BRIA Phase 2 Community Support Association

BRIA Phase 2 Community Support Association Brgy San Gregorio, San Pablo City Laguna PH

Junior volunteer's guided by senior volunteers
23/07/2026

Junior volunteer's guided by senior volunteers

🤝💚 BRIA PHASE 2 COMMUNITY BAYANIHAN 💚🤝Pagbabantay at Pag-iikot para sa Kaligtasan ng LahatIsang malaking pasasalamat sa ...
22/07/2026

🤝💚 BRIA PHASE 2 COMMUNITY BAYANIHAN 💚🤝

Pagbabantay at Pag-iikot para sa Kaligtasan ng Lahat

Isang malaking pasasalamat sa ating mga Interim Officers at mga Volunteer na sama-samang naglalaan ng oras at lakas para sa pagbabantay at pag-iikot sa BRIA Phase 2. 🏘️🛡️

Sa pamamagitan ng ating bayanihan, pagkakaisa, at malasakit sa isa’t isa, patuloy nating pinapanatili ang kaayusan at seguridad ng ating komunidad—lalo na sa mga oras na kinakailangan ang dagdag na pagbabantay.

Ang inyong oras at pagod ay malaking ambag sa ating komunidad. Walang sapilitan—boluntaryo po ang lahat, at ang bawat tumutulong ay tunay na nagpapakita ng malasakit sa ating mga kapitbahay. 💚

Maraming salamat sa ating mga Interim Officers at Volunteers na patuloy na nakikiisa at tumutulong sa pagpapanatili ng isang ligtas, maayos, at mapayapang BRIA Phase 2. 🙏🏠

Kapag sama-sama, mas ligtas ang bawat tahanan.
🤝💚 Bayanihan para sa BRIA Phase 2! 🛡️✨

Isang taos-pusong pasasalamat po kay **Chairman Rene Calabia** sa kanyang pagpapatawag, pagbibigay ng basbas, gabay, at ...
04/07/2026

Isang taos-pusong pasasalamat po kay **Chairman Rene Calabia** sa kanyang pagpapatawag, pagbibigay ng basbas, gabay, at suporta sa ating mga **Interim Officers** sa pagpapatupad ng **peace and order** sa Bria Phase 2.

Lubos din po naming pinahahalagahan ang inyong tiwala at pagkilala sa oras, dedikasyon, at boluntaryong paglilingkod ng ating mga opisyal at volunteers. Ang inyong suporta ay nagsisilbing inspirasyon upang lalo pa naming pagbutihin ang aming tungkulin para sa kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng ating komunidad.

Maraming salamat din sa lahat ng homeowners at volunteers na patuloy na nakikiisa at sumusuporta sa mga programa ng ating samahan. Sa ating pagkakaisa, mas mapapalakas natin ang Bria Phase 2 at masisiguro ang isang ligtas, maayos, at mapayapang komunidad para sa lahat.

**Maraming salamat po at mabuhay ang Bria Phase 2 Community!** 🇵🇭🤝

02/07/2026

ANNOUNCEMENT

Magandang gabi po sa lahat.

Simula ngayong gabi, mahigpit na ipatutupad ang curfew simula alas-10:00 ng gabi para sa mga menor de edad bilang bahagi ng pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa ating komunidad.

Pinapaalalahanan din po ang lahat na ang mga menor de edad na hindi residente ng Bria Phase 2 ay kinakailangang umalis sa loob ng Phase 2 pagsapit ng curfew hours.

Ang patakarang ito ay ipinatutupad para sa peace and order at para sa kaligtasan ng lahat ng residente.

Hinihiling po namin ang pakikiisa at kooperasyon ng bawat isa.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pagsunod.

— Pamunuan ng Bria Phase 2 Community Support Association

📢 Bria Phase 2 Community Support AssociationSa mga nais pong dumalo sa ating pagpupulong, malugod po kayong inaanyayahan...
28/06/2026

📢 Bria Phase 2 Community Support Association

Sa mga nais pong dumalo sa ating pagpupulong, malugod po kayong inaanyayahan at welcome po ang lahat.

Ang inyong presensya, suhestiyon, at pakikiisa ay mahalaga para sa ikabubuti at kaayusan ng ating komunidad.

Maraming salamat po.

22/06/2026

📢 **Announcement – Bria Phase 2 Community Support Association**

Magandang gabi po sa lahat.

Nais po naming ipabatid na ang residente ng **Block 4 Lot 41 corner Block 7 Lot 7** ay magalang na nagpapaalam sa ating komunidad na magkakaroon po sila ng **handaan** sa darating na **Wednesday, June 24, 2026**.

Kaugnay nito, sa **June 23, 2026 simula 6:00 PM**, pansamantala pong isasara ang daanan sa nasabing lugar bilang paghahanda sa okasyon.

Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa sakaling magkaroon ng kaunting ingay o abala sa nasabing araw.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pag-unawa. 😊

21/06/2026

Happy Father's Day

Sa People’s Day ni Cong. Amben, ang mga interim officers ng Bria Phase 2 Community Association ay nag-request ng tent at...
20/06/2026

Sa People’s Day ni Cong. Amben, ang mga interim officers ng Bria Phase 2 Community Association ay nag-request ng tent at mga upuan na magagamit sa pagbabantay sa gabi sa ating guard house habang ito ay patuloy pang itinatayo.

Maraming salamat po sa inyong suporta at pakikiisa para sa kaligtasan at kaayusan ng ating komunidad. Sama-sama po nating itaguyod ang mas ligtas at maayos na pamayanan. 🙏💙

P.S. thank you po ate Dabu sa pag sama po sa amin 🙏

BRIA PHASE 2 Community Support AssociationKami po ay taos-pusong nagpapasalamat kay Cong. Loreto "Amben" Amante sa inyon...
20/06/2026

BRIA PHASE 2 Community Support Association

Kami po ay taos-pusong nagpapasalamat kay Cong. Loreto "Amben" Amante sa inyong agarang pagtugon at suporta sa aming kahilingan para sa "tent" na magagamit ng aming mga "Volunteer Rouving Personnel" sa pagpapatupad ng seguridad at kaayusan sa aming komunidad.

Lubos po naming ikinagagalak na ipabatid na ang nasabing tent ay dumating na at malaking tulong ito sa aming mga volunteer upang magkaroon ng maayos na masisilungan habang ginagampanan ang kanilang tungkulin, lalo na sa oras ng pagbabantay at pagroronda.

Ang inyong kabutihang loob at suporta ay patunay ng inyong malasakit sa kapakanan ng mamamayan. Asahan po ninyo ang aming patuloy na pakikipagtulungan para sa ikabubuti at kaayusan ng aming komunidad.

Maraming maraming salamat po at nawa’y pagpalain pa kayo ng Poong Maykapal.

Address

Brgy San Gregorio
San Pablo City
4000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BRIA Phase 2 Community Support Association posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share