17/10/2026
5-PEAT FOR OUR SAMVT! 🏐🏆
LIMANG SEASON. LIMANG KAMPEONATO.
ISANG PANGALAN — BARANGAY SAN ANTONIO! ❤️🔥
Mula sa apat na season ng AAD & SK Interbarangay Volleyball League hanggang sa kauna-unahang season ng United San Pascual Volleyball League, San Antonio Men’s Volleyball Team pa rin ang nanaig! Walang kupas ang husay, walang patid ang determinasyon, at nananatiling matatag ang paghahari ng ating koponan! 👑
Limang season ng matinding laban, sakripisyo, at pagbibigay-karangalan ang muling nagpatunay sa dedikasyon at pagmamahal ng ating mga manlalaro sa volleyball at sa pagrepresenta sa ating minamahal na Barangay San Antonio. Sa bawat pawis, pagod, at hamon na kanilang hinarap, nanaig ang pagkakaisa at pusong hindi sumusuko!
Muli nilang pinatunayan na hindi basta-basta ang pangalan ng Barangay San Antonio! Sa limang magkakasunod na kampeonato, pinanatili nila ang kanilang trono at muling nag-uwi ng karangalan para sa buong barangay. ISANG KASAYSAYANG HINDI BASTA MALILIMUTAN, 5-PEAT CHAMPIONS! 🥳
Maraming salamat sa Barangay Pila Men’s Volleyball Team sa napakagandang laban na inyong ipinamalas. Ang inyong husay at determinasyon ay naging bahagi ng isang finals series na tunay na karapat-dapat ipagmalaki. Respeto sa inyong koponan! 🤝
Sa lahat ng walang sawang sumuporta, lalo na sa mga magulang ng ating mga manlalaro at sa ating mga manonood, maraming-maraming salamat po! Ang inyong tiwala, pagmamahal, at patuloy na pagsuporta mula noon hanggang ngayon ay nagsilbing inspirasyon sa ating koponan upang patuloy na lumaban at magbigay ng karangalan sa Barangay San Antonio. Ang tagumpay na ito ay tagumpay rin ng bawat isa!
Buong-pusong nagpapasalamat ang Sangguniang Kabataan Officials ng Barangay San Antonio sa mga indibidwal at pamilyang patuloy na naging katuwang ng ating koponan sa pag-abot ng makasaysayang tagumpay na ito:
Konsehal Roderick “Odick” Magboo — Head Coach ng SAMVT sa loob ng limang taon, sa kanyang walang sawang paggabay, pagtuturo, at paghubog sa ating mga manlalaro.
Pangulong Nelson Lopez sa kanyang patuloy na suporta at pag-isponsor ng official jackets ng ating koponan.
Tita Juliet Agbay at ang kanyang buong pamilya sa pagtayo bilang mga manager ng koponan, pagpapakain sa ating mga manlalaro, at pagsagot ng kanilang official shoes.
SK Lester Caringal at Ms. Glaiza Sofia Ilao sa pag-isponsor ng mga lobo para sa Finals Game 1 at 2.
SK Clariza Amor Abril sa pag-isponsor ng tarpaulin.
SK Laurenz Magboo at SK Samuel De Guzman kasama ang mga Batang Casual East sa kanilang pagtulong sa pagbomba ng mga lobo para sa ating finals game.
Gng. Mae Panopio sa pagbibigay ng tubig at gatorade para sa ating mga minamahal na manlalaro.
Sa lahat ng tumulong, naglaan ng oras, at naging bahagi ng paglalakbay na ito, maraming salamat po! Kung mayroon man kaming hindi nabanggit, humihingi po kami ng paumanhin. Nawa’y malaman ng bawat isa na lubos naming pinahahalagahan ang inyong kontribusyon. Ang tagumpay na ito ay bunga rin ng inyong pagmamahal at suporta sa ating koponan! 💯
MULI AY ANG AMING PAGBATI, SAMVT! 💪🏻
Ave, Elijah Justin
* Finals MVP
* Mythical Six
* 2nd Best Outside Hitter
Alba, Rhenmart Christian
* Mythical Six
* Best Opposite Hitter
Butihin, Mark Lourence (Captain & SK Councilor)
* Mythical Six
Guinhawa, Ceus Dhan Andrew (SK Chairperson)
Abril, Steven Dave (SK Councilor)
Cotacte, John Kier Niño
Calangi, Dan Angelo
Martinez, Zeddrick
Eusebio, Laurence
Alba, Russel Louie
Sayta, John Erwin
Alvar, Ramil
Hindi pa dito nagtatapos ang storya at legacy!
SEE YOU NEXT YEAR? 😉