09/06/2026
“Ito ang unang beses na makatanggap ng ang Office of the Vice Governor na magkaroon ng SerVICEyo Caravan sa isang barangay na request ng SK Council.” — OVG Laguna
SerVICEyo CARAVAN NI VG. JM CARAIT, ISINAGAWA SA BARANGAY
MAY 30, 2026 — Mapalad na tinugon ang kahilingan ni SK Chairperson Nicolai Miranda ng Office of the Vice Governor of Laguna na magsagawa sa Barangay II-E ng SerVICEyo Caravan na ginanap sa San Anton Elementary School. Dinaluhan ito ng hindi bababa sa mahigit 200 na mga mamamayan ng Barangay II-E—mula sa mga kabataan, senior citizen, PWD, at iba pa.
Ganoon din, kabilang sa tumulong at nagbigay-suporta ang Sangguniang Barangay ng II-E sa pangunguna ni Punong Barangay Romnick Cyrus G. Manalo sa nasabing makabuluhang gawain.
Iba’t ibang serbisyo ang inihatid ng nasabing caravan na para sa kapakanan ng mga mamamayan. Libre ang karamihan dito na lubusan namang ikinagalak ng mga mamamayan ng Barangay II-E.
Sa huli, nagpapasalamat ang buong Sangguniang Kabataan at Sangguniang Barangay ng II-E sa tanggapan ni Laguna Vice Governor JM Carait sa pagtugon sa kahilingang makapagsagawa ng caravan.
Patunay ito na ang SK Council ay hindi lamang para sa mga kabataan. Ang SK Council ay para rin sa kapakanan ng bawa’t isang mamamayan ng komunidad.