19/08/2026
🫁NATIONAL TUBERCULOSIS AWARENESS MONTH 2026
19 Agosto 2026
Ngayong National Tuberculosis Awareness Month, binibigyang-diin natin ang kahalagahan ng patuloy na pagpapalaganap ng kaalaman, maagang pagtuklas, wastong paggamot, at pag-iwas sa Tuberculosis (TB).
Ang TB ay isang nakahahawang sakit na nananatiling mahalagang usaping pangkalusugan sa bansa. Gayunman, ito ay maaaring maiwasan, matukoy, magamot, at tuluyang malunasan sa pamamagitan ng maagap na pagkilos at pagsunod sa wastong gamutan.
Ang sinumang nakararanas ng matagal na ubo, lagnat, pagpapawis sa gabi, hindi sinasadyang pagbaba ng timbang, panghihina, o iba pang kahina-hinalang sintomas ay hinihikayat na agad na kumonsulta sa isang health professional at sumailalim sa nararapat na pagsusuri.
Mahalaga rin ang pagkumpleto sa itinakdang gamutan. Ang responsableng pagsunod sa paggamot ay hindi lamang para sa sariling kalusugan, kundi isang mahalagang hakbang upang maiwasan ang patuloy na pagkalat ng TB at maprotektahan ang pamilya at komunidad.
Sa sama-samang pagkilos ng mga indibidwal, pamilya, health professionals, pamahalaan, at iba pang sektor ng lipunan, makakamit natin ang isang mas malusog at TB-free na Pilipinas.
Alamin. Magpasuri. Magpagamot. Makipagtulungan upang malunusan ang Tuberculosis.