12/06/2026
SANROQUENIANS READ.โฅ๏ธ๐ต๐ญ
๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฒ๐๐๐ง: ๐๐๐ค๐๐ฅ๐๐ฒ๐ ๐ง๐ ๐๐ ๐๐๐ฅ๐๐ ๐ ๐๐๐ฒ๐จ?
๐๐: ๐น๐๐๐๐๐๐ ๐ณ๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐ โ๏ธ
Sinakop tayo ng mga banyaga. Sinakop tayo ng mga Espanyol, Amerikano, at Hapon. Maraming bayani ang dumaan at nag-alay ng kanilang buhay upang ipaglaban ang ating bayan at makamit ang kalayaang matagal nang minimithi ng sambayanan.
Ngayong araw na ito, ating ginugunita na malaya na tayo mula sa mga pananakop at pang-aabuso ng mga dayuhan. Bilang mga Pilipino, ipinagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan bilang simbolo ng ating tagumpay laban sa mga mananakop. Ngunit habang ginugunita natin ang mahalagang araw na ito, may isang tanong na sumagi sa aking isipan: ๐ต๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐?
Marahil, oo. Nakalaya na tayo mula sa mga banyagang sumakop sa ating lupain. May kalayaan na tayong gamitin ang ating sariling wika, mag-aral, bumoto, at magkaroon ng boses sa lipunan. Ang mga kababaihan, na noon ay itinuturing lamang na dapat manatili sa tahanan, ay mayroon nang pagkakataong mamuno at makilahok sa iba't ibang larangan. May kalayaan na rin ang mga miyembro ng LGBTQ+ na ipahayag ang kanilang tunay na pagkatao, sa kabila ng patuloy na pag-iral ng diskriminasyon at homophobia sa ating lipunan.
Ngunit pagdating sa sistema ng ating pamahalaan, tila hindi pa rin tayo lubos na nakakalaya. Para bang may pising nag-uugnay sa atin sa nakaraan at nagpapatuloy ang isang bulok na sistemang matagal nang dapat nabago. Kung noon ay mga banyaga ang ating mga kalaban, ngayon ay tila Pilipino laban sa Pilipino. Para bang kailangan nating kumalas sa mga politikong mistulang bagong mananakop na patuloy na nagiging dahilan kung bakit naghihirap ang ating lipunan.
Ngunit may isa rin akong natutunan. Nasaksihan natin kung paano ipinaglaban ng ating mga ninuno at bayani ang kalayaan ng bansa. Isinakripisyo nila ang kanilang buhay upang maisalba ang bayang ating tinatayuan ngayon. Ngunit hindi ba tayo natuto? Bakit tila nagbubulag-bulagan pa rin tayo?
Kung tutuusin, ang unang dapat nating tanungin kung bakit bulok ang sistema ng ating bayan ay ang ating mga sarili. Tayo ang pumili sa kanila. Tayo ang nagbigay ng isang matamis na โooโ matapos tayong pangakuan ng pagbabago. Ngunit marami sa mga pangakong iyon ang nauwi lamang sa pagkakapako. Hinayaan nating maupo sa puwesto ang mga taong hindi naman karapat-dapat, at ngayon ay narito tayo, tila sinakop muliโngunit hindi na ng mga banyaga, kundi ng ating kapwa Pilipino.
Kaya ano pa ang saysay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan kung ang pakiramdam natin ay para bang bumalik tayo sa nakaraan? Para bang tayo ay nakakulong sa mga rehas ng isang bangungot na pilit nating ginigising ang ating mga sarili.
Kung nais nating magkaroon ng tunay na saysay ang pagdiriwang na ito, huwag tayong maghintay na muling mabuhay sina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Juan Luna, at iba pang bayani upang iligtas tayo sa mga suliranin ng kasalukuyan. Tayo mismo ang dapat kumilos. Gumising tayo. Magalit kung kinakailangan. Isiwalat ang katotohanan at imulat ang ating mga mata sa realidad.
Higit sa lahat, huwag nating isipin na ang tunay na kalaban ay kulay rosas, berde, dilaw, o p**a. Ang pinakamalaking kalaban ay ang ating sariling kapabayaan, pagiging mapagbulag-bulagan, at kawalan ng pananagutan bilang mamamayan.
Kung nais pa nating masilayan ang isang bansang tunay na maipagmamalaki at ngumingiti sa pag-unlad, panahon nang piliin natin ang tama, hindi lamang para sa ating sarili kundi para sa buong sambayanan.
๐๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฒ๐๐๐ง ๐ง๐ ๐ข๐ญ๐จ, ๐ฉ๐ข๐ฅ๐ข๐ข๐ง ๐ฆ๐จ ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฌ.๐ต๐ญ