11/09/2026
OPISYAL NA PAHAYAG
PWD RICE SUBSIDY DISTRIBUTION
๐
Setyembre 10, 2026
๐ Pacita Astrodome, City of San Pedro, Laguna
Ang Federation of Persons with Disability of San Pedro City, Inc. (FPWDSPCI) ay samahan ng taong may kapansanan sa buong Lungsod ng San Pedro at ini-rerepresinta ng PWD President ng bawat Barangay. Taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng PWD at guardians na nakiisa sa isinagawang PWD Rice Subsidy Distribution. Kami po ay katuwang ng ating PDAO sa pag-sasagawa ng pamamahagi ng Bigas para sa PWD, Kami rin po ay may kapansanan na aktibong tumutulong para sa kapakanan ng ating sektor.
Kinikilala namin ang mga naging hamon sa aktibidad, kabilang ang kakulangan ng manpower sa releasing area, biglaang pagbugso ng ulan, at hindi inaasahang dami ng mga dumalo. Dahil dito, naapektuhan ang daloy ng validation at releasing ng bawat transaksyon at kinailangang baguhin ang ilang bahagi ng proseso.
Sa kabila ng lahat ng ito, lahat ng PWD beneficiaries ay na-proseso at nakatanggap ng kanilang rice subsidy.
Taos-puso kaming humihingi ng paumanhin sa mahabang pila at abalang naranasan. Maraming salamat sa inyong pagtitiis, pasensya, pang-unawa, at pakikiisa, lalo na sa mga PWD at guardians na maagang pumunta at nagtiyaga hanggang matapos ang proseso.
Lubos din ang aming pasasalamat sa mga Presidente at Opisyales ng bawat Barangay PWD Organization, gayundin sa PDAO Staff, City Planning, CENRO, POSO, TRU, GSO, at lahat ng personnel, volunteers at partners na naglaan ng oras at pagod upang maisagawa ang distribution.
Ang karanasang ito ay magsisilbing aral at gabay upang higit pang mapabuti ang sistema, manpower coordination, validation at proseso sa mga susunod na programa para sa ating mga PWD.
Maraming salamat sa inyong lahat sa pagtutulungan, pag-unawa at malasakit sa sektor ng Persons with Disability.
FEDERATION OF PERSONS WITH DISABILITY OF SAN PEDRO CITY, INC. (FPWDSPCI)
Voice. Value. Visibility. For Every PWD