19/09/2026
โ๐ ๐ฆ๐๐ผ๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐ก๐ฎ๐๐๐ฟ๐ฒ โ ๐๐๐ญ๐ฎ๐ซ๐๐๐ฒ (๐๐๐ฉ๐ญ๐๐ฆ๐๐๐ซ ๐๐, ๐๐๐๐)
โ
โโ ๐๐ซ๐๐ง๐ฎ ๐๐ญ๐ฅ๐๐ง๐๐๐ฃ๐๐ ๐๐๐จ ๐ ๐จ๐ฉ๐ค๐ง๐ฎ, ๐๐ฃ๐ ๐๐ซ๐๐ง๐ฎ ๐จ๐ฉ๐ค๐ง๐ฎ ๐๐๐ฃ ๐๐ฃ๐จ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ค๐ข๐๐ค๐ฃ๐ ๐ฉ๐ค ๐๐๐ง๐ ๐๐ค๐ง ๐ค๐ช๐ง ๐๐ฃ๐ซ๐๐ง๐ค๐ฃ๐ข๐๐ฃ๐ฉ ๐ ๐ก๐๐ฉ๐ฉ๐ก๐ ๐ข๐ค๐ง๐. ๐๐พโจ
โ
โ๐ง๐ผ๐ฑ๐ฎ๐ ๐ถ๐ ๐๐ต๐ฒ ๐ฑ๐ฎ๐ ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐ฌ๐๐ฆ-๐ข! ๐ช๐ฒโ๐ฟ๐ฒ ๐ด๐ถ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ผ๐๐ฟ ๐ฌ๐๐ฆ-๐ข ๐ผ๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ๐ฟ๐, ๐ฟ๐ฒ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐๐ถ๐๐ฒ๐, ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐บ๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐ ๐ฎ ๐ฐ๐ต๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐๐ผ ๐๐ต๐ฎ๐ฟ๐ฒ ๐๐ต๐ฒ๐ถ๐ฟ ๐ผ๐๐ป ๐ฒ๐
๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ๐, ๐บ๐ฒ๐บ๐ผ๐ฟ๐ถ๐ฒ๐, ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐น๐ถ๐๐๐น๐ฒ ๐บ๐ผ๐บ๐ฒ๐ป๐๐ ๐๐ต๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ฑ๐ฒ ๐๐ต๐ฒ๐บ ๐ฟ๐ฒ๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฒ ๐๐ต๐ ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ฐ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐๐๐ฟ๐ฒ ๐๐ฟ๐๐น๐ ๐บ๐ฎ๐๐๐ฒ๐ฟ๐. ๐ช๐ต๐ฒ๐๐ต๐ฒ๐ฟ ๐ถ๐โ๐ ๐ฎ ๐๐ถ๐บ๐ฝ๐น๐ฒ ๐ฎ๐ฐ๐ ๐ผ๐ณ ๐ฝ๐ถ๐ฐ๐ธ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฝ ๐น๐ถ๐๐๐ฒ๐ฟ, ๐ฝ๐น๐ฎ๐ป๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ ๐๐ฟ๐ฒ๐ฒ, ๐๐ฝ๐ฒ๐ป๐ฑ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ถ๐บ๐ฒ ๐ผ๐๐๐ฑ๐ผ๐ผ๐ฟ๐, ๐ผ๐ฟ ๐๐ถ๐บ๐ฝ๐น๐ ๐น๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐๐ผ ๐ฎ๐ฝ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐๐ฒ ๐๐ต๐ฒ ๐ฏ๐ฒ๐ฎ๐๐๐ ๐ฎ๐ฟ๐ผ๐๐ป๐ฑ ๐๐ โ ๐ฒ๐๐ฒ๐ฟ๐ ๐๐๐ผ๐ฟ๐ ๐ผ๐ณ ๐๐ ๐ถ๐ ๐๐ผ๐ฟ๐๐ต ๐๐ต๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด! ๐ฅ๐ฒ๐ฎ๐ฑ ๐ฒ๐๐ฒ๐ฟ๐๐๐ต๐ถ๐ป๐ด ๐ต๐ฒ๐ฟ๐ฒ :
โ
โโจ ๐๐ฌ. ๐๐ซ๐๐ฌ๐ข๐๐๐ง๐ญ | ๐๐ซ๐ข๐ง๐๐๐ฌ๐ฌ ๐๐๐ง๐ง๐ข๐๐ ๐๐ ๐๐จ๐ซ๐ฃ๐ ๐พ
โ
โโ โNgayong linggo, mas sinubukan kong maging mindful sa mga simpleng bagay na ginagawa ko para sa environment. Nagsimula ako sa mga bagay na kaya kong gawin araw-araw sa aming bahay kagaya na lamang ng pagpapanatili ng kalinisan sa paligid, tamang pagtatapon ng basura, pagtitipid ng tubig at kuryente, at pag-iwas sa mga gawain na maaaring makasama sa kalikasan.
โ
โNga pala, mahilig din akong magkolekta ng mga bagay na alam kong magagamit pa para hindi rin masayang o mapunta na lamang sa basurahan. Isa sa mga gusto ko laging kolektahin ay mga iba't ibang uri ng papel pati na rin โyung mga bagay na magagamit ko sa projects ko sa school. Minsan sinasabi nilang itapon ko na daw kasi mukhang hindi naman na magagamit, pero lahat ng naiipon ko nakatabi sa isang box na nakatago naman sa cabinet ko.
โ
โBilang isang kabataan, narealize ko na hindi naman kailangang laging malaki ang ginagawa natin para masabing nakakatulong tayo. Kahit simpleng pagligpit ng kalat o pagpapaalala sa iba na alagaan ang paligid, may halaga pa rin. This week reminded me that caring for nature is not just something we talk about โ it is something we can practice every day.โ
โ
โโจ ๐๐ฌ. ๐๐ข๐๐ ๐๐ซ๐๐ฌ๐ข๐๐๐ง๐ญ | ๐๐๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฒ ๐๐ข๐ฅ๐ฅ๐๐ฌ๐รฑ๐จ๐ซ ๐พ
โ
โโ โBata pa lamang ako ay mahilig ko nang bisitahin ang grotto sa may paragusan.
โ
โSa taong 2021, may malakas na bagyo ang dumaan sa Brgy. Stmo. Rosario na nagdulot ng mataas na baha sa may paragusan. Nang humupa ang baha, nag-iwan ito ng tumpok-tumpok na mga plastik, bote, putol na kahoy, burak, at iba pang mga basura na naipon sa imburnal doon. Ilang araw itong binalewalang linisin.
โ
โHindi nagtagal, pumunta kami sa grotto. Doon ko nasaksihan at nakilala si "Mamay Ramon". Mag-isa niyang tinanggal ang mga bara kahit na kung titingnan ay parang imposible nang walang hinihinging kapalit.
โ
โAking napagtanto sa araw na iyon na may mga tao pa rin pa lang may malasakit sa ating kalikasan. Hindi niya ikinahiya ang kaniyang ginagawa bagkus ay inintindi niya na lamang ang magiging dulot nito sa iba. Inaksyunan niya ang problemang tayo mismo rin naman ang nagdulot. Kaya't sinabi ko na kung sakaling makita ko si Mamay na ginagawa ulit iyon ay hindi na siya nag-iisa, kasama na niya ang iba, at kasama na rin ako.โ
โ
โโจ ๐๐ซ. ๐๐๐๐ซ๐๐ญ๐๐ซ๐ฒ | ๐๐๐๐ง ๐๐๐ฅ๐ฏ๐ข๐ง ๐๐จ๐ซ๐ญ๐๐ณ ๐พ
โ
โโ โAng kahalagan ng isang puno sa kalikasan o sa kapaligiran ay napaka laking apekto sa simpleng pag tatanim ng puno ay nakakatulong natayo sa kaliksan na patuloy na nanganga ilangan ng suporta dahil patuloy ang pag kasira nito na tayo rin ang may kagagawan, naidudulot nito ay sabrang pag init na kapaligiran, mabilis na pag baha, pag guho ng lupa at marami pang iba.
โ
โSigurado ako na nararanasan at nararamdaman natin ang ganitong sitwasyon ngayun na ninanakaw ng mga kurap na pulitiko ang pondo na nakalaan para sa kapaligiran.
โ
โNawa ay magsilbi itong paalala na hindi pa huli ang lahat para ingatan at pahalagahan ang ating kalikasan.โ
โ
โโจ ๐๐ฌ. ๐๐ซ๐๐๐ฌ๐ฎ๐ซ๐๐ซ | ๐๐๐ซ๐๐๐ฅ๐ ๐๐๐๐๐ฅ๐ข๐ง๐ญ๐๐ฅ ๐พ
โ
โโ โI love our beloved Kalikasan! ๐ฅบโฃ๏ธ
โ
โNaalala ko tuwing umuulan, lagi kaming nangangamba ng pamilya ko kasi baka bumaha yung ilog na dinaraanan namin. Palaging itong bumabaha dahil napakaraming basura na bumabara. Na-realize ko na super duper halaga ng kalikasan every single day kayaโt kailangan natin itong pangalagaan. Every single piece of trash matters, dapat natin itong itapon sa tamang basurahan at hindi kung saan-saan lamang. I feel so BS Psychology rn, eme. Please, magtapon po tayo sa tamang tapunan.โ
โ
โโจ ๐๐ซ. ๐.๐. | ๐๐ซ๐ฏ๐ข๐ง ๐
๐ฅ๐จ๐ซ๐๐ฌ ๐พ
โ
โโ โBakit ba mahalagang alagaan ang ating kalikasan?
โ
โSo mahalaga ito alagaan sapagka't ito ang ating pangunahing pinagkukunan ng ating mga pangangailangan. Ito rin ang ang nagbibigay sa atin ng maayos at payapang pamumuhay. Kung ating iisipin, kung walang kalikasan paano nga ba tayo mabubuhay dahil halos lahat ay nasa ating kalikasan ang ating mga kailangan.
โ
โBase naman sa aking karanasan ay ang kalikasan ang pinakaimportante sa akin sapagka't ito ang nagbibigay ng maayos na pamumuhay. Dito halos nanggagaling ang mga bagay na aming ginagamit sa aming bahay, dito rin kami kumukuha ng aming kakainin at ito rin ang nagbigay sa amin ng hanap buhay. Sa aking mga karanasan ay talagang masasabi ko na karapat dapat talaga natin itong alagaan dahil ang kalikasan ang pangunahing nagbibigay ng mga pangangailangan ng bawat tao para mamuhay sa araw-araw.โ
โ
โโจ ๐๐ฌ. ๐๐ซ๐๐๐ ๐ - ๐๐๐ฉ๐ซ๐๐ฌ๐๐ง๐ญ๐๐ญ๐ข๐ฏ๐ | ๐๐ก๐ฅ๐จ๐ ๐๐ซ๐๐ง๐ ๐ฎ๐ซ๐๐ง ๐พ
โ
โโ โSa araw-araw, makikita natin kung gaano kahalaga ang malinis na kapaligiran. Kahit simpleng pagpasok sa school o pag-uwi, mapapansin natin na mas komportable at mas maganda sa pakiramdam kapag malinis ang paligid at walang kalat kung saan-saan.
โ
โMinsan, maliit lang na bagay ang kailangan para makatulong, tulad ng pagtatapon ng basura sa tamang lugar at pag-iwas sa pagkalat. Hindi man natin agad makita ang epekto nito, malaking bagay pa rin na nagsisimula tayo sa sarili natin.โ
โ
โโจ Grade 11 - Representative | Ashlyn Papa ๐พ
โ
โโ โIsa sa mga karanasan ko kung bakit mahalaga ang pag-protekta sa ating kalikasan ay ang tamang paglilinis ng kanal at pagtatapon ng basura sa tamang lagayan.
โ
โKaninang umaga, nilinis ng aking ama ang kanal na nasa harap ng aming bahay dahil hindi barado ito ng basura na naging dahilan kung bakit hindi maayos na daloy ang tubig na lumalabas sa bawat kabahayan dito. Minsan dito sa amin, depende kung sabado o linggo ang dating ng truck ng basura. Kaya naman, nilabas namin ang mga basura sa tamang lagayan. Inihiwalay namin ang bote at karton. Sapagkat maaari namin itong ibenta sa junkshop o kaya naman ay sa dumadaan na mga mangangalakal dito saamin.
โ
โAng gawain ito ay nagpapakita na kahit maliit na gawain ay malaki ang pakinabang at magiging bunga nito sa ating kalikasan, at patuloy na yumabong ang ating komunidad. Hindi lamang natin ito ginagawa para sa ating mga sarili kundi makakatulong ito upang maimpluwensyahan ang iba at maipagpatuloy hanggang sa susunod na henerasyon para sa magandang paligid, magandang kinabukasan.โ
โ
โโจ ๐๐๐ฆ๐๐๐ซ ๐ | ๐๐ข๐ก๐๐ง๐ง๐ ๐๐ ๐๐ญ๐ก๐ ๐๐๐ซ๐๐ข๐ ๐พ
โ
โโ โAlam naman natin na ang isa sa malalang kinakaharap ng ating bansa ay ang bagyo.
โ
โTuwing may bagyo, malala ang nagiging baha sa aming lugar, lalo na sa may paragusan. Ito ang nagsisilbing daan namin kaya naman sobrang hirap. Dumadating sa point na umaabot hanggang grotto ang baha, as in lampas tao. Punong puno ng basura ang ilog. Kaya naman sobrang lala ng pagbaha.
โ
โLagi akong napapaisip, saan nga ba nanggagaling ang mga basurang ito? Doon ko na realize na, ito pala ay mula rin sating mga tao, tayo ang nagiging dahilan ng pagkasira ng kalikasan.
โ
โKaya naman bilang isang kabataan, gagawin ko ang lahat upang mapakita ang pagmamalasakit sa kalikasan. Sa simpleng pagtapon ng basura sa tamang basurahan ay malaki ng aksyon para sa unti unting pagbabago. Naniniwala ako na ang kalikasan ang ating buhay, dito tayo lumalanghap ng hangin at dito rin tayo kumukuha ng mga kailangan para sa ating pang araw araw na buhay. Naniniwala rin ako na kapag di natin inalagaan ang ating kalikasan, ay mas malaki ang balik nito sa atin.โ
โ
โโจ ๐๐๐ฆ๐๐๐ซ ๐ | ๐๐ซ๐ข๐ค๐ ๐๐๐๐ฌ๐ข๐ง๐ญ๐จ ๐พ
โ
โโ โKailangan natin ang kalikasan!
โ
โDito ko narealize na dapat nating ingatan ang ating kalikasan dahil ito ang nagproprotekta sa ating mundo at nagbibigay ng magandang simoy ng hangin.
โ
โMakikita ninyo sa ating panahon ngayon,napakalakas ng ulan.Ngayon makikita natin na ang kalikasan ang nagbibigay proteksyon sa ating bansa dahil sila ang nag-oobserve ng mga tubig ulan at iwas baha.โ
โ
โ- ๐ฌ๐๐ฆ-๐ข ๐๐พโจ
โ
โ๐ป : Princess Vennice De Borja | President