18/09/2026
Maligayang Kaarawan po, Reb. Padre Ric Eguia! 🎂
Sa araw na ito, buong galak po naming ipinagdiriwang ang buhay at bokasyon ng aming minamahal na Rector at Kura Paroko ng National Shrine and Parish of Our Lady of Aranzazu.
Isang taos-pusong pasasalamat po sa inyong tapat at mapagkalingang paglilingkod bilang aming pastol. Sa inyong pamumuno, patuloy kaming naaakay sa pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig kay Kristo sa patnubay ng Birhen ng Aranzazu.
Nawa'y pagpalain po kayo ng Panginoon at ng Mahal na Birhen ng Aranzazu ng kalakasan, kagalakan, at mahabang buhay sa paglilingkod.
Mahal po namin kayo, Padre!
Mula sa Mga Katekista ni Aranzazu 💛