12/06/2026
MALIGAYANG ARAW NG KALAYAAN! 🇵🇭
Sa pagdiriwang ng ika-12 ng Hunyo, nawa’y patuloy nating pahalagahan ang kalayaang ipinaglaban ng ating mga bayani sa pamamagitan ng pagkakaisa, pagmamahal sa bayan, at paglilingkod sa kapwa.
Ang Scouts Royale Brotherhood (SRB) Atisan Association ay nakikiisa sa sambayanang Pilipino sa paggunita ng Araw ng Kalayaan. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kanilang kagitingan upang tayo ay maging responsableng mamamayan at aktibong tagapagtaguyod ng kapayapaan, disiplina, at pagkakapatiran.
"Kalayaan ay yaman ng bayan; ito'y ingatan, pahalagahan, at ipagmalaki."
🇵🇭 Maligayang Araw ng Kalayaan! 🇵🇭
Mula sa Scouts Royale Brotherhood (SRB) Atisan Association
"Service, Brotherhood, and Nation Building."