Tanghalang Baylon

Directions

Tanghalang Baylon The Official Theater Group of PARISH OF SAN PASCUAL BAYLON
San Pascual, Batangas

29/08/2026

Ang buong Parokya ni San Pascual Baylon ay lubos na nakikiramay sa Dela Cruz Family sa pagpanaw ni Bro. Demetrio “Demy” S. Dela Cruz.

Kilala sa Parokya bilang BRO. DEMY. Nagsimulang maglingkod sa Parokya bilang Instituted Lay Minister-Batch 2 taong 1989 at naging Parish Pastoral Council President simula 2004 hanggang 2019. Sa kabuuan ay 30 taon siyang nag alay ng kanyang sarili sa Diyos upang makapaglingkod sa Misa at sa buong Parokya ni San Pascual Baylon.

Sa loob ng maraming taon, buong katapatan niyang inialay ang kanyang panahon, lakas, talento, at pananampalataya sa paglilingkod sa Diyos at sa ating Parokya. Hindi lamang sa pamamagitan ng mga salita, kundi higit sa lahat sa pamamagitan ng kanyang halimbawa, ipinakita niya kung ano ang tunay na kahulugan ng pagiging isang lingkod, mapagkumbaba, matapat, at laging handang tumugon sa pangangailangan ng pamayanang kanyang minahal at pinaglingkuran.

Sa oras ng pamamaalam, hindi lamang lungkot ang aming nadarama kundi malalim na pasasalamat. Salamat sa iyong buhay. Salamat sa iyong paglilingkod. Salamat sa iyong katapatan sa Simbahan. Salamat sa pagiging bahagi ng kuwento at paglalakbay ng ating Parokya.

Nawa'y tanggapin ka ng ating Panginoong Hesukristo sa Kanyang walang hanggang kaharian at ipagkaloob sa iyo ang gantimpala ng isang tapat na lingkod.

“Magaling, mabuti at tapat na lingkod. Pumasok ka at makibahagi sa kagalakan ng iyong Panginoon.”—Mateo 25:21

Mula sa buong Parokya ni San Pascual Baylon, maraming salamat sa iyong buhay at paglilingkod.

Paalam, aming kapatid at kapwa lingkod.
Ang iyong misyon ay nagpatuloy sa amin; ang iyong alaala ay mananatili sa aming mga puso.

Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa. Amen.

24/08/2026
Pagbati! 🎓✨Sa mga miyembro ng Tanghalang Baylon na nagsipagtapos ng kanilang pag-aaral sa iba’t ibang antas, taos-puso n...
12/04/2026

Pagbati! 🎓✨

Sa mga miyembro ng Tanghalang Baylon na nagsipagtapos ng kanilang pag-aaral sa iba’t ibang antas, taos-puso naming ipinagmamalaki ang inyong tagumpay.

Ang inyong dedikasyon, sipag, at pagsisikap ay tunay na kahanga-hanga at nagsisilbing inspirasyon sa buong samahan.

Muli, binabati namin kayo patuloy na magningning at magbigay inspirasyon!

TEAM BUILDING 2026: Recharge & Reconnect ✨Maraming Maraming Salamat po sa mga sumusunod,Tita Juliet & Ernesto Agbay & Fa...
09/04/2026

TEAM BUILDING 2026: Recharge & Reconnect ✨

Maraming Maraming Salamat po sa mga sumusunod,
Tita Juliet & Ernesto Agbay & Family
Tito & Tita Mhelits Abril & Family
Vice Mayor Roumel G. Aguila

TeamBuilding 2026: RECHARGE & RECONNECT 🙌Lights off muna, Swimming muna tayo! See you Tomorrow! ♥️
08/04/2026

TeamBuilding 2026: RECHARGE & RECONNECT 🙌

Lights off muna, Swimming muna tayo!

See you Tomorrow! ♥️

Nagsagawa ang CAST at PRODUCTION TEAM ng SENAKULO 2026: “NAGANAP NA!” ng EVALUATION MEETING upang magbalik-tanaw, magbah...
05/04/2026

Nagsagawa ang CAST at PRODUCTION TEAM ng SENAKULO 2026: “NAGANAP NA!” ng EVALUATION MEETING upang magbalik-tanaw, magbahagi ng natutunan, at patuloy na pagyamanin ang sining at pananampalataya na aming sinimulan.

Sa bawat feedback, sa bawat kwento, at sa bawat alaala mas lalong tumitibay ang samahan na nabuo sa likod ng entablado.

Sapagkat ang “NAGANAP NA” ay hindi lamang pagtatapos, ito ay simula ng mas malalim na paglilingkod.

HANGGANG SA MULING PAGTATANGHAL! 🎭♥️

Ang mga apostol na ating nasaksihan kahapon sa pagtatanghal, ay siya ring mga paang hinugasan ngayon sa pagdiriwang ng M...
02/04/2026

Ang mga apostol na ating nasaksihan kahapon sa pagtatanghal, ay siya ring mga paang hinugasan ngayon sa pagdiriwang ng Misa ng Huling Hapunan, isang buhay na paalala na ang sining ay hindi lamang pagtatanghal, kundi isang tunay na pagsasabuhay ng pananampalataya.

Sa pangunguna nina Rev. Fr. Matty Orario at Rev. Fr. Greg Landicho, muling pinatunayan na ang paglilingkod ay nagsisimula sa kababaang-loob at pagmamahal sa kapwa.

Maraming salamat, Simpleng Pitik Photography, sa pagkuha ng bawat mahalagang sandali ng aming pagtatanghal.Wag kayong ma...
02/04/2026

Maraming salamat, Simpleng Pitik Photography, sa pagkuha ng bawat mahalagang sandali ng aming pagtatanghal.

Wag kayong mananawa sa pagkuha sa amin ng magagandang larawan.

Maraming Maraming Salamat Simpleng Pitik!
02/04/2026

Maraming Maraming Salamat Simpleng Pitik!

Address

Poblacion, Batangas
San Pascual

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tanghalang Baylon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share