20/07/2026
Isang malaking hakbang para sangkaestudyantehang San PableΓ±o! πβοΈ
Tatlong taon na ang nakalipas nang ilunsad ng San Pablo STRAW Coalition ang kauna-unahang Student Congress ng lungsod kung saan pinagtagpo ang mga mag-aaral mula elementarya hanggang kolehiyo upang sama-samang tukuyin ang mga usaping kinahaharap ng kabataan at maglatag ng mga panukala para sa kanilang kapakanan.
Mula sa mga boses na iyon ay isinilang ang mga resolusyong naging pundasyon ng Students' Rights and Welfare (STRAW) Ordinance. Mula sa mga konsultasyon, dayalogo, at sama-samang pagsusulong, ang panukalang minsang pangarap lamang ay isa na ngayong ordinansang naihain, nirepaso, at unti-unting sumusulong sa Sangguniang Panlungsod ng San Pablo.
Kaya't inaanyayahan natin ang buong sangkaestudyantehan ng San Pablo, mga g**o, mga magulang, at lahat ng naniniwala sa makabuluhang partisipasyon ng kabataan na samahan nating itulak ang pag-usad ng STRAW Ordinance!
Ipakita nating may mga kabataang handang makilahok, at may komunidad na handang tumindig kasama nila.
Hindi sapat na ang kabataan ang kinabukasan. Dapat bahagi rin tayo ng mga desisyong huhubog sa kinabukasang iyon! βπ»
βββ
Caption: Roland James Alcayde
π ππ ππ¦π§π¨ππ¬ππ‘π§π, ππππππππ‘ π‘ππ§ππ‘!
Ngayong araw, buong puso tayong nagbigay ng privilege speech para sa STRAW Ordinance β ang Students' Rights and Welfare Ordinance. Pero higit sa lahat, ito ay pagkakataon para bigyang-diin ang isang usaping matagal na nating ipinaglalaban β ang aktibong partisipasyon ng ating mga kabataan at estudyante, mula elementarya hanggang kolehiyo, sa mga institusyong dapat direktang tinutugunan ang kanilang pangangailangan..
Sapagkat kung tungkol sa kanilang karapatan at kagalingan ang usapan, hindi dapat sila basta manatiling paksa lamang ng talakayan β dapat silang napapakinggan, nagtatanong, at nakikibahagi sa paggawa ng patakaran. Hindi na panahon ng "para sa kabataan" kung wala silang tinig sa mismong mesa kung saan ginagawa ang desisyon.
Ang STRAW Ordinance ay hindi lamang isang polisiya sa papel β ito ay tungkol sa uri ng lungsod na ipinapamana natin sa ating mga estudyante, at kung paano natin sila tinuturing bilang tunay na kasapi ng ating institusyon, hindi bilang tagapanood lamang.
Kaya naman, taos-puso nating pinasasalamatan ang buong STRAW Coalition sa walang sawang pagsusulong ng adbokasiyang ito, at sa ating Chairperson, si Brandon Joseph Francia, sa matatag na pamumuno. Salamat din sa bawat isa β mag-aaral man, g**o, magulang, o ordinaryong mamamayan β na naglaan ng oras at lakas para lobbyhan ang batas na ito.
Sama-samang tayo sa pagkilos at ipagpapatuloy natin ito, kasama ang ating mga kabataan β hindi bilang mga tagapakinig na lamang, kundi bilang mga aktibong bahagi ng pagbabago. ππ