17/08/2026
Please be advised that all classes will shift to an Alternative Learning Modality tomorrow, August 18, 2026. Kindly coordinate directly with your respective trainers for further instructions and learning arrangements.
AUGUST 18: ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS AT ALTERNATIVE LEARNING MODES
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 128, magkakaroon ng alternative work arrangements sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Laguna, kabilang ang Lungsod ng San Pedro, ngayong August 18, 2026.
Gayunman, patuloy na mag-ooperate ang mga tanggapan na may kinalaman sa disaster preparedness and response, health and emergency services, basic services, at iba pang mahahalagang serbisyo upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo sa ating mga kababayan.
Kabilang dito ang City Legal Office, na mananatiling bukas at operational bukas, August 18, upang patuloy na maihatid ang kinakailangang legal assistance at serbisyo sa publiko.
Para naman sa mga paaralan, ipatutupad ang Alternative Learning Modes (ALMs) para sa mga klase sa lahat ng antas, alinsunod sa mga umiiral na panuntunan at direktiba.
Sa mga pribadong kumpanya at establisyimento, ang pagpapatupad ng work suspension o alternative work arrangements ay nasa pagpapasya ng kanilang management.
Hinihiling ko sa lahat na manatiling alerto, ligtas, at updated sa mga susunod pang abiso mula sa City Government of San Pedro at mga kinauukulang ahensya.