolohiyang Pilipino. Sa mga susunod na bahagi, mas kikilalanin natin ang mga konsepto, tao, wika, at pamamaraan na patuloy na humuhubog sa pag-unawa natin sa sarili at sa kapwa.
๐ Para sa mas malalim na pagbasa tungkol sa Sikolohiyang Pilipino, bisitahin ang:
https://www.indigenouspsych.org/Members/Pe-Pua,%20Rogelia/PePua_Marcelino_2000.pdf
https://tinyurl.com/47zmun5e
๐ Sanggunian: Enriquez (1977); Pe-Pua & Protacio-Marcelino (2000)