16/05/2026
Ang Tau Gamma Phi / Sigma San Pascual Municipal Council (SPMC), kasama ang mga chapter sa ilalim nito, ay buong pusong nakiisa at sumuporta sa pagdiriwang ng ika-38 na Pastulan Festival ng bayan ng San Pascual!
Sa pagdiriwang na ito ng ating mayamang kultura, pagkakaisa, at tradisyon, ipinapakita ng ating samahan ang patuloy na pakikibahagi sa mga gawaing pangkomunidad at mga programang nagbibigay karangalan sa ating bayan. Bilang isang organisasyong nagtataguyod ng kapatiran, serbisyo, respeto, at pagkakaisa, kami ay kaisa ng lokal na pamahalaan at ng bawat mamamayan sa pagpapasaya at pagpapaganda ng selebrasyong ito.
Nawa’y maging matagumpay, mapayapa, at masaya ang pagdiriwang ng 18th Pastulan Festival. Sama-sama nating ipakita ang pagmamahal at pagmamalaki sa ating bayan ng San Pascual!
Mabuhay ang San Pascual!
Mabuhay ang 18th Pastulan Festival!
Mabuhay ang Tau Gamma Phi / Sigma!