09/10/2025
"Hamon sa mga Nanunungkulan"
Hindi sapat ang posisyon kung wala kang direksyon.
Hindi sukatan ng pagiging Triskelion ang titulong hawak, kundi ang serbisyong ibinibigay.
Ang tunay na Triskelion na namumuno ay hindi naghahari-harian — naglilingkod.
Sa bawat kapatid na may tungkulin, ito ang tanong:
👉 Nasusuklian ba ng gawa ang tiwala ng kapatiran?
👉 O baka nakakalimutan mo na kung bakit ka inihalal ng ating mga kapatid?
Maging lider na may puso.
Maging Triskelion na may paninindigan.
Ang tungkulin ay hindi pribilehiyo — ito ay pananagutan.
Muli nating ibalik ang TIKAS NG MAHAL NATING KAPATIRAN.