19/04/2025
Sa ika-anim na araw ng RSO Week 2025, tayo’y tutungo sa Brgy. 664-A, Paco, Manila upang ihatid ang kaalaman, kalinga, at malasakit para sa kalusugan ng bawat pamilya, dito sa Payuhuan: Puso ng Pamilya, Kaalaman at Gabay sa Altapresyon. ❤️🩹
Sa pakikipag-ugnayan ng Regionalization Students Organization sa Kanlungan sa Er-Ma Ministry, katuwang ang PLM Social Work Interns, layon ng programang ito na maitaguyod ang proteksyon at pangmatagalang pag-unlad ng mga batang nangangailangan ng espesyal na pagkalinga—kasama ang kanilang mga pamilya—sa isang holistikong pamamaraan na nakaugat sa malasakit at pananampalataya. 🙌
Dahil ang Payuhuan, mula sa salitang Ivatan, ay sumasalamin sa pagkakaisa ng komunidad—sa diwa ng bayanihan at kusang-loob na pagtutulungan. Nakaugat dito ang nais naming gawin, ang maging katuwang sa paglalakbay ng bawat pamilya tungo sa mas matatag na bukas. 🌅
📍 Brgy. 664-A, Paco, Manila City
📅 Abril 26, 2025 (Sabado)
In cooperation with
Radiopaedia
Special thanks to
UP Medical Students for Social Responsibility
Pub by Jill Shaola Cabrega
Caption by Bea Punongbayan