08/10/2025
๐๐ฅณ๐San Mateo Rizal Local Youth Development Office
National Finalist po ulit tayo! ๐
Noong nakaraang taon, tayo po ay napabilang sa Outstanding Local Youth Development Office. Ngayong taon, muli po tayong napili bilang isa sa 20 National Finalists โ isang pagkakataon upang maibahagi ang ating mga munting tagumpay sa Hirayang Kabataan: San Mateo Youth Empowerment Program, at ang buong biyahe natin tungo sa mabuti at mapaglahok na pamamahala para sa sektor ng kabataan.
Lubos po tayong nagpapasalamat sa Positive Youth Development Network, National Youth Commission, at Youth Work Research and Training Center sa pagkilala at pagkakataong ito. Binabati rin natin ang Teresa Rizal Local Youth Development Office na kasama natin bilang National Finalist.
Sisikapin po namin na dalhin ang pangarap at kwento ng bawat kabataang San Mateo sa darating na Oktubre 24, 2025.
Maraming salamat po sa inyong makabuluhang pakikilahok at patuloy na suporta, Kabataang Sektor ng San Mateo! Maraming salamat po sa lahat ng suporta at pagtitiwala, Mayor Omie Rivera!
Mabuhay ang kabataan ng San Mateo, Rizal!
(c) Courtesy to Positive Youth Development Network for the publication material.