20/09/2026
Sampung Sibol ng Laguna 2026💗🌸
Isang karangalan na mapabilang ang aming Proyekto para sa Sampung Sibol ng Laguna 2026. 🌸
Lubos ang aning pasasalamat na mapabilang bilang isa sa Sampung Sibol ng Laguna 2026 sa katatapos lamang na Sibol ng Laguna 2026 na ginanap sa Cultural Center, Sta. Cruz, Laguna Capitol. Ang pagkilalang ito ay hindi lamang para sa aming Organisasyon, kundi para sa lahat ng kabataang babae na tahimik na nakararanas ng hiya at kakulangan pagdating sa menstrual health, at para na rin sa bawat kabataan na naniwalang dapat pinag-uusapan ang mga bagay na madalas nating iniiwasan at ikinakahiya.
Dala namin ang proyekto para sa Kategoryang Kapwa:“Project PERIODT: Providing Essential Resources, Inclusive Education on Menstrual Health, and Dignity for Teen Girls”, isang inklusibong peoyekto na naglalayong wakasan ang stigma sa menstruation at bumuo ng safe space kung saan lahat ay kasali at may alam, anuman ang iyong kasarian. At higit pa rito, ito ay isang sustainable project na kayang ipasa sa susunod pa na hanay ng mga lider dito sa bayan ng San Pablo, sa pamamagitan ng institutionalized menstrual health education sa mga paaralan, community-based Dignity Corners sa bawat barangay, at mga youth peer educators na magpapatuloy ng adbokasiya. Dahil ang tunay na pamumuno ay hindi nasusukat sa parangal o pagkilala, kundi sa sistemang mananatili kahit wala na tayo sa posisyon.
Maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng Sibol ng Laguna 2026. Ang sibol na ito ay simula pa lamang ng mas malawak na paglaya mula sa hiya patungo sa kaalaman at dignidad para sa lahat.