20/09/2026
ANG PAG AASAWA NG BABAENG AGILA
Sa bawat hakbang na kanilang ginagawa patungo sa altar, unti-unting nagtatagpo ang dalawang puso na minsan nagkatagpo ng landas.
Ang mahal naming Ate na dati kami lang ang naglalambing ngunit may nakatakda na mag alaga at mahalin sya .
Dalawang taong may kanya-kanyang pangarap, kuwento, karanasan, ang sabay na nagkaisa na lumakad upang magka isang dibdibβ, dalawang taong handang bumuo ng isang buhay.
Ang paglalakad sa aisle ng aming Ate Tin upang tagpuin ang aming kuya Jayson ay hindi lamang isang seremonya. Ito ay simbolo ng paglalakbayβisang paglalakbay na puno ng pagmamahalan, pang-unawa, pagtitiis, at pangakong hindi iiwan ang isa't isa sa hirap at ginhawa.
Sa bawat hakbang, tila sinasabi nila:
"Mula sa araw na ito, sabay nating haharapin ang bukas."hindi man nangangahulugang magiging perpekto ang kanilang buhay, nangangahulugan itong handa silang harapin ang bawat pagsubok nang magkasama.
Dahil ang tunay na kahulugan ng pag-iisang dibdib ay hindi lamang ang pagsasabi ng βI do,β kundi ang pagpili sa isa't isaβaraw-araw,
Masaya ang mga ate na makita ka na natupad ang pangarap mo na maikasal. kasama mo kami sa bawat tagumpay at sa pagsubok nandito pa din laging umaalalay ang San Pablo City Lady Eagles Club....CONGRATULATION and Best Wishes Ate Tin at Kuya Jayson.