Barkada Kontra Droga - G M T I S A T

Barkada Kontra Droga - G M T I S A T Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barkada Kontra Droga - G M T I S A T, Youth Organization, San Andres Road, San Narciso.

🏆 BKD Pride!A proud and meaningful moment as the Barkada Kontra Droga (BKD) Club receives recognition during the 11th Co...
31/03/2026

🏆 BKD Pride!

A proud and meaningful moment as the Barkada Kontra Droga (BKD) Club receives recognition during the 11th Completion Rites last March 30, 2026. 💙

🎓 Congratulations to our BKD Completers!
Your journey reflects commitment, discipline, and positive influence.

Padayon. ✨

🎉🖋️ Day 1 = SUCCESS! 🖋️🎉Salamat sa lahat ng nakiisa at nagpa-ink sa ating Tattoo Booth💖Dahil sa inyo, solid at makulay a...
12/02/2026

🎉🖋️ Day 1 = SUCCESS! 🖋️🎉

Salamat sa lahat ng nakiisa at nagpa-ink sa ating Tattoo Booth💖
Dahil sa inyo, solid at makulay ang unang araw natin! 🙌

KITA-KITS ULIT BUKAS! 😉🖤

Hello, Ka-Barkada! ✨Bukas na ang ating Tattoo Booth! 🔥Magpa-face at body tattoo na at ipakita ang iyong paninindigan par...
11/02/2026

Hello, Ka-Barkada! ✨

Bukas na ang ating Tattoo Booth! 🔥
Magpa-face at body tattoo na at ipakita ang iyong paninindigan para sa Buhay na Malaya sa Droga ngayong ating ipinagdiriwang ang ika-42 pagkatatag ng paaralan! 💪

📌 Fun Fact!
Alam mo ba? Ang mga sinaunang Pilipino ay tinawag na “Pintados” ng mga Espanyol dahil sa kanilang makukulay na tattoo. Noon, ito ay simbolo ng kagitingan, tapang, at mataas na antas sa lipunan—hindi lang palamuti kundi tanda ng dangal! 🇵🇭✨

🖋️ Good News!
Ang aming gagamiting ink ay temporary at hypoallergenic, kaya ligtas sa balat at madaling matanggal. Perfect para sa fun experience na may makabuluhang mensahe! 💙

Ngayon, isuot natin ang tinta bilang simbolo ng ating paninindigan bilang kabataang Barkada Kontra Droga! ✊🖤

Tara’t bisitahin kami!
Pumili ng disenyo at maging bahagi ng pagdiriwang!

Astig na, makasaysayan pa!
Manatiling cool. Manatiling matatag. Manatiling drug-free. 💥

Maligayang Kaarawan sa aming nagagandahan at dedicated na mga BKD Officers! 🎉Hangad namin na mapuno ng saya, good vibes,...
05/02/2026

Maligayang Kaarawan sa aming nagagandahan at dedicated na mga BKD Officers! 🎉
Hangad namin na mapuno ng saya, good vibes, at tagumpay ang inyong araw!❤️

Happy Birthday to our BKD Treasurer! 🎉Thank you for your dedication, honesty, and hard work in serving our organization....
30/12/2025

Happy Birthday to our BKD Treasurer! 🎉
Thank you for your dedication, honesty, and hard work in serving our organization. May this special day bring you joy, good health, and continued blessings. We appreciate all that you do have a wonderful birthday! 🎂✨

-FROM BKD FAM

Happy Birthday, Ma’am Czarina!🥳We’re truly grateful for your patience, kindness, and tireless effort in guiding us. You ...
07/12/2025

Happy Birthday, Ma’am Czarina!🥳

We’re truly grateful for your patience, kindness, and tireless effort in guiding us. You make BKD meaningful and fun. May this year bring you happiness, blessings, and everything your heart desires. Have a wonderful celebration!

Isang makabuluhan at matagumpay na Drug Abuse Prevention Symposium ang isinagawa sa ating paaralan na may temang “Sa Bag...
20/11/2025

Isang makabuluhan at matagumpay na Drug Abuse Prevention Symposium ang isinagawa sa ating paaralan na may temang “Sa Bagong Pilipinas, Kalusugan ay Pinahahalagahan, Droga ay Inaayawan.”

Pinangunahan ito ng Barkada Kontra Droga (BKD) Club, na naglalayong paigtingin ang kaalaman at kamalayan ng mga kabataan tungkol sa masamang epekto ng ipinagbabawal na droga.

Lubos din nating pinasasalamatan ang ating mga naging resource speakers:
👮‍♀️ PSSG Janice V. Layman mula sa San Narciso Municipal Police Station
👩‍⚕️ Nurse Mary Joy Antonette V. Veluz, RN mula sa Rural Health Unit

Ang kanilang makabuluhan at makahulugang talakayan ay nagbigay inspirasyon sa ating mga mag-aaral upang patuloy na maging responsable, disiplinado, at maging bahagi ng adbokasiya kontra droga.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta! Sama-sama nating isulong ang isang Bagong Pilipinas na ligtas at malusog! 🇵🇭

Isang taos-pusong pagbati sa ating masipag na Head Teacher III ng paaralang GMTISAT! 🎉Maraming salamat sa iyong mahusay ...
20/11/2025

Isang taos-pusong pagbati sa ating masipag na Head Teacher III ng paaralang GMTISAT! 🎉
Maraming salamat sa iyong mahusay na pamumuno, gabay, at dedikasyon sa ating paaralan. Nawa’y patuloy kang pagpalain at magtagumpay sa lahat ng iyong ginagawa✨

🩷BKD FAMILY

Ngayong linggo ay simula ng Drug Abuse Prevention and Control Week (DAPC) Pero para saan nga ba ito?Ang Drug Abuse Preve...
17/11/2025

Ngayong linggo ay simula ng Drug Abuse Prevention and Control Week (DAPC) Pero para saan nga ba ito?

Ang Drug Abuse Prevention and Control Week o DAPC ay ipinagdiriwang upang:
➡️Palakasin ang kamalayan ukol sa mga panganib ng pag-abuso sa droga.
➡️ Hikayatin ang pakikiisa ng buong komunidad sa kampanya laban dito.
➡️ Bigyang-diin ang kahalagahan ng suporta sa kalusugang pangkaisipan at rehabilitasyon para sa mga naapektuhan.

Magsama-sama tayo para sa isang matatag na paninindigan laban sa pag-abuso sa droga at likhain ang isang mas ligtas at mas malusog na pamayanan! 💚

Bilang BKD, ang aming mga hakbang para rito:
✔️ Pagpapatupad ng mga kampanya para sa pagpapalaganap ng kaalaman
✔️ Pag-engganyo sa mga kabataan sa mga positibong gawain
✔️ Pagdaraos ng isang Symposium upang magbigay ng karagdagang kaalaman sa mga kapwa kabataan namin.

Sa tulong-tulong, kayang wakasan ang pag-abuso sa droga!



Credits:📸 from Canva Template

Isang Masigasig na Pagbati sa buong Paaralan! Sa pangunguna ng AP Department, matagumpay at puno ng kabuluhan na naisaga...
16/10/2025

Isang Masigasig na Pagbati sa buong Paaralan!
Sa pangunguna ng AP Department, matagumpay at puno ng kabuluhan na naisagawa ang taunang Pagdiriwang ng United Nations Month sa ilalim ng temang “Pagsusulong ng Kapayapaan, Pagkakaisa, at Pandaigdigang Ugnayan.”

Naging makulay at makahulugan ang selebrasyon sa pamamagitan ng Ms. United Nations na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa baitang 7 hanggang 10. Iba’t ibang bansa ang kinatawan ng mga kalahok, at sila ay nakasuot ng magagandang national costume ng mga bansang kasapi ng nagkakaisang mga bansa.
Ipinagbubunyi naming ipahayag ang mga nagwagi:

👑Miss United Nations 2025
Ms. Egypt (Grade 8 - Bluebell)
👑1st Runner Up
Ms. Madagascar (Grade 8 - Amaranth)
👑2nd Runner Up
Ms. South Africa (Grade 8 - Carnation)

Special Awards:
Best in Production - Ms. Egypt
Best in National Costume- Ms. Egypt

Gayundin, hindi nagpahuli ang talas ng isip na ipinamalas ng mga mag-aaral sa patimpalak ng Quiz Bee para sa pagdiriwang na nilahukan ng mga mag-aaral mula baitang 7-10 na naglalayong palalimin ang kaalaman at kamalayan ng mga mag-aaral tungkol sa pandaigdigang isyu, kapayapaan, at pagkakaisa.
Binabati namin ang mga kampeon mula sa iba't ibang baitang :

Champion- Grade 9
1st Place- Grade 8
2nd Place -Grade 7
3rd Place- Grade 10

Sa kabuuan, naging daan ang programa upang maipakita ang kahalagahan ng kapayapaan, pagkakaisa, at pagtutulungan ng mga bansa sa buong mundo. Tunay na inspirasyon ang ipinamalas ng bawat kalahok!

Sa pagtatapos ng makabuluhang pagdiriwang na ito, nawa’y patuloy nating isabuhay ang diwa ng pagkakaisa, respeto, at kapayapaang ipinagdiriwang ng United Nations. Muli, isang maalab na pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng tagumpay na ito—patunay na sa pagtutulungan at pagkakaunawaan, kayang makamit ng GMTISAT ang isang mundong nagkakaisa para sa kapayapaan! 💙🤝🌎

Matagumpay na naisagawa ang Tree Planting Activity bilang bahagi ng pagdiriwang ng Science Month. Akitbong nakiisa ang B...
10/10/2025

Matagumpay na naisagawa ang Tree Planting Activity bilang bahagi ng pagdiriwang ng Science Month. Akitbong nakiisa ang Barkada Kontra Droga (BKD) sa isinagawang gawain ito. Patunay na ang ating mga ka-Barkada ay may pagpapahalaga sa ating Kalikasan!

Ang bawat punong itinanim ay hindi lamang puno ito ay sagisag ng ating pag-asa at pangako para sa kalikasan. Ipinakita ng pagkilos na ito na sa tulong ng agham at ating sama-samang pagkilos, kayang-kaya nating pangalagaan at pagandahin ang ating planeta.

Address

San Andres Road
San Narciso
4313

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barkada Kontra Droga - G M T I S A T posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share