02/04/2026
#𝗕𝘂𝗼𝗻𝗴𝗣𝗜𝗦𝗢𝗡𝗚𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶𝗵𝗮𝗻
Sa panahong ito ng Semana Santa—panahon ng sakripisyo, pagdamay, at muling pag-asa—naaalala natin ang tunay na diwa ng pagmamahal sa kapwa.
Ngunit habang tayo ay nagdarasal at nagbubulay-bulay, may mga pamilya sa Brgy. II-C, San Pablo City na kasalukuyang dumaraan sa sariling “pasyon”—iniwan ng apoy na walang tahanan, walang kasiguraduhan. Mas mabigat pa rito, isa sa aming kabataang boluntaryo—na dating tumutulong sa iba—ang ngayon ay isa sa mga nawalan.
Sa pamamagitan ng , inaanyayahan namin kayong makiisa sa diwa ng pagbibigayan ngayong Semana Santa. Tulad ng sakripisyong ating ginugunita, nawa’y maglaan tayo kahit kaunti para sa muling pagbangon ng ating mga kababayan.
Walang maliit na tulong—bawat piso ay may katumbas na pag-asa.
📲 𝗚𝗖𝗔𝗦𝗛: 𝟬𝟵𝟯𝟬 𝟵𝟬𝟯 𝟯𝟮𝟵𝟮
📲 𝗠𝗔𝗬𝗔: 𝟬𝟵𝟲𝟳 𝟬𝟵𝟭 𝟬𝟳𝟳𝟳
📦 Para sa in-kind donations, maaaring ihatid sa 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 𝐨𝐟 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥𝐨𝐫 𝐆𝐞𝐥 𝐀𝐝𝐫𝐢𝐚𝐧𝐨, 𝟔𝐭𝐡 𝐅𝐥𝐨𝐨𝐫, 𝐍𝐞𝐰 𝐂𝐚𝐩𝐢𝐭𝐨𝐥
📞 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻:
𝗠𝗿. 𝗝𝗼𝗵𝗻 𝗘𝗹𝗺𝗲𝗿 𝗠𝗲𝗿𝗰𝗮𝗱𝗼 – 𝟬𝟵𝟲𝟵 𝟰𝟱𝟴 𝟵𝟳𝟱𝟳
Sa bawat abot-kamay na tulong, tayo ay nagiging bahagi ng kanilang muling pagkabuhay mula sa trahedya.