Projec+ Kapwa

Projec+ Kapwa Project Kapwa is a youth-led humanitarian volunteer group formed for a purpose. EST 2020

Every year, as part of our cherished tradition, we return to Barangay Kanluran, Calauan, Laguna, a community where many ...
31/12/2025

Every year, as part of our cherished tradition, we return to Barangay Kanluran, Calauan, Laguna, a community where many families live without permanence, in informal settlements, facing daily uncertainties yet holding on to dignity, resilience, and hope.

In the simplest smiles and quiet gratitude, we are reminded that compassion, when practiced consistently, becomes a tradition that truly changes lives.

Our deepest gratitude goes to our private donors, whose generosity made this initiative possible. Your kindness reached far beyond gifts—it brought warmth, reassurance, and a sense of being seen. We also extend our heartfelt appreciation to our partners— CDO-Odyssey Foundation, Inc., IPI,P&G, TAHANAN Architecture + Design, and LOB's Closet. We also express our deepest thanks to our volunteers who walked with us, shared the same vision, and stood firm in service to others.

As we welcome the New Year, we hold on to hope. Sa kabila ng lahat ng pagsubok, ingay ng kaliwa’t kanang korapsyon, at bigat na dala ng 2025, pipiliin pa rin nating maniwala—na may bagong pag-asa, may bagong lakas, at may kabutihang patuloy na uusbong kapag tayo’y nagkakaisa.

From all of us at Project Kapwa, thank you for being part of this journey of love, service, and shared humanity. We wish everyone a joyful holiday season and a hope-filled New Year! 🤍🎆✨

IN PHOTOS: Project Kapwa in CHILD Haus Manila 🤝🎄🌟Last November 29, we spent a beautiful day with the children and famili...
11/12/2025

IN PHOTOS: Project Kapwa in CHILD Haus Manila 🤝🎄🌟

Last November 29, we spent a beautiful day with the children and families of CHILD Haus Manila. It was a simple gathering filled with art, laughter, and gentle moments that reminded us how small acts of kindness can bring light to anyone’s day.

Watching the children paint, draw, play, and share stories warmed our hearts and renewed our purpose.

Their strength and bright smiles showed us the true spirit of hope, especially in this Christmas season.

To the entire CHILD Haus community, thank you for welcoming us with so much warmth.

And to Uap Makati Greenbelt Chapter and its members, thank you for leading this beautiful event. We look forward to more partnerships with you!

Project Kapwa stands with Child Haus and believes in its mission to provide comfort, healing, and compassion to young patients and their loved ones.

Maraming, Maraming Salamat Po! ✨Nitong mga nagdaang linggo, naging kaisa ang Projec+ Kapwa sa panawagan ng maraming Pili...
04/12/2025

Maraming, Maraming Salamat Po! ✨

Nitong mga nagdaang linggo, naging kaisa ang Projec+ Kapwa sa panawagan ng maraming Pilipino sa gitnan ng samut-saring kalamidad.

Matapos ang relief operations natin sa limang magkakaibang komunidad na higit na nasalanta ng Super Bagyong , nakatanggap tayo ng aabot sa Php 282,292.00 na kabuuang halaga ng mga donasyon na siyang naging daan upang makapaghatid tayo ng tulong sa 1,345 na pamilya.

Nais nating bigyan ng pagpapahalaga at walang hanggang pasasalamat ang ating lahat ng private donors. Gayundin sa walang sawang pagtulong ng ating mga partners: IPI-IPI Foundation, Inc., Bioderm, Dr. S. Wong Sulfur Soap, CDO-Odyssey Foundation, Inc., TAHANAN Architecture + Design, LOB's Closet, D'rest is Coffee, at Liwanag Volunteers!

Nagpapasalamat din tayo sa dedikasyon at sipag ng ating mga volunteers! Saludo po kami sa inyo!

Para sa Project Kapwa, mahalagang usisaing mabuti ang puno’t-dulo ng bawat pagbaha at mga kalunos-lunos na sitwasyon ng ating mga kababayan. Hindi tamang ipagsantabi lamang ang kaliwa’t kanang korapsyon sa bansa. Bilang isang sandigan, patuloy tayong titindig sa ating layunin na hindi lamang ang pagtulong o pagbibigay ng materyal na bagay, kundi ang paglikha ng isang malawakang pagbabago ng pananaw at kilos sa loob ng lipunan. Patuloy tayong maniniwala at lalaban para sa maayos na kapakanan at hustisya para sa kapwa Pilipino. 🇵🇭✊🏼

5TH BATCH OF RELIEF OPS ✅Nitong nakaraang araw, bumisita ang Project Kapwa sa Sitio Wawa, Barangay Santisima Cruz, Sta. ...
02/12/2025

5TH BATCH OF RELIEF OPS ✅

Nitong nakaraang araw, bumisita ang Project Kapwa sa Sitio Wawa, Barangay Santisima Cruz, Sta. Cruz, Laguna para sa ika-lima at huling batch ng relief operations para sa mga pamilyang nasalanta ng Super Bagyong .

Nakita natin ang kalunos-lunos na sitwasyon ng bawat residente sa lugar na ito. At dahil sa taas ng baha simula pa noong mga nakalipas na buwan, pamamangka o di kaya’y paglusong sa baha ang kanilang naging daan upang patuloy na mabuhay sa pang araw-araw.

Lubos-lubos po ang ating pasasalamat sa lahat ng mga private donors at ating partners: CDO-Odyssey Foundation, Inc., IPI-IPI Foundation, Inc., D'rest is Coffee, TAHANAN Architecture + Design, at LOB's Closet para sa pagkakataong ito na makibahagi tayo sa pagalalay at pagbabahagi ng pag-asa sa mga komunidad na tulad nito.

Gayundin ang ating taos-pusong pasasalamat sa sipag at dedikasyon ng ating mga volunteers!

Ito man ang huli nating batch para sa relief operations, patuloy tayong titindig at makikiisa sa hinaing ng lahat: hustisya para sa kapwa Pilipino. ✊🏼🇵🇭

4TH BATCH OF RELIEF OPS ✅Para sa ating ika-apat na batch ng relief ops, nagpunta tayo sa isang parte ng Purok 5, Baranga...
27/11/2025

4TH BATCH OF RELIEF OPS ✅

Para sa ating ika-apat na batch ng relief ops, nagpunta tayo sa isang parte ng Purok 5, Barangay San Roque, San Pedro, Laguna.

Dito, naghatid tayo ng kaunting tulong sa mga pamilyang labis na nasalanta ng Super Bagyong .

Lubos tayong nagpapasalamat sa lahat ng private donors at partners: CDO-Odyssey Foundation, Inc., D'rest is Coffee, TAHANAN Architecture + Design at LOB's Closet, sa kanilang patuloy na suporta!

Maraming salamat din sa ating mga masisipag at masisigasig na volunteers!

Para sa kapwa Pilipino. 🇵🇭✊🏼

GENEROSITY KEEPS FLOODING IN!! 🤍Our relief drive for the families affected by Super Typhoon   is still seeing an incredi...
22/11/2025

GENEROSITY KEEPS FLOODING IN!! 🤍

Our relief drive for the families affected by Super Typhoon is still seeing an incredible outpouring of support.

A heartfelt and enormous thank you to every one of our private donors and also to one of our partners, CDO- Odyssey Foundation, Inc. Your kindness is a powerful force for change! Let's keep this momentum going!

We also extend our utmost thanks to our tireless, dedicated volunteers who are the hands and heart of this operation!

THIRD BATCH OF RELIEF OPS ✅Kakatapos lang ng pangatlong batch ng relief ops ng Project Kapwa, kasama ang IPI at ating mg...
21/11/2025

THIRD BATCH OF RELIEF OPS ✅

Kakatapos lang ng pangatlong batch ng relief ops ng Project Kapwa, kasama ang IPI at ating mga volunteers, sa Barangay Dela Paz, Biñan, Laguna.

Nakapaghatid tayo ng tulong sa mga pamilyang labis na nasalanta ng Super Bagyong .

Nakausap namin ang ilan sa mga ito at inihayag nila ang kawalang pag-asa sa solusyon sa taun-taong pagbaha sa kanilang lugar. Nagsimula silang lumikas mula pa noong July 2025, nung hinagupit sila ng habagat.

Maraming salalamat sa lahat ng private donors at partners: IPI Foundation, Inc., Dr. S. Wong, Odyssey Foundation, Inc., TAHANAN Architecture + Design, D'rest is Coffee, at LOB's Closet, sa pagbigay ng kaunting pag-asa.

Salamat din sa volunteers sa inyong sipag at tulong! At sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Malaban para sa maayos na coordination at pag gabay.

Patuloy naming ipaglalaban ang hustisya. Para sa kapwa Pilipino. 🇵🇭✊🏼

SECOND BATCH OF RELIEF OPS ✅Kasama ang IPI, bumisita ang Project Kapwa sa Barangay Dela Paz, Binan, Laguna para sa secon...
19/11/2025

SECOND BATCH OF RELIEF OPS ✅

Kasama ang IPI, bumisita ang Project Kapwa sa Barangay Dela Paz, Binan, Laguna para sa second batch ng relief operations para sa mga pamilyang lubhang nasalanta ng Super Bagyong .

Nasaksihan natin ang buhay ng komunidad rito na limang buwan nang lubog sa baha at nauulit umano ang gantong sitwasyon taun-taon.

Taos-puso po ang ating pasasalamat sa lahat ng mga private donors at ating partners: IPI Foundation, Inc.-Bioderm, CDO-Odyssey Foundation, Inc., D'rest is Coffee, TAHANAN Architecture + Design, at LOB's Closet para sa pagkakataong makibahagi tayo sa paghahatid ng kaunting pag-asa sa ating kapwa.

Gayundin sa sipag at sigasig ng ating mga volunteers! Salamat nang marami!

Nagpapasalamat din tayo sa coordination at pag-gabay ni SK Councilor Erica at ng buong Sangguniang Kabataan ng Barangay Dela Paz - Biñan, Laguna.

Ang kalunos-lunos na mga sitwasyong kagaya nito ang nagpupursigi sa amin upang patuloy na manindigan at ipaglaban ang nararapat. Ang hinaing ng bawat isa ay hustisya, at hindi kami titigil hangga't hindi nabibigyan ng pananagutan ang mga salarin na ito! Para sa kapwa Pilipino. ✊🏼

Malaking pasasalamat ang aming ipinaaabot sa IPI-Bioderm sa kanilang pakikipagkapwa! 🤝Ang kanilang malawak na pagkakaloo...
15/11/2025

Malaking pasasalamat ang aming ipinaaabot sa IPI-Bioderm sa kanilang pakikipagkapwa! 🤝

Ang kanilang malawak na pagkakaloob ay instrumental sa ating Relief Drive. Tiyak na mapapadali nito ang aming pag-abot at pagbibigay ng sapat na tulong at ginhawa sa mga pamilyang naapektuhan ng Super Bagyong .

Tunay na bayanahin para maghatid ng pag-asa para sa kapwa Pilipino! 🇵🇭

FIRST BATCH OF RELIEF OPS ✅✊🏼Kahapon, Nov. 13, 2025, pumunta ang ating volunteers sa Barangay San Roque Evacuation Cente...
14/11/2025

FIRST BATCH OF RELIEF OPS ✅✊🏼

Kahapon, Nov. 13, 2025, pumunta ang ating volunteers sa Barangay San Roque Evacuation Center para sa first batch ng ating relief distribution.

Pinuntahan din natin ang isang lugar sa Purok 5, na ilang buwan nang lubog sa baha, at lalong pinataas pa ang lebel ng tubig ng mga nagdaang bagyo.

Lubos po ang ating pasasalamat sa lahat ng mga private donors at ating partners: CDO-Odyssey Foundation, Inc., D'rest is Coffee, TAHANAN Architecture + Design, at LOB's Closet para sa kanilang suporta sa mga pamilyang lubos na naapektuhan ng Super Typhoon .

Gayundin ang pasasalamat sa ating mga mapagkakatiwalaang volunteers!

Patuloy tayong makikipag-bayanihan para sa kapwa Pilipino. 🇵🇭

READY NA ANG RICE PACKS! 🌾🍚Handa na ang ating mga relief packs para sa distribution natin sa mga susunod na araw.Bibisit...
13/11/2025

READY NA ANG RICE PACKS! 🌾🍚

Handa na ang ating mga relief packs para sa distribution natin sa mga susunod na araw.

Bibisitahin ng ating volunteers ang mga pamilyang kasalukuyang na sa mga evacuation centers na lubos na naapektuhan ng Super Typhoon .

Maraming salamat po sa lahat ng mga private donors at ating partners: CDO-Odyssey Foundation, Inc., D'rest is Coffeee, TAHANAN Architecture + Design, at LOB's Closet! Gayundin sa ating mga volunteers sa paghahanda ng ating relief packs!

Patuloy ang bayanihan para sa kapwa Pilipino. 🇵🇭

TRANSPARENCY UPDATE 💸✨Sa tulong ninyo, nakalikom na tayo ng ₱11,050.00 (cash at in-kind donations) para sa ating Super T...
12/11/2025

TRANSPARENCY UPDATE 💸✨

Sa tulong ninyo, nakalikom na tayo ng ₱11,050.00 (cash at in-kind donations) para sa ating Super Typhoon Relief Drive as of 12:00 NN ngayong araw!

Nagpapasalamat kami sa lahat ng mga donors at mga partners: CDO-Odyssey Foundation, Inc., D'rest is Coffee, TAHANAN Architecture + Design, at LOB's Closet! Bawat tulong ay nagbibigay pag-asa sa mga pamilyang lubos na naapektuhan ng bagyo. 🤝

Para sa mga nais pang mag donate: I-scan ang QR codes sa ibaba.

Para sa in-kind donations, maaaring mag message dito sa aming Page para sa detalye.

Ituloy natin ang bayanihan! Para sa kapwa Pilipino. 🇵🇭

Address

San Pedro
4023

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Projec+ Kapwa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Projec+ Kapwa:

Share