Aksyon Balita

Call Directions

Aksyon Balita " KAPANALIG ,TINIG AT SERBISYO PUBLIKO
PARA SA DIYOS, BAYAN AT MAMAMAYAN "

Inaprubahan ng Senado sa ikatlong pagbasa ang panukalang batas na gagawing 5 taon ang termino ng mga Barangay at SK offi...
14/09/2026

Inaprubahan ng Senado sa ikatlong pagbasa ang panukalang batas na gagawing 5 taon ang termino ng mga Barangay at SK officials.

Dahil dito, maipagpapaliban ang BSKE o Barangay at SK Elections na nakatakda sana sa Nobyembre 2026.

Inihain ng Office of the Ombudsman ang kasong plunder laban kay dating Speaker at kasalukuyang Leyte 1st District Repres...
07/09/2026

Inihain ng Office of the Ombudsman ang kasong plunder laban kay dating Speaker at kasalukuyang Leyte 1st District Representative Martin Romualdez kaugnay ng umano’y pagkakaugnay nito sa mga anomalyang flood control project.

Isinampa ang kaso sa Sandiganbayan nitong Lunes, Setyembre 7, 2026.

Gumawa ng kasaysayan si Lea Salonga bilang kauna-unahang Pilipino na pinarangalan ng sarili niyang bituin sa Hollywood W...
05/09/2026

Gumawa ng kasaysayan si Lea Salonga bilang kauna-unahang Pilipino na pinarangalan ng sarili niyang bituin sa Hollywood Walk of Fame.

Kilala ang Tony Award winner sa kanyang iconic na pagganap bilang Kim sa Miss Saigon, bilang singing voice nina Princess Jasmine sa Aladdin at Mulan, at sa kanyang pagganap bilang Eponine sa Les Misérables sa Broadway.

Kamakailan, muli rin siyang pinag-usapan matapos umawit para sa animated film na "KPop Demon Hunters."

Isang karangalan para sa buong Pilipinas 🇵🇭
Congrats, Ms. Lea!

QUEZON CITY — Naglabas ng warrant of arrest ang isang korte sa Lungsod ng Quezon laban kay Bise Presidente Sara Duterte ...
04/09/2026

QUEZON CITY — Naglabas ng warrant of arrest ang isang korte sa Lungsod ng Quezon laban kay Bise Presidente Sara Duterte kaugnay ng kasong grave threats o seryosong pagbabanta.

Sa inilabas na kautusan, sinabi ng Branch 98 ng Regional Trial Court ng Quezon City na nakakita ito ng sapat na basehan o probable cause upang ituloy ang paglilitis kay Duterte.

"Kalakip ang mga sumusuportang ebidensya, at matapos na isaalang-alang ang mga argumento ng magkabilang panig sa kanilang oral arguments, natagpuan ng Korte na may sapat na basehan upang litisin ang akusado para sa mga krimeng nakasaad sa mga Information," nakasaad sa desisyon ng korte.

Samantala, sinabi ng abogado ni Duterte na haharapin ng Bise Presidente ang mga kaso nang harapan sa korte.

ALTERNATIVE LEARNING MODES FOR SCHOOLS ON SEPTEMBER 4, 2026.Alinsunod sa Memorandum Circular Blg. 134, ipapatupad ang mg...
03/09/2026

ALTERNATIVE LEARNING MODES FOR SCHOOLS ON SEPTEMBER 4, 2026.

Alinsunod sa Memorandum Circular Blg. 134, ipapatupad ang mga alternatibong paraan ng pagkatuto at mga hakbangin para sa pagpapatuloy ng pag-aaral sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong institusyong pang-edukasyon sa mga sumusunod na lugar ngayong ika-4 ng Setyembre 2026, maliban kung maglabas ng kautusan ang kani-kanilang Punong Lokal na Ehekutibo hinggil sa kanselasyon o suspensyon ng mga klase:

Saklaw na mga Lugar:
1. NCR
2. Rehiyon I: Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan
3. Cordillera Administrative Region: Abra, Benguet
4. Rehiyon III: Zambales, Bataan, Bulacan, Tarlac, Pampanga
5. Rehiyon IVA: Cavite, Laguna, Batangas
6. Rehiyon IVB: Occidental Mindoro

Mga Dahilan:
Ang nasabing hakbang ay isinagawa bunsod ng inaasahang patuloy na pag-ulan dulot ng pinalakas na Habagat o Southwest Monsoon, gayundin ang mahinang kalidad ng hangin sa NCR na dulot ng usok mula sa matinding pagkasunog ng kagubatan at peatland sa Kalimantan at Sumatra, Indonesia.

Paalala:
Maaari pa ring magpatupad ng lokal na kanselasyon o suspensyon ng mga klase ang iba pang lugar batay sa pasya ng kani-kanilang Punong Lokal na Ehekutibo.

Hinihikayat ang lahat ng mga paaralan na tiyakin ang pagpapatuloy ng pagkatuto sa pamamagitan ng online na klase, modular distance learning, o iba pang angkop na modality.

Manatiling nakaantabay sa mga karagdagang anunsyo mula sa inyong paaralan at lokal na pamahalaan.

Maging ligtas po tayong lahat.

CTTO: OFFICE OF THE PRESIDENT

Inaprubahan na sa ikalawang pagbasa ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang House Bill No. 10971 na naglalayong gawing limang...
02/09/2026

Inaprubahan na sa ikalawang pagbasa ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang House Bill No. 10971 na naglalayong gawing limang taon ang termino ng mga opisyal ng barangay at ng mga miyembro ng Sangguniang Kabataan. Sept. 2, 2026

A STAR FOR LEA ⭐The official Instagram page of the Hollywood Walk of Fame gave a sneak peek at the star plaque of intern...
02/09/2026

A STAR FOR LEA ⭐

The official Instagram page of the Hollywood Walk of Fame gave a sneak peek at the star plaque of international theater icon Lea Salonga, which will be officially unveiled in a ceremony on September 4.

Salonga will be the first Filipina to receive the accolade.

Mas murang kuryente, mas maginhawang buhay para sa bawat pamilya.🧡Dumalo si Idol Cong. Amben Amante sa budget briefing n...
02/09/2026

Mas murang kuryente, mas maginhawang buhay para sa bawat pamilya.🧡

Dumalo si Idol Cong. Amben Amante sa budget briefing ng Department of Energy (DOE) para tiyaking ang pondo para sa enerhiya ay magdudulot ng mas abot-kayang singil sa kuryente at mas maaasahang power supply.

Kabilang sa dapat tutukan ang pagpapalawak ng renewable energy, pagpapabilis ng transmission projects, pagpapababa ng dependence sa mahal na diesel generation sa off-grid areas, at mas mahigpit na pagsusuri sa mga pass-through charges na direktang nakaaapekto sa electric bills ng mga Pilipino.

Ctto: Congressman Amben Amante Updates

Dahil BER MONTHS na, may P**O BUMBONG na! Makakabili muli tayo sa gilid ng San Pablo Cathedral, Lungsod ng San Pablo!
01/09/2026

Dahil BER MONTHS na, may P**O BUMBONG na!

Makakabili muli tayo sa gilid ng San Pablo Cathedral, Lungsod ng San Pablo!

Address

San Pablo City

Telephone

+639669628621

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Aksyon Balita posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share