Kabataan ng Barangay Maly - Katipunan ng Kabataan Movement

Directions

Kabataan ng Barangay Maly - Katipunan ng Kabataan Movement Empowered youth, collective progress.

MALIIT NA TULONG, MALAKING PAG-ASA! ๐ŸคSa gitna ng hagupit ng Bagyong Maymay, hindi natin kailangang maging bayani para ma...
09/08/2026

MALIIT NA TULONG, MALAKING PAG-ASA! ๐Ÿค

Sa gitna ng hagupit ng Bagyong Maymay, hindi natin kailangang maging bayani para makatulongโ€”kahit maliit na ambag, malaking bagay para sa mga pamilyang nangangailangan.

Para sa ating mga ka-barangay na naapektuhan ng bagyo, bukas ang ating donations para sa mga sumusunod:

Para sa monetary donations:
Maaaring mag-donate sa pamamagitan ng Gcash sa: 09262360149, Mabel M.

Para sa in kind donations:
- Canned Goods
- Hot Meals
- Rice
- Bottled Water
- Hygiene Kits
- Clothes and Blankets

Para sa in-kind donations:
Drop-off: Freedom Court, Maly, San Mateo, Rizal

Contact: Veronica Mae Calindas

Sa panahon ng sakuna, ang pagkakaisa ang ating pinakamalaking sandata. Sama-sama nating iparamdam sa ating mga ka-barangay na hindi sila nag-iisa. ๐Ÿซ‚

Mula sa kabataan, para sa kapwa. Sama-sama tayong bumangon.

ZUMBA FOR A CAUSE ๐Ÿ™๐ŸปIsang hakbang. Isang sayaw. Isang pag-asa.Inaanyayahan namin ang lahat na makiisa sa Zumba for a Cau...
01/08/2026

ZUMBA FOR A CAUSE ๐Ÿ™๐Ÿป

Isang hakbang. Isang sayaw. Isang pag-asa.

Inaanyayahan namin ang lahat na makiisa sa Zumba for a Cause para kay Zionne, na kasalukuyang lumalaban sa Bicytopenia Acute Leukemia.

๐Ÿ“ Gaganapin sa Freedom Court
๐Ÿ—“๏ธ Tuwing Sabado at Linggo
๐Ÿ•– 7:00 AM
๐Ÿ’ต โ‚ฑ20.00 lamang bawat session

Ang lahat ng malilikom ay 100% direktang ipagkakaloob sa pamilya ni Zionne upang makatulong sa kanyang gastusing medikal.

Ang maliit na halaga ay maaaring maging malaking pag-asa. Sama-sama nating ipakita na sa panahon ng pagsubok, mas nangingibabaw ang malasakit ng komunidad.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kina:
๐Ÿ“ž Reyn Evasco Catalan
๐Ÿ“ž Veronica Mae Calindas

Tara na, sumayaw para sa buhay. Sumayaw para kay Zionne.

Nica Paula - Mother of Zionne

TINGNAN | GOAL MALY: Grassroots Futsal Training Program โ€“ Sessions 6,7, & 8 | June 13, 14, and 21, 2026 โšฝMatagumpay na n...
26/06/2026

TINGNAN | GOAL MALY: Grassroots Futsal Training Program โ€“ Sessions 6,7, & 8 | June 13, 14, and 21, 2026 โšฝ

Matagumpay na naisagawa ang ika-anim, ika-pito, at ika-walang sesyon ng Goal Maly: Grassroots Futsal Training Program kung saan patuloy na natutunan ng mga kalahok ang iba't ibang footworks, mga pangunahing teknik sa pagdribble ng futsal, pag protekta sa Goal, at pagpapalakas ng katawan. Sa gabay ng ating volunteer coaches, higit na nahasa ng mga kabataan ang kanilang kontrol sa bola, liksi, lakas, at kumpiyansa sa paglalaro.
Nagkaroon din ng munting scrimmage sa pagitan ng mga manlalaro upang maisabuhay at maipakita nila ang kanilang mga natutunan habang pinapalakas ang teamwork, communication, at sportsmanship sa loob ng court.

Bagamaโ€™t naging hamon ang pabagu-bagong panahon na nakaapekto sa pagdalo ng ilang mga kabataan, nanatiling matagumpay ang pagsasagawa ng programa dahil sa dedikasyon at suporta ng mga kalahok, magulang, at volunteer coaches.

Maraming salamat sa lahat ng patuloy na nakikiisa sa Goal Maly. Sama-sama nating pinapaunlad ang talento, disiplina, at pagmamahal ng kabataan sa futsal. Kita-kits sa mga susunod na sesyon! ๐Ÿ”ฅโšฝ



Mula sa Barangay Maly, tatlong pangalan ang magniningning sa entablado ng pagmamalaki at pagkakaisa. โœจ๐ŸŒˆ๐Ÿ‘‘ Lucy Torres sa ...
25/06/2026

Mula sa Barangay Maly, tatlong pangalan ang magniningning sa entablado ng pagmamalaki at pagkakaisa. โœจ๐ŸŒˆ

๐Ÿ‘‘ Lucy Torres sa Mardi Gras
๐Ÿ‘‘ Rygore Limboy sa Runway Queen
๐Ÿ‘‘ Arcel Pangilinan sa Queen of Pride

Hindi lamang sila mga kinatawan ng kagandahan at talento, kundi mga simbolo rin ng tapang, kumpiyansa, at tunay na pagkatao. Sa bawat hakbang at ngiti, dala nila ang dangal, kulay, at pagmamalaki ng Barangay Maly.

Samahan natin sila sa pagdiriwang ng pagkakaiba-iba, pagtanggap, at kalayaang maging tunay sa sarili. Dahil ang tunay na ningning ay nagmumula sa pusong may tapang na ipakita kung sino ka.

โœจ Tatlong reyna. Isang makulay na pagdiriwang ng PRIDE. ๐ŸŒˆ๐Ÿ‘‘

๐Ÿ“ Municipal Stadium
๐Ÿ“… June 28, 2026
๐Ÿ• 1:00 PM onwards

Kita-kits at sama-sama nating ipagdiwang ang kulay, pagkakaisa, at pagmamahal! ๐ŸŒˆ


TINGNAN | GOAL MALY: Grassroots Futsal Training Program โ€“ Sessions 5 | June 7, 2026 โšฝMatagumpay na naisagawa ang ikalima...
22/06/2026

TINGNAN | GOAL MALY: Grassroots Futsal Training Program โ€“ Sessions 5 | June 7, 2026 โšฝ

Matagumpay na naisagawa ang ikalimang sesyon ng Goal Maly: Grassroots Futsal Training Program kung saan patuloy na natutunan ng mga kalahok ang iba't ibang footworks, mga pangunahing teknik sa pagdribble ng futsal, pag protekta sa Goal, at pagpapalakas ng katawan. Sa gabay ng ating volunteer coaches, higit na nahasa ng mga kabataan ang kanilang kontrol sa bola, liksi, lakas, at kumpiyansa sa paglalaro.

Nagkaroon din ng munting scrimmage sa pagitan ng mga manlalaro upang maisabuhay at maipakita nila ang kanilang mga natutunan habang pinapalakas ang teamwork, communication, at sportsmanship sa loob ng court.

Bagamaโ€™t naging hamon ang pabagu-bagong panahon na nakaapekto sa pagdalo ng ilang mga kabataan, nanatiling matagumpay ang pagsasagawa ng programa dahil sa dedikasyon at suporta ng mga kalahok, magulang, at volunteer coaches.

Maraming salamat sa lahat ng patuloy na nakikiisa sa Goal Maly. Sama-sama nating pinapaunlad ang talento, disiplina, at pagmamahal ng kabataan sa futsal. Kita-kits sa mga susunod na sesyon! ๐Ÿ”ฅโšฝ



TINGNAN | GRAND FINALE: GOAL MALY x MILO โšฝ๐Ÿ’šMas magiging espesyal ang ating Grand Finale sa pakikiisa ng MILO bilang katu...
21/06/2026

TINGNAN | GRAND FINALE: GOAL MALY x MILO โšฝ๐Ÿ’š

Mas magiging espesyal ang ating Grand Finale sa pakikiisa ng MILO bilang katuwang sa pagdiriwang ng matagumpay na pagtatapos ng Goal Maly: Grassroots Futsal Training Program.

Bilang bahagi ng pagdiriwang, magsasagawa ang MILO ng mga masaya at interaktibong aktibidad para sa ating mga kalahok. Magkakaroon din ng pamamahagi ng MILO drinks bilang pagkilala sa dedikasyon, sipag, at pagsisikap ng ating mga batang atleta sa buong programa.

Bukod dito, magkakaroon ng Friendly Games kung saan maipapakita ng ating mga kabataan ang mga kasanayan at aral na kanilang natutunan sa mga nagdaang training sessions. Ito rin ay magiging pagkakataon upang higit pang mapalakas ang kanilang teamwork, sportsmanship, at pagmamahal sa futsal.

Ang partnership na ito ay patunay na sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, mas marami tayong kabataang mabibigyan ng oportunidad na matuto, maging aktibo, at mahasa hindi lamang sa sports kundi maging sa mahahalagang pagpapahalaga na kanilang magagamit sa araw-araw na buhay.

Maraming salamat, MILO, sa pakikiisa sa Goal Maly at sa inyong suporta sa paghubog ng susunod na henerasyon ng mga atleta at lider ng ating komunidad! ๐Ÿ’šโšฝ





TINGNAN | GOAL MALY: Grassroots Futsal Training Program โ€“ Sessions 3 & 4 | May 31 & June 6, 2026 โšฝMatagumpay na naisagaw...
21/06/2026

TINGNAN | GOAL MALY: Grassroots Futsal Training Program โ€“ Sessions 3 & 4 | May 31 & June 6, 2026 โšฝ

Matagumpay na naisagawa ang ikatlo at ikaapat na sesyon ng Goal Maly: Grassroots Futsal Training Program kung saan patuloy na natutunan ng mga kalahok ang iba't ibang footworks at mga pangunahing teknik sa pagdribble ng futsal at pag protekta sa Goal. Sa gabay ng ating volunteer coaches, higit na nahasa ng mga kabataan ang kanilang kontrol sa bola, liksi, at kumpiyansa sa paglalaro.

Nagkaroon din ng munting scrimmage sa pagitan ng mga manlalaro upang maisabuhay at maipakita nila ang kanilang mga natutunan habang pinapalakas ang teamwork, communication, at sportsmanship sa loob ng court.

Bagamaโ€™t naging hamon ang pabagu-bagong panahon na nakaapekto sa pagdalo ng ilang mga kabataan, nanatiling matagumpay ang pagsasagawa ng programa dahil sa dedikasyon at suporta ng mga kalahok, magulang, at volunteer coaches.

Maraming salamat sa lahat ng patuloy na nakikiisa sa Goal Maly. Sama-sama nating pinapaunlad ang talento, disiplina, at pagmamahal ng kabataan sa futsal. Kita-kits sa mga susunod na sesyon! ๐Ÿ”ฅโšฝ



TINGNAN | GOAL MALY: Grassroots Futsal Training Program โ€“ Session 2 | May 30, 2026Matagumpay na naisagawa ang ikalawang ...
21/06/2026

TINGNAN | GOAL MALY: Grassroots Futsal Training Program โ€“ Session 2 | May 30, 2026

Matagumpay na naisagawa ang ikalawang sesyon ng Goal Maly: Grassroots Futsal Training Program kung saan natutunan ng mga kalahok ang iba't ibang footworks at mga pangunahing teknik sa pagdribble ng futsal. Sa gabay ng ating volunteer coaches, mas nahasa ng mga kabataan ang kanilang kontrol sa bola, liksi, at kumpiyansa sa paglalaro.

Nagkaroon din ng munting scrimmage sa pagitan ng mga players upang maisabuhay at maipakita nila ang kanilang mga natutunan habang pinapalakas ang teamwork, communication, at sportsmanship sa loob ng court.

Maraming salamat sa lahat ng dumalo at nakiisa sa ating Session 2. Kita-kits muli sa susunod na sesyon habang sama-sama nating pinapaunlad ang talento at pagmamahal sa futsal! โšฝ๐Ÿ”ฅ



Sama sama nating linisan ang kapaligiran para sa maayos na kinabukasan. Kaya tara na, Kabataan!Clean up drive na, Ano?? ...
10/06/2026

Sama sama nating linisan ang kapaligiran para sa maayos na kinabukasan. Kaya tara na, Kabataan!

Clean up drive na, Ano?? Tara?? ๐Ÿ™Œ

๐Ÿ“ข PAANYAYA | CLEAN-UP DRIVE AT TREE PLANTING ACTIVITY ๐ŸŒณ๐Ÿงน

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Ika-125 Araw ng Lalawigan ng Rizal, inaanyayahan ng Barangay Maly ang lahat ng mga residente, kabataan, samahan, at mga boluntaryo na makibahagi sa ating Clean-Up Drive and Tree Planting Activity.

Sama-sama nating linisin ang ating kapaligiran at magtanim ng mga puno para sa mas luntian at mas maayos na kinabukasan. Ang gawaing ito ay naglalayong palakasin ang kamalayan sa pangangalaga ng kalikasan, pagtataguyod ng kalinisan sa komunidad, at pagpapanatili ng isang ligtas at malusog na kapaligiran para sa lahat.

๐Ÿ“… Petsa: Hunyo 11, 2026 (Huwebes)
โฐ Oras: 6:00 ng umaga
๐Ÿ“ Lugar: Malyโ€“Marang Road

๐ŸŒฑ Magtanim para sa mas luntiang kinabukasan!
๐Ÿงน Makilahok sa paglilinis para sa mas malinis na komunidad!

Inaanyayahan ang lahat ng may kakayahang makiisa upang maging matagumpay ang gawaing ito para sa ating barangay at sa ating kalikasan.

Tara na at sama-sama nating ipagdiwang ang ika-125 Araw ng Lalawigan ng Rizal sa pamamagitan ng pagkilos para sa kalikasan! ๐Ÿ’š

Address

Barangay Maly
San Mateo
1850

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kabataan ng Barangay Maly - Katipunan ng Kabataan Movement posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share