30/04/2026
LIMITLESS: How God Turned an Emergency into a Breakthrough
Sharing here the testimony of one of our scholars: Reymark Olitan. Reymark underwent emergency appendectomy on April 21, 2026. Read below how the Lord met his every need, not only financially but more importantly, with peace and comfort in the midst of difficulty and pain. The photo shows Reymark , six days after his operation, when his sisters attended RLCC for the first time. Praise God for His goodness!
Reymark's Testimony: How an emergency operation became a front-row seat to the limitless provision of God.
"Good day, mga kapatid. My name is Reymark.
I am proud to say that I am redeemed by the Lord, Jesus Christ. Gusto ko lang mag-share ng aking testimonya sa journey ko as a servant at kung paano ako iningatan, ginabayan, at nagbigay ang Panginoon sa journey na tinahak ko kasama Siya na kahit na mahirap at limitado, “He is always able”.
Naalala ko lang yung message noong first anniversary ng youth, yung tanong na “Ano ba yung kaya mong i-offer sa Panginoon? Ano ba yung meron ka na willing mong i-surrender?” That question reflects me more deeply than I used to. Sa unang tingin, yung tanong ay simple pero crucial; simple pero meron palang divine intervention na instead na humina yung pananampalataya ko, naging dahilan pa ng paglakas nito. Sumagot ako sa tanong. Ang sagot ko: “Life,” na dati ko naman sinasabi, pero hindi ko pa tuluyang nauunawaan, kasi usually naririnig ko na “offer your life sa Panginoon; He gives you a purposeful life.” And on that day, na-subok yung faith ko.
Some of us, tinitingnan natin yung sitwasyon na kung saan kapag hindi natin gusto ang nangyayari, may mga negative tayong naiisip at naiintindihan ko kung bakit ganoon yung reaksyon ng tao. Hindi natin kontrolado, kaya nag-aalinlangan tayo. Wala tayong magawa, kaya natatakot tayo. Pero what if gamitin siya ni Lord as reference, hindi lang para malaman natin kung sino talaga Siya, kundi tayo mismo ang makasaksi kung paano Siya kumikilos sa buhay natin (kumbaga experience over knowledge).
Pagkatapos ng youth anniversary, ako ay inatake ng appendicitis. Akala ko normal na kabag or nalamigan lang ang sikmura ko, pero napansin ko hindi na normal yung sakit dahil persistent yung sakit na nararamdaman ko. Lunes ooperahan ako. May pangunahing kailangang equipment at gamot para sa operasyon, at naalala ko wala kaming pera para bilhin ’yon. Hindi naman ako nag-aalala patungkol doon, pero ’yung mga kasama ko, nag-aalala. Wala naman akong magawa, kaya ang sabi ko na lang, “Lord, You’re worthy of my praise, kahit anong mangyari, You will provide” at naging kalmado ako. Naalala ko rin yung mensahe noong youth anniversary, sabi roon “Jesus’ provision exceeds our limitations.” Sa parteng iyan, napatunayan kong hindi ako nag-iisa sa sitwasyon, even if napaka-challenging dahil po sa hirap ng naranasan ko bago po ako operahan. Inabot ng humigit-kumulang na siyam na oras (9 hours), at sa oras na po iyan halos mamilipit ako sa sakit.
Pagkagising ko, nabili na lahat ng pangangailangan ko para sa operasyon, praise God! Hanggang sa ooperahan na at naoperahan na po ako, dala ko yung inner peace na ibinigay ni Jesus sa akin hanggang sa ngayon. Zero bills sa ospital at sa mga taong tumulong sa akin before, during, and after the operation, sa mga taong nag-pray para sa akin, kilala kayo ni Lord at nakikita Niya kayo.
Ano yung implication po nito na pwede nating ma apply as a servant ni Lord?
Una, kapag nasa sitwasyon po tayo na hindi po natin alam ang gagawin, huwag po nating pilitin na unawain; ipagkatiwala po natin sa Diyos; i-surrender po natin. Sometimes God allows it, hindi para maging passive, kundi maging proactive sa pakikipag-participate sa Diyos. Faith is not based on what we see; it is based on God’s vision. Even if hindi natin alam kung ano ang mangyayari, magtiwala ka sa vision na meron ang Diyos para sa iyo; hindi ka Niya pababayaan.
Pangalawa, sa kabila ng limitation na meron ang mga tao, doesn’t mean na limitado na rin ang Diyos. Sometimes, God allows situations na kung saan malalaman natin kung hanggang saan lang yung kaya natin, yung limitasyon natin. Our God is limitless, kahit pa sa tingin natin “hanggang dito na lang”, pero ang Diyos merong breakthrough na nakalaan para sa’yo. Trust His timing always; iba ang timing natin sa timing ni Lord.
Lastly, “Trust in the Lord with all your heart, lean not on your own understanding.” Proverbs 3:5-6. I love this verse. Ipinapakita nito yung sovereignty ni Lord in any aspect of life. He is the supreme authority of all authority. Sa madaling salita, limitless si Lord. Kontrolado Niya ang sitwasyon, kahit sa tingin pa ng mga tao sobrang hirap nito. Faith with obedience, faith with reverence, kung sino at ano ang Diyos sa buhay natin. FAITH over understanding, TRUST over control, and SURRENDER over independence.
Let me encourage you, kapatid. If you feel na parang di ka worthy because of your limitations, nag-struggle ka sa mga bagay na nagiging factor para maging limitado. Alam ni Lord na nag-struggle ka at limited ka. Sana sa tanong na ito, ma-realize mo yung plano sa'yo ni Lord. “Ano ba yung bagay na willing mong i-offer sa Diyos despite having limitations?” Pagkatapos mong malaman kung ano ’yon, ibigay mo sa Diyos with a cheerful heart. Pray for wisdom, pray for a cleansed heart.
With that mga kapatid, I declared the victory in the mighty name of Jesus Christ our Lord, Amen!
Reymark Olitan
BLP Scholar