Apex Club of San Pablo City (OFFICIAL)

Directions

Apex Club of San Pablo City (OFFICIAL) Apex is a non-political and non-sectarian international organization of men and women dedicated to community service.

Apex is a volunteer service organisation that offers fellowship, fun and fabulous opportunities for personal development. Apex is also an Australian success story: since 1931 more than 250,000 young Australians have learnt a lot about themselves, gained new skills, made new friends and delivered more than 100 million hours of volunteer assistance to those in need. We are an authentic Australian service club that values citizenship, compassion and community engagement.

01/10/2026

APEX WOMEN'S CLUB OF SAN PABLO CITY Presents 📣

TARA, ZUMBA!
“Indak ng Saya, Handog na Pag-asa”

Get ready to dance, sweat, and have fun! This event is OPEN TO ALL!

📍 VENUE: Pamana Hall, San Pablo City
📅 DATE: Saturday, November 07, 2026
🕒 REGISTRATION: 3:00 PM
🔥 PROPER ZUMBA: 4:00 PM

💃 FEATURING:
✨ ZIN Ma Vida Santos
✨ ZIN Raqi
✨ ZIN Emily
✨ ZIN Ning
✨🏆 SPECIAL AWARDS 🏆✨*
👑 ZUMBA QUEEN
🤴 ZUMBA KING
👗 ZUMBA BEST OUTFIT
⚡ MOST ENERGETIC
🐦 EARLY BIRD

💃 OPEN TO ALL WHO WANTS TO JOIN THE DANCE PRESENTATION!
Yes! Open po ang stage para sa lahat na gustong mag perform! Grupo presentation welcome po kayong mag-perform! Ipakita ang galing sa pag sayaw!

🎁 PLUS!!! RAFFLE DRAW + LOTS OF EXCITING PRIZES! 🎉

Bring your friends, family, and your best dance moves! 💃🕺

💧 DON'T FORGET: Water bottle, towel, & comfy workout clothes!

📩 For registration & Dance Presentation:
Kindly message Apexians Ning Silvestre, Alyssa Alcantara, Jaspy De Luna, and Andrea Alcantara

See you on the dance floor! 💃🔥



APEX CLUB OF SAN PABLO CITY, NAKIISA SA LINIS LAWA 🍃🌊 Nakilahok ang Apex Club of San Pablo City kasama ang Apex Women’s ...
20/09/2026

APEX CLUB OF SAN PABLO CITY, NAKIISA SA LINIS LAWA 🍃🌊

Nakilahok ang Apex Club of San Pablo City kasama ang Apex Women’s Club of San Pablo City sa Linis Lawa na inorganized ng Friends of the Seven Lakes Foundation ngayong araw.

Kasama ang iba’t ibang organizations, groups, at volunteers, nakiisa ang mga Apexians sa paglilinis ulit ng paligid ng Sampaloc Lake bilang bahagi ng nasabing activity.

Bukod sa pakikilahok sa clean-up activity, nagpaabot din ng suporta ang Apex para sa mga participants at volunteers na nakiisa sa nasabing event.

Iba’t ibang grupo ang nagsama-sama para makibahagi sa aktibidad na naglalayong makatulong sa paglilinis at pangangalaga ng Lawa.

APEX CLUB OF SAN PABLO CITY SUPPORTS INTERNATIONAL COASTAL CLEANUP DAY 🌅 🍃 Hindi man tayo nasa tabing-dagat, hindi ito n...
19/09/2026

APEX CLUB OF SAN PABLO CITY SUPPORTS INTERNATIONAL COASTAL CLEANUP DAY 🌅 🍃

Hindi man tayo nasa tabing-dagat, hindi ito naging hadlang para makiisa ang Apex Club of San Pablo City at Apex Women’s Club of San Pablo City sa International Coastal Cleanup Day ngayong September 19, 2026.

Bilang pakikiisa sa pandaigdigang clean-up activity, nagsagawa ang dalawang Apex Clubs ng Walking Clean-Up Drive sa paligid ng Sampaloc Lake.

Humigit-kumulang 3.7 kilometers ang nilakad ng mga Apexians na paikot sa lawa. Habang naglalakad, sabay-sabay din silang namulot ng mga kalat na kanilang nakikita sa daan at nilinis ang mga lugar na kanilang nadadaanan.

Pero hindi lang kalinisan ng kapaligiran ang naging benepisyo ng activity. Nakapag-ehersisyo na rin ang mga Apexians! Sa bawat hakbang, nakatulong na sa kalikasan, nakapagpapawis pa, at nagkaroon pa ng pagkakataon para sa kwentuhan at fellowship. 👟🌿

APEX CLUB OF SAN PABLO CITY BLOOD DONATION CAMPAIGN 🩸Ngayong araw, September 13, 2026, matagumpay na isinagawa ng Apex C...
13/09/2026

APEX CLUB OF SAN PABLO CITY BLOOD DONATION CAMPAIGN 🩸

Ngayong araw, September 13, 2026, matagumpay na isinagawa ng Apex Club of San Pablo City ang Blood Donation Campaign sa SM City San Pablo Mall Atrium, sa pakikipagtulungan sa Philippine Red Cross – San Pablo City Chapter at SM City San Pablo.

Sa kabuuan, 72 individuals ang naglaan ng oras at nagpunta upang makiisa sa ating blood donation drive. Matapos ang isinagawang health screening, 56 donors ang naging eligible at matagumpay na nakapag-donate ng dugo, habang 16 individuals ang hindi nakapagpatuloy sa donation process matapos ang screening.

Kabilang sa mga matagumpay na nakapag-donate ang 10 Apexians, na personal na nakibahagi sa proyekto bilang bahagi ng aming commitment sa community service.

Higit pa sa isang blood donation activity, naging pagkakataon ito upang magkaisa ang komunidad, mahikayat ang mas maraming tao na tumulong, at mapalakas ang diwa ng volunteerism at malasakit sa kapwa.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nag-donate, nakiisa, nag-volunteer, at sumuporta sa ating proyekto. Ang bawat oras, effort, at intensyon na makatulong ay mahalagang bahagi ng tagumpay ng aktibidad na ito.

APEX CLUB OF SAN PABLO CITY
50 Years of Citizenship, Fellowship and Service

APEX FELLOWSHIP PICKLEBALL TOURNAMENT 🥒 🎾 Nagsagawa ang Apex Club of San Pablo City, kasama ang Apex Women’s Club of San...
08/09/2026

APEX FELLOWSHIP PICKLEBALL TOURNAMENT 🥒 🎾

Nagsagawa ang Apex Club of San Pablo City, kasama ang Apex Women’s Club of San Pablo, ng isang Fellowship Pickleball Tournament na nilahukan ng mga miyembro at kanilang mga pamilya. Naging pagkakataon ito para sa mga Apexians na magsama-sama, magkaroon ng masayang bonding, at mas mapalakas ang samahan sa loob ng organisasyon.

Higit sa laro at kompetisyon, ang aktibidad ay naging daan upang magkaroon ng quality time ang mga miyembro kasama ang kanilang pamilya, makabuo ng bagong pagkakaibigan, at lumikha ng masasayang alaala bilang isang Apex family.

Naging mas espesyal ang fellowship sa pagdalo ni Acting City Mayor Carmela Acebedo, na patuloy na nagpapakita ng suporta sa mga proyekto at activities ng Apex Club of San Pablo. Ang kanyang pakikiisa ay lubos na pinahahalagahan ng buong club.

Sa pamamagitan ng mga ganitong fellowship activities, patuloy na pinapalakas ng Apex ang pagkakaibigan, pagkakaisa, at magandang samahan ng bawat miyembro, kasabay ng pagpapatuloy ng aming commitment sa Service, Fellowship, and Citizenship. 💙

🩸 APEX CLUB OF SAN PABLO CITY CALLS FOR BLOOD DONORSInaanyayahan namin ang lahat na makiisa sa Blood Donation Drive ng A...
01/09/2026

🩸 APEX CLUB OF SAN PABLO CITY CALLS FOR BLOOD DONORS

Inaanyayahan namin ang lahat na makiisa sa Blood Donation Drive ng Apex Club of San Pablo City, in partnership with the Philippine Red Cross – San Pablo City Chapter and SM City San Pablo.

📅 September 13, 2026 (Sunday)
⏰ 10:00 AM – 5:00 PM
📍 SM City San Pablo – Mall Atrium

Hindi man lahat ay makakapag-donate, malaking tulong na ang pag-share ng post na ito para mas marami ang makaalam at mahikayat na mag-donate. ❤️

Donate blood. Share the call. Help save lives. 🩸

🇵🇭 APEXIANS, NAKIISA SA PAGGUNITA NG ARAW NG MGA BAYANINakiisa ang Apex Club of San Pablo City, kasama ang Apex Women’s ...
31/08/2026

🇵🇭 APEXIANS, NAKIISA SA PAGGUNITA NG ARAW NG MGA BAYANI

Nakiisa ang Apex Club of San Pablo City, kasama ang Apex Women’s Club, sa paggunita ng Pambansang Araw ng mga Bayani na ginanap sa Dambana ng mga Bayani, Doña Leonila Urban Park, San Pablo City.

Pinagtipon ng makabuluhang paggunita ang mga pinuno ng lungsod, mga organisasyon, at mamamayan upang parangalan ang tapang, sakripisyo, at paglilingkod ng mga bayaning nag-ambag sa paghubog ng ating bansa.

Ito ay nagsilbing paalala ng patuloy na pagsusulong ng pagkamamamayan, paglilingkod, at pamumuno na nagsisilbing gabay sa pagiging aktibo at responsableng bahagi ng komunidad.

Pagpupugay sa ating mga bayani. Pagpapatuloy ng kanilang diwa sa pamamagitan ng paglilingkod. 🇵🇭

APEX CLUB OF SAN PABLO CITY, IDINAOS ANG IKA-43 TAUNANG TALUMPATIANIsang makabuluhang araw para sa kabataan ang muling n...
30/08/2026

APEX CLUB OF SAN PABLO CITY, IDINAOS ANG IKA-43 TAUNANG TALUMPATIAN

Isang makabuluhang araw para sa kabataan ang muling nasaksihan sa Rizal Hall, San Pablo City Central School, kung saan isinagawa ang 43rd Annual Talumpatian ng Apex Club of San Pablo City.

Ngayong taon, muling ipinakita ng mga kalahok mula sa iba’t ibang paaralan ang kanilang husay, paghahanda at tapang sa harap ng mga hurado at kapwa kalahok.

🏆 MGA NAGWAGI

🥇 1st Place – KYLIE S. DELA VEGA
Col. Lauro D. Dizon Memorial Integrated High School – San Pablo City, Laguna

🥈 2nd Place – SHAENRI MEIZHA PERE
Liceo De San Pablo

🥉 3rd Place – NORWIN HERNANDEZ
San Pablo City Science Integrated High School

Nakikiisa rin ang Laguna College, St. Joseph School, San Jose Integrated High School, at Prudencia D. Fule Memorial National High School.

Binabati ng Apex Club of San Pablo City ang lahat ng kalahok sa kanilang ipinakitang galing at tapang. Ang bawat isa ay panalo sa pagkakataong maipakita ang kanilang kakayahan at maibahagi ang kanilang boses.

Ang Talumpatian ay isa sa mga proyektong matagal nang isinasagawa ng Apex Club of San Pablo City, isang tradisyong patuloy na pinananatili at ipinapasa sa bawat henerasyon ng kabataan.

APEX CLUB OF SAN PABLO CITY

Service • Fellowship • Citizenship

APEX CLUB OF SAN PABLO CITY, NAKIKIISA SA PAGPAPANATILI NG MALINIS AT MAAYOS NA PAMILIHANBilang bahagi ng patuloy na pak...
29/08/2026

APEX CLUB OF SAN PABLO CITY, NAKIKIISA SA PAGPAPANATILI NG MALINIS AT MAAYOS NA PAMILIHAN

Bilang bahagi ng patuloy na pakikiisa sa mga programa para sa kalinisan at kaayusan ng ating lungsod, ang Apex Club of San Pablo City, sa pangunguna ni Pangulo Alvin Joseph Dequito, ay nag-donate ng 20 gallons ng All Purpose Disinfectant Cleaner para gamitin sa clean-up at sanitation ng Market Basement Parking.

Ang naturang donasyon ay personal na iniabot kay Acting City Mayor Carmela Acebedo, bilang pagpapakita ng suporta ng Apex Club sa mga hakbang ng pamahalaang lungsod para mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng ating pamilihan.

Isinagawa ang proyekto sa pakikipagtulungan sa CARD Astro at Apex Women’s Club, bilang pagpapakita ng pagkakaisa at sama-samang malasakit para sa kalinisan, kaligtasan, at kapakanan ng ating komunidad.

Bilang isang civic organization, patuloy ang Apex Club of San Pablo City sa pagsasagawa at pagsuporta sa mga programang nakatuon sa serbisyo sa komunidad, pagtulong sa nangangailangan, edukasyon, kalusugan, kabataan, at pagpapaunlad ng ating lungsod.

Ipinababatid po sa lahat ng mga kalahok, tagapagsanay, hurado, at mga panauhin na tuloy  po ang Talumpatian ngayong araw...
29/08/2026

Ipinababatid po sa lahat ng mga kalahok, tagapagsanay, hurado, at mga panauhin na tuloy po ang Talumpatian ngayong araw.

Ang programa ay gaganapin sa:

📅 Agosto 29, 2026
⏰ 1:00 ng Hapon
📍 Rizal Hall, San Pablo City Central School

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta.

Address

Sampaloc Lake
San Pablo City
4000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Apex Club of San Pablo City (OFFICIAL) posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share