01/09/2026
CYA, Aktibong Nakiisa sa Linggo ng Kabataan 2026 sa San Francisco Calihan
Noong Agosto 30, 2026 (Linggo), buong pagmamalaki at kagalakan kaming CYA o Calihan Youth Alliance ay nakiisa sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan sa San Francisco Calihan.
Ang araw na ito ay nagsilbing paalala na ang kabataan ay may mahalagang papel sa paghubog ng mas makabuluhan, nagkakaisa, at progresibong komunidad.
Sa pamamagitan ng pakikilahok, pakikipagkaibigan, at pakikipagtulungan, ipinakita natin na ang kabataan ay hindi lamang tagatanggap ng pagbabago, kundi katuwang sa paglikha nito.
Patuloy nating palakasin ang diwa ng pagkakaisa, paglilingkod, at aktibong pakikilahok ng kabataan. Dahil sa bawat kabataang may malasakit, mas nagiging matatag ang ating komunidad.
๐ธ : SPC GRADE 12 STUDENTS, Jill Ann Sumadsad
CYA โ Calihan Youth Alliance
Kabataan. Pagkakaisa. Paglilingkod. ๐๐โค๏ธ