03/05/2025
TINGNAN: MAYORALTY BET VINCENT REYES, MAY WARRANT OF ARREST SA KASONG P33M ESTAFA
San Narciso, Quezon — May inilabas na Warrant of Arrest laban kay Vincent Victor H. Reyes, tumatakbong mayor ng San Narciso, at apat na iba pa dahil sa kasong syndicated estafa na may kaugnayan sa P33 milyong panloloko.
Batay sa utos ng Regional Trial Court Branch 13 sa Lipa City, ang kaso ay non-bailable o walang piyansa at saklaw ng Article 315, par. 2(a) ng Revised Penal Code at PD 1689.
Napabalitang nagtatago umano si Reyes matapos masangkot ang kanilang pamilya sa anomalya ng Star Horse Shipping Lines.
Panawagan ng publiko: “Hindi dapat binoboto ang may kinakaharap na kasong pangugutang dahil maaaring gamitin ang kaban ng bayan para pambayad.”