31/08/2026
๐ YOUTH NIGHT 2026 | LINGGO NG KABATAAN ๐
Isang masaya, makulay, at makabuluhang gabi ang naging selebrasyon ng Linggo ng Kabataan 2026 sa Barangay San Gabriel! ๐
Sa pamamagitan ng Youth Night 2026, layunin nating bigyan ang kabataan ng pagkakataong magkaisa, makapagbahagi ng talento, makabuo ng mas matibay na pagkakaibigan, at magkaroon ng ligtas at positibong espasyo kung saan sila ay malayang makapagpahayag at makapaglibang. Higit sa kasiyahan, layunin din nitong iparamdam sa bawat kabataan na sila ay mahalagang bahagi at katuwang sa pag-unlad ng ating komunidad. ๐ค
๐ถ Live Band | ๐ข Free Ihaw-Ihaw & Street Foods | ๐ Takoyaki | ๐ฅ Shawarma | ๐ฅค Free Beverages
Maraming kabataan ang dumalo at sama-samang nakisaya, kumanta, sumayaw, at nagbahagi ng masasayang sandali. Tunay na naging makulay ang gabi dahil sa pagkakaisa at aktibong pakikiisa ng kabataan ng San Gabriel. ๐ถ
Ang kabataan ay hindi lamang kinabukasanโsila ay mahalagang bahagi ng kasalukuyan.
Mabuhay ang Kabataan ng Barangay San Gabriel! ๐