KakamPink San Pablo

Directions

KakamPink San Pablo KakamPink San Pablo

11/09/2026
11/09/2026

๐—ž๐—”๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฌ ๐—ก๐—”๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—š๐—ข๐—ง.

๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐˜€๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ผ. ๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐˜€๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ถ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป. ๐—ž๐—ฎ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐˜. ๐—ž๐—ฎ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฒ๐˜€๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ป๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป. Kailangang may habang buhay na makukulong sa kasong pandarambong.

11/09/2026
11/09/2026

๐’๐€๐‹๐”๐ƒ๐Ž ๐’๐€ ๐๐€๐†๐Ž๐๐† ๐๐€๐Œ๐๐€๐๐’๐€๐๐† ๐€๐‹๐€๐†๐€๐ƒ ๐๐† ๐’๐ˆ๐๐ˆ๐๐†, ๐๐€๐“๐ˆ๐’ ๐“๐„๐’๐Ž๐‘๐Ž! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ

Ipinagmamalaki ng San Pablo City ang pagkilala kay Patis Tesoro bilang bagong National Artist for Fashion, bilang pagkilala sa kanyang natatanging ambag sa sining ng pananamit at sa pagpapanatili ng kulturang Pilipino.

Bilang isang anak ng San Pablo, naging bahagi ng kanyang paglalakbay ang patuloy na pagtataguyod ng ating tradisyon at kulturang Pilipino sa pamamagitan ng kanyang talento at malikhaing gawa. โค๏ธ๐Ÿ’™

Ang kanyang pagkilala ay nagsisilbing inspirasyon at patunay na ang talento ng mga San Pableรฑo ay kayang makilala sa pinakamataas na antas.

Mabuhay, Patis Tesoro! Ipinagmamalaki ka ng San Pablo City! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ



๐Ÿ“Œ Stay updated, San Pablo City! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ Follow us for the latest news and announcements. Join our community and stay connected! ๐Ÿ’ฌ ๐Ÿ‘‰ https://linktr.ee/spcupdates Join our messenger broadcast channel: messenger.com/channel/sanpablocityupdates

05/09/2026

Maswerte si VP Duterte. Dumadaan siya sa due process.

May warrant of arrest. Dumaan sa korte. Sinuri ang ebidensya, nakita ng korte ang probable cause, at binigyan siya ng pagkakataong harapin ang kaso at gamitin ang lahat ng legal remedies na available sa kanya. Hindi pa ito hatol ng pagkakasalaโ€”proseso pa lamang ng paglilitis.

Malayong-malayo ito sa sinapit ng libo-libong Pilipinong pinatay sa ilalim ng war on drugs ng kanyang ama.

Si VP Sara mismo ay nagsabing natatakot siya para sa kanyang buhay at sa seguridad ng kanyang pamilya. Naiintindihan natin ang takot na iyon.

Pero isipin din natin ang libo-libong pamilyang nawalan ng mga mahal sa buhay. Mga Pilipinong hindi nabigyan ng pagkakataong dumaan sa parehong proseso, humarap sa korte, at ipagtanggol ang kanilang sarili bago sila pinatay.

Kung mahalaga ang due process para sa lahat, dapat mahalaga ito sa bawat Pilipino.

At tungkol naman sa pahayag na wala siyang tiwala sa mga korte rito sa ating bansa, may isang simpleng tanong:

Hindi ba ito taliwas sa kanilang matagal nang paninindigan na ang kaso ng kanyang ama ay dapat litisin dito sa Pilipinas?

Kung naniniwala tayong dapat dito litisin ang mga kasong kriminal, dapat din nating kilalanin ang kapasidad ng ating mga korte na magsagawa ng due process. Kahit sino pa ang akusado.

Hindi dapat selective ang tiwala sa justice system.

Kapag tayo ang inaakusahan, gusto natin ng due process. Kapag iba ang inaakusahan, dapat ganoon din.

Iyan ang tunay na rule of law.

At kung para kay VP Duterte ay mahalaga ang kanyang karapatan na maprotektahan, marinig, at mabigyan ng patas na paglilitis, dapat din nating ipaglaban ang parehong karapatan para sa bawat Pilipinong hindi nabigyan nito.

Dahil ang hustisya ay hindi dapat nakadepende sa apelyido, posisyon, o kapangyarihan.

17/08/2026

Ang sistema ng kawalan ng depinisyon kung ano ang isang political dynasty ang siyang isang malaking dahilan kung bakit walang regulasyon ito at umabot tayo sa taong 2026 na matinding konsentrasyon ng kapangyarihang politikal sa kamay ng iilang pamilya lamang:

113 sa 149 na mga mayor ay galing sa dinastiya
https://pcij.org/2025/01/26/113-out-of-149-philippine-cities-also-ruled-by-political-dynasties/

71 sa 82 ng gobernador ay dinastiya
https://pcij.org/2024/12/08/governors-political-dynasties-philippines-provinces-elections/

8 sa kada 10 distrito ay may congressman/woman na galing sa dinastiya
https://pcij.org/2024/10/26/lower-house-district-representatives-political-dynasties-reelection/

4 na pares na magkakapatid ang nakaupo bilang mga senador
https://www.rappler.com/newsbreak/podcasts-videos/family-affair-senator-siblings-20th-congress/

Ang Presidente at Bise Presidente ay galing sa mga malalaking dinastiya.

Ito ba ang demokrasya nating gustong patuloy na manaig? O sama-sama nating babaguhin para sa mga susunod na saling lahi? Bayan, pumili ka!

30/07/2026

Address

San Pablo City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KakamPink San Pablo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share