INklusibong KAbataan

๐๐€๐‹๐ˆ๐Š๐€๐ | ๐๐‘๐Ž๐‰๐„๐‚๐“ ๐๐€๐†-๐€๐’๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐†๐๐€๐’๐€: ๐ˆ๐Š๐€๐‹๐€๐–๐€๐๐† ๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐’๐„๐’๐˜๐Ž๐Noong Hunyo 7, 2026, matagumpay na naisagawa ng Inklusibon...
19/06/2026

๐๐€๐‹๐ˆ๐Š๐€๐ | ๐๐‘๐Ž๐‰๐„๐‚๐“ ๐๐€๐†-๐€๐’๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐†๐๐€๐’๐€: ๐ˆ๐Š๐€๐‹๐€๐–๐€๐๐† ๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐’๐„๐’๐˜๐Ž๐

Noong Hunyo 7, 2026, matagumpay na naisagawa ng Inklusibong Kabataan ang ikalawang araw ng sesyon ng Project Pag-asa sa Pagbasa. Sa patuloy na pagtutulungan ng mga volunteer teachers at mga kabataang kalahok sa Pag-asa Compound, naging makabuluhan at masigla ang bawat gawain na inihanda para sa araw na ito.

Sa sesyong ito, pinalawak ng mga mag-aaral ang kanilang kaalaman tungkol sa nouns at verbs at ang kahalagahan ng mga ito sa pagkatuto. Natutunan nilang tukuyin ang mga pangalan ng tao, bagay, lugar, at hayop, gayundin ang mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw. Ang mga araling ito ay nagsisilbing pundasyon sa pagpapaunlad ng kanilang kasanayan sa pagbasa, pagsulat, at mabisang pakikipagkomunikasyon.

Naging bahagi rin ng sesyon ang mga malikhaing aktibidad tulad ng pagkukulay, kung saan naipakita ng mga bata ang kanilang imahinasyon at pagkamalikhain.

Lubos kaming natutuwa sa aktibong pakikilahok at kasigasigan ng mga kabataan sa pagkatuto. Ang kanilang mga ngiti, pagsisikap, at pagnanais na matuto ay nagsisilbing inspirasyon upang higit pang pagbutihin at ipagpatuloy ang programang ito.

Maraming salamat sa ating mga volunteer teachers at sa lahat ng sumusuporta sa adhikain ng Project Pag-asa sa Pagbasa. Sama-sama nating patuloy na bigyang pag-asa at pagkakataon ang bawat kabataan sa pamamagitan ng edukasyon.

๐ŸŒŸ Ang bawat pahina na kanilang nababasa ay isang hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.


๐๐€๐‹๐ˆ๐Š๐€๐ | ๐๐‘๐Ž๐‰๐„๐‚๐“ ๐๐€๐†-๐€๐’๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐†๐๐€๐’๐€: ๐”๐๐€๐๐† ๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐’๐„๐’๐˜๐Ž๐Noong Mayo 31, 2026, matagumpay na sinimulan ng INklusibong KA...
19/06/2026

๐๐€๐‹๐ˆ๐Š๐€๐ | ๐๐‘๐Ž๐‰๐„๐‚๐“ ๐๐€๐†-๐€๐’๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐†๐๐€๐’๐€: ๐”๐๐€๐๐† ๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐’๐„๐’๐˜๐Ž๐

Noong Mayo 31, 2026, matagumpay na sinimulan ng INklusibong KAbataan ang unang araw ng sesyon ng Project Pag-asa sa Pagbasa sa Pag-asa Compound. Layunin ng programang ito na mapaunlad ang kakayahan sa pagbasa ng mga kabataan at maitanim sa kanila ang mas malalim na pagmamahal sa pag-aaral.

Sa tulong at dedikasyon ng ating mga volunteer teachers, naging makabuluhan, masigla, at puno ng pagkatuto ang unang sesyon. Aktibong nakilahok ang mga kabataan sa mga gawain at masayang nakibahagi sa mga araling inihanda para sa kanila.

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng volunteer teachers at katuwang na naglaan ng oras at suporta upang maging matagumpay ang unang araw ng programa. Nawaโ€™y magsilbi itong simula ng mas marami pang pagkakataon para sa pagkatuto, pag-unlad, at pag-asa ng ating mga kabataan.

๐ŸŒŸ Sama-sama nating itaguyod ang edukasyon at magbigay-liwanag sa kinabukasan ng bawat bata.

๐Ÿ“Œ Ang pagkuha ng mga larawan at dokumentasyon sa mga kabataang kalahok ay isinagawa nang may pahintulot ng kanilang mga magulang/tagapag-alaga, alinsunod sa umiiral na Data Privacy Act of 2012 at mga patakaran sa maayos na paggamit ng personal na impormasyon.


๐๐€๐‹๐ˆ๐Š๐€๐ | ๐Ÿ๐ฌ๐ญ ๐’๐ฉ๐ž๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐  ๐š๐ง๐ ๐Ž๐ซ๐ข๐ž๐ง๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐•๐จ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ญ๐ž๐ž๐ซ ๐“๐ž๐š๐œ๐ก๐ž๐ซ๐ฌNoong Mayo 30, 2026 ginanap ang unang special meetin...
19/06/2026

๐๐€๐‹๐ˆ๐Š๐€๐ | ๐Ÿ๐ฌ๐ญ ๐’๐ฉ๐ž๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐  ๐š๐ง๐ ๐Ž๐ซ๐ข๐ž๐ง๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐•๐จ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ญ๐ž๐ž๐ซ ๐“๐ž๐š๐œ๐ก๐ž๐ซ๐ฌ

Noong Mayo 30, 2026 ginanap ang unang special meeting at oryentasyon para sa mga volunteer teacher's ng proyektong Pag-asa sa Pagbasa.

Layunin ng gawaing ito na maipakilala ang programa, ang mga layunin nito, at ang mahalagang papel na gagampanan ng mga volunteer teachers sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagbasa at pag-unawa ng mga mag-aaral. Tinalakay rin sa oryentasyon ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok at komitment ng bawat volunteer upang maging mas makabuluhan at epektibo ang implementasyon ng programa.

Sa pagtitipong ito, tinalakay ang mga layunin, mekanismo, at mga paparating na hakbang upang higit pang mapalakas ang literacy program na naglalayong magbigay ng mas matibay na pundasyon sa pagbasa para sa mga mag-aaral.

Sa pamamagitan ng proyektong ito, hangad ng INKA na matulungan ang mga kabataan sa Pag-asa Compound na higit pang malinang ang kanilang kakayahan sa pagbasa at pag-unawa bilang mahalagang pundasyon sa kanilang pag-aaral at personal na pag-unlad. ๐Ÿ“š

Isang sama-samang pagkilos tungo sa mas inklusibo at mas maliwanag na kinabukasan sa pamamagitan ng edukasyon.


๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—”๐—”๐—ก ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญMula sa INklusibong KAbataan, taos-puso nating inaalala at buong pusong pinasasalamatan an...
12/06/2026

๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—”๐—”๐—ก ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Mula sa INklusibong KAbataan, taos-puso nating inaalala at buong pusong pinasasalamatan ang ating mga bayani na nagbuwis ng kanilang buhay para sa kalayaang ating tinatamasa hanggang sa kasalukuyan.

Ngayong ika-12 ng Hunyo 2026, buong pagmamalaki nating ginugunita ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinasโ€”isang mahalagang pagdiriwang na nagpapaalala sa katapangan, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan ng ating mga ninuno. Ang kanilang pakikipaglaban ay nagsisilbing paalala na ang kalayaan ay isang bagay na dapat nating pahalagahan, pangalagaan, at gamitin para sa ikabubuti ng ating kapwa at komunidad.

Nawaโ€™y magsilbing inspirasyon ang araw na ito upang patuloy nating pahalagahan ang kalayaang ating tinatamasa at magkaisa para sa ikauunlad ng ating bayan. Bilang mga kabataan, tungkulin nating isabuhay ang diwa ng kalayaan sa pamamagitan ng edukasyon, paggalang sa kapwa, aktibong pakikilahok sa lipunan, at pagmamahal sa Pilipinas.

Sama-sama nating ipagdiwang ang ating kasaysayan, parangalan ang mga bayani, at isabuhay ang tunay na kahulugan ng kalayaan.

Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang mga kabataang Pilipino! Mabuhay ang sambayanang Pilipino! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ


๐Ÿ“ข ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐——๐—ข๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—ฆAng Pag-Asa sa Pagbasa ay isang proyekto ng Inklusibong Kabataan na naglalayong makatulong sa pagpap...
11/06/2026

๐Ÿ“ข ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐——๐—ข๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—ฆ

Ang Pag-Asa sa Pagbasa ay isang proyekto ng Inklusibong Kabataan na naglalayong makatulong sa pagpapalakas ng kakayahan sa pagbasa at pagkatuto ng mga bata sa Pag-Asa Compound.

Sa kasalukuyan, kami ay humihingi ng monetary at in-kind donations upang masuportahan ang pagpapatuloy ng aming mga learning sessions. Ang inyong mga donasyon ay makatutulong sa pagbibigay ng pagkain para sa aming mga volunteer teachers at mga batang kalahok sa programa, gayundin sa paghahanda ng mga materyales at iba pang pangangailangan para sa mga susunod na sesyon.

Habang nagpapatuloy ang proyekto, napapansin naming dumarami rin ang mga batang lumalapit at nakikilahok sa aming mga aktibidad kahit hindi sila kabilang sa mga opisyal na kalahok ng programa. Dahil sa kanilang kagustuhang matuto at maging bahagi ng aming mga gawain, nagsagawa rin kami ng mga coloring at storytelling sessions upang mabigyan sila ng isang ligtas, masaya, at makabuluhang espasyo para sa pagkatuto. Para sa amin, walang batang dapat maiwan pagdating sa pagkakataong matuto at maramdaman na sila ay kabilang sa komunidad.

Ang bawat donasyong inyong ibibigay ay hindi lamang para sa isang araw na programa, kundi magiging bahagi ng patuloy na pagsuporta sa edukasyon at pagkatuto ng mga bata sa komunidad.

Anumang halaga o uri ng tulong ay lubos naming pinahahalagahan. Maraming salamat sa inyong pakikiisa sa pagtataguyod ng inklusibo at makabuluhang pagkatuto para sa kabataan ng Pag-Asa Compound. ๐Ÿ’œ



๐๐€๐‹๐ˆ๐Š๐€๐ | ๐๐‘๐Ž๐‰๐„๐‚๐“ ๐๐€๐†๐€๐’๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐†๐๐€๐’๐€: ๐๐€๐‘๐„๐๐“๐’ ๐€๐๐ƒ ๐‹๐„๐€๐‘๐๐„๐‘๐’ ๐Ž๐‘๐ˆ๐„๐๐“๐€๐“๐ˆ๐Ž๐Noong Mayo 24, matagumpay na isinagawa ng Inklusibo...
08/06/2026

๐๐€๐‹๐ˆ๐Š๐€๐ | ๐๐‘๐Ž๐‰๐„๐‚๐“ ๐๐€๐†๐€๐’๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐†๐๐€๐’๐€: ๐๐€๐‘๐„๐๐“๐’ ๐€๐๐ƒ ๐‹๐„๐€๐‘๐๐„๐‘๐’ ๐Ž๐‘๐ˆ๐„๐๐“๐€๐“๐ˆ๐Ž๐

Noong Mayo 24, matagumpay na isinagawa ng Inklusibong Kabataan (INKA) ang Parents and Learners Orientation bilang hudyat ng pagsisimula ng Project Pagasa sa Pagbasa.

Layunin ng gawaing ito na maipakilala sa mga magulang at mag-aaral ang programa, ang mga layunin nito, at ang mahalagang papel na kanilang gagampanan sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagbasa at pag-unawa. Tinalakay rin sa oryentasyon ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng bawat magulang at mag-aaral upang maging mas makabuluhan at epektibo ang proseso ng pagkatuto.

Sa pamamagitan ng proyektong ito, hangad ng INKA na matulungan ang mga mag-aaral na higit pang malinang ang kanilang kakayahan sa pagbasa at pag-unawa bilang mahalagang pundasyon sa kanilang pag-aaral at personal na pag-unlad.

Taos-pusong pasasalamat sa Pamahalaang Bayan ng San Mateo at San Mateo Rizal Local Youth Development Office (LYDO) sa kanilang patuloy na suporta, pakikiisa, at pagtitiwala sa implementasyon ng Project Pagasa sa Pagbasa. Gayundin, taos-pusong pasasalamat sa mga kabataang boluntaryo ng INKA na naglaan ng kanilang oras, lakas, at dedikasyon upang maisakatuparan ang proyektong ito. Ang inyong paglilingkod at malasakit sa kapwa kabataan ay nagsisilbing inspirasyon at patunay na ang kabataan ay mahalagang katuwang sa pagtataguyod ng edukasyon at paghubog ng mas maliwanag na kinabukasan.




๐“๐ˆ๐†๐๐€๐ ๐ˆ ๐’๐€๐ ๐Œ๐€๐“๐„๐Ž ๐‹๐˜๐ƒ๐Ž: ๐’๐„๐€๐‹ ๐Ž๐… ๐Œ๐„๐€๐๐ˆ๐๐†๐…๐”๐‹ ๐€๐๐ƒ ๐€๐‚๐‚๐Ž๐”๐๐“๐€๐๐‹๐„ ๐˜๐Ž๐”๐“๐‡ ๐๐€๐‘๐“๐ˆ๐‚๐ˆ๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐๐€๐๐„๐‹ ๐ˆ๐๐“๐„๐‘๐•๐ˆ๐„๐–Bawat organisasyon ay may...
04/06/2026

๐“๐ˆ๐†๐๐€๐ ๐ˆ ๐’๐€๐ ๐Œ๐€๐“๐„๐Ž ๐‹๐˜๐ƒ๐Ž: ๐’๐„๐€๐‹ ๐Ž๐… ๐Œ๐„๐€๐๐ˆ๐๐†๐…๐”๐‹ ๐€๐๐ƒ ๐€๐‚๐‚๐Ž๐”๐๐“๐€๐๐‹๐„ ๐˜๐Ž๐”๐“๐‡ ๐๐€๐‘๐“๐ˆ๐‚๐ˆ๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐๐€๐๐„๐‹ ๐ˆ๐๐“๐„๐‘๐•๐ˆ๐„๐–

Bawat organisasyon ay may kwento, at isa rito ang Inklusibong Kabataan (INKA).

Noong Mayo 30, bilang isa sa mga organisasyong sumubok para sa Seal of Meaningful & Accountable Youth Participation (SMAYP), nabigyan ang INKA ng pagkakataong ibahagi ang mga karanasan, adbokasiya, at programang kanilang isinulong para sa kapwa kabataan at komunidad sa isinagawang Panel Interview.

Sa panayam, ikinuwento ng INKA kung paano nito isinusulong ang pagiging inklusibo, makabuluhang partisipasyon ng kabataan, at pagbibigay ng mga oportunidad upang marinig at bigyang-halaga ang boses ng bawat isa. Ibinahagi rin ang mga programang naging daan upang mas maraming kabataan ang makilahok, mamuno, at maging aktibong bahagi ng komunidad.

Higit pa sa isang ebalwasyon, naging pagkakataon ito upang maipakita ang mga kuwento, karanasan, at pagbabagong nais isulong ng organisasyon para sa kabataan. Patunay ito na kapag nabibigyan ng pagkakataon ang mga kabataan, kaya nilang maging bahagi ng mga solusyon at positibong pagbabago sa lipunan.

Ang kuwentong ito ay hindi lamang tungkol sa organisasyon, kundi tungkol sa bawat miyembrong naglaan ng oras, talento, at puso sa paglilingkod para sa kapwa kabataan. Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa sa pagbuo ng isang mas inklusibo at makabuluhang komunidad.

Congratulations, Kuya Jaysi! ๐Ÿ’œ๐ŸŽ“Ang Inklusibong Kabataan ay buong pusong bumabati sa pagtatapos ng ating Public Informati...
03/06/2026

Congratulations, Kuya Jaysi! ๐Ÿ’œ๐ŸŽ“

Ang Inklusibong Kabataan ay buong pusong bumabati sa pagtatapos ng ating Public Information Officer 2, Kuya John Carlo M. Nabong. Nawaโ€™y maging daan ito sa mas marami pang tagumpay at oportunidad sa hinaharap.

Mabuhay at pagbati, Graduate! โœจ

๐—›๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—ฌ ๐—ฃ๐—ฅ๐—œ๐——๐—˜ ๐— ๐—ข๐—ก๐—ง๐—›! ๐Ÿ’œ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆIpinagdiriwang natin ang buwan ng pagmamalaki, pagkakapantay-pantay, at pagtanggap. Bilang isang...
01/06/2026

๐—›๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—ฌ ๐—ฃ๐—ฅ๐—œ๐——๐—˜ ๐— ๐—ข๐—ก๐—ง๐—›! ๐Ÿ’œ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆ

Ipinagdiriwang natin ang buwan ng pagmamalaki, pagkakapantay-pantay, at pagtanggap. Bilang isang organisasyong naniniwala sa inklusibong partisipasyon ng kabataan, patuloy nating isusulong ang mga espasyong ligtas, bukas, at may paggalang sa bawat isa, anuman ang kanilang kasarian, identidad, o pinagmulan.

Kasabay ng pagdiriwang na ito ang pagkilala sa mga hamon at isyung patuloy na kinakaharap ng maraming miyembro ng LGBTQIA+ community. Hanggang ngayon, marami pa rin ang nakararanas ng diskriminasyon, panghuhusga, hindi pantay na oportunidad, at kakulangan sa mga ligtas na espasyong nagbibigay-daan upang malaya nilang maipahayag kung sino sila.

Ang Pride ay hindi lamang pagdiriwang ng identidad. Ito rin ay pagkilala sa mahabang kasaysayan ng pakikibaka para sa pagkakapantay-pantay, dignidad, at karapatang pantao. Paalala ito na bagama't marami nang tagumpay ang nakamit, marami pa ring hakbang ang kailangang tahakin upang matiyak na walang sinuman ang maiiwan dahil lamang sa kanilang identidad o paraan ng pagpapahayag ng sarili.

Tulad ng iba't ibang kulay ng krayola na sama-samang nagbibigay buhay at kulay sa isang pahina, bawat identidad, karanasan, at kuwento ay mahalagang bahagi ng ating komunidad. Walang iisang kulay ang maaaring kumatawan sa kabuuan ng ating lipunan; sa halip, ang ating pagkakaiba-iba ang siyang bumubuo sa isang mas makulay, mas inklusibo, at mas makatarungang mundo para sa lahat.

Ngayong Pride Month, nakikiisa ang Inklusibong Kabataan sa pagsusulong ng paggalang, pagkakapantay-pantay, at pagkilala sa dignidad ng bawat isa. Patuloy nating ipinta ang kinabukasang walang diskriminasyon at may puwang para sa lahat.

Walang maiiwan. Lahat ay kabilang. โœจ

Pubmat: Creative Volunteer, Kuya JM Mirabete

Address

San Mateo
1850

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when INklusibong KAbataan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share