Tayo Kabataan

Tayo Kabataan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Tayo Kabataan, Community Organization, San Mateo.

TK envisions a society where the vulnerable sector thrives in life to understand their rights and promote social justice.Therefore, TK aims to empower the vulnerable sector by providing relevant programs about their rights and social justice.

Kahapon Hulyo 26, 2024, Ang Tayo Kabataan ay nakapagpaabot ng hot meals sa Gugol Compound na isang komunidad na lumubog ...
27/07/2024

Kahapon Hulyo 26, 2024, Ang Tayo Kabataan ay nakapagpaabot ng hot meals sa Gugol Compound na isang komunidad na lumubog sa pinaghalong epekto ng Superbagyong Carina at Hanging Habagat nitong Hulyo 24, 2024. Sa kasalukuyan, marami pa rin naglilinis ng kanilang mga tahanan at hindi makapagluto dahil na rin ito sa dulot ng baha at putik na nagmula sa kabundukan.

Ang Tayo Kabataan ay lubos na nagpapasalamat, dahil hindi rin po ito maisasakatuparan kung wala ang mga donors na nagpaabot ng tulong at sa mga volunteers na nag-organisa at nakilahok sa inisyatiba na ito.

Narito naman po ang link para sa transparency report ng mga pinaggastusan nitong inisyatiba:

https://docs.google.com/spreadsheets/d/1UfNEtgKnm5YKqGgmvjewSrvUQ5wi9gF-Nky4aVQ71pg/edit?usp=drivesdk

Tumatanggap pa rin po tayo ngayon ng mga donasyon para sa agarang pagtugon sa mga pangangailangan ng komunidad ngayong panahon ng sakuna.

Para sa mga in-kind na tulong, maaari pong magmessage sa aming page.

Muli maraming salamat po!


Nagpalubog ng maraming komunidad ang pinaghalong epekto ng Superbagyong Carina at Hanging Habagat nitong Hulyo 24, 2024....
25/07/2024

Nagpalubog ng maraming komunidad ang pinaghalong epekto ng Superbagyong Carina at Hanging Habagat nitong Hulyo 24, 2024. Sa kasalukuyan,marami pa ring bakwit sa mga evacuation center at mga pamilya sa komunidad na hirap pa rin magluto dahil lubog pa rin sa pagbaha.

Tumatanggap po tayo ngayon ng mga donasyon para sa agarang pagtugon sa mga pangangailangan ng komunidad ngayong panahon ng sakuna.

Para sa mga in-kind na tulong, maaari pong magmessage sa aming page.

Maraming salamat!


Project Taas Kamalayan at Kakayahan ng Kabataan: Introduction to Advocacy & Community Work Ngayong paparating na ika-04 ...
23/07/2024

Project Taas Kamalayan at Kakayahan ng Kabataan: Introduction to Advocacy & Community Work

Ngayong paparating na ika-04 ng Agosto 2024, ang Tanggapan ng Punong Bayan sa pamamagitan ng San Mateo Rizal Local Youth Development Office, ay magsasagawa ng programa para sa mga kabataang may adbokasiya at nais maging volunteer, ito’y pinamagatang, “Project Taas Kamalayan at Kakayahan ng Kabataan: Introduction to Advocacy Work and Volunteerism, A Major Component of San Mateo Youth Empowerment Program”.

Ang aktibidad na ito sa ilalim ng Youth Empowerment Program naglalayong ihanda ang mga kabataan sa mga kaalaman at kakayahan na kailangan nila upang makatulong sa pag-unlad ng kanilang komunidad. Ang Introduction to Advocacy and Community Work ay isa sa mga inisyal na parte ng serye kung saan makikilala rin ng mga kabataan ang iba’t ibang advocacy groups na maaaring nilang kalahukan.

Kaya't sa mga nais maging bahagi ng nabanggit na programa, mangyari lamang na mag-register sa Google form link na ito:

https://forms.gle/1a3MCmyLHGhifJtH9
https://forms.gle/1a3MCmyLHGhifJtH9
https://forms.gle/1a3MCmyLHGhifJtH9

Para sa pagpapahalaga sa adbokasiya at bolunterismo. Para sa kabataan ng San Mateo!



Project Taas Kamalayan at Kakayahan ng Kabataan: Introduction to Advocacy & Community Work

Ngayong paparating na ika-04 ng Agosto 2024, ang Tanggapan ng Punong Bayan sa pamamagitan ng San Mateo Rizal Local Youth Development Office, ay magsasagawa ng programa para sa mga kabataang may adbokasiya at nais maging volunteer, ito’y pinamagatang, “Project Taas Kamalayan at Kakayahan ng Kabataan: Introduction to Advocacy and Community Work, A Major Component of San Mateo Youth Empowerment Program”.

Ang aktibidad na ito sa ilalim ng Youth Empowerment Program naglalayong ihanda ang mga kabataan sa mga kaalaman at kakayahan na kailangan nila upang makatulong sa pag-unlad ng kanilang komunidad. Ang Introduction to Advocacy and Community Work ay isa sa mga inisyal na parte ng serye kung saan makikilala rin ng mga kabataan ang iba’t ibang advocacy groups na maaaring nilang kalahukan.

Kaya't sa mga nais maging bahagi ng nabanggit na programa, mangyari lamang na mag-register sa Google form link na ito:

https://forms.gle/1a3MCmyLHGhifJtH9
https://forms.gle/1a3MCmyLHGhifJtH9
https://forms.gle/1a3MCmyLHGhifJtH9

Para sa pagpapahalaga sa adbokasiya at bolunterismo. Para sa kabataan ng San Mateo!



ANG GUGOL SUMMER SCHOOL V. 2.0  NASA SECOND AND THIRD DAY NA! (SECOND AND THIRD DAY!?!)Muling umarangkada ang Tayo Kabat...
22/07/2024

ANG GUGOL SUMMER SCHOOL V. 2.0 NASA SECOND AND THIRD DAY NA! (SECOND AND THIRD DAY!?!)

Muling umarangkada ang Tayo Kabataan sa ating pangalawa at pangatlong araw ng Gugol Summer School v.2.0 noong ika- 13 at ika-20 ng Hulyo 2024. Muli, matagumpay na naman tayong nakapagpasaya at nakapagturo sa mga bata sa Gugol Compound ng pagsulat, pagbasa, at pagbibilang. Hindi ito magiging posible kung wala ang tulong ng mga donors, volunteers, at teacher aid. Taos-pusong nagpapasalamat ang Tayo Kabataan sa inyong tulong sa pagbibigay importansya sa edukasyon ng mga bata.

Para sa mga nais pa magpaabot ng kanilang in-kind donations gaya ng Grade 1 Pad Paper, Lapis, Highlighter (yellow), at reading materials ay makipag-ugnayan lamang dito sa Tayo Kabataan Page o kay Juvert N. Funtaniel.

Tumatanggap pa din po tayo ng monetary donations para mapunan ang mga kinakailangan sa sustainable na operasyon ng programa. Maaaring magpadala sa sumusunod:

GCash: 09060573533 ( WI*****Z MA****L F.)
Maraming Salamat po!


.2.0

Opisyal na sinimulan na ng Tayo Kabataan ang Gugol Summer School v. 2.0  noong ika-06 ng Hulyo 2024. Matagumpay tayong n...
09/07/2024

Opisyal na sinimulan na ng Tayo Kabataan ang Gugol Summer School v. 2.0 noong ika-06 ng Hulyo 2024. Matagumpay tayong nakapagturo ng pagsulat, pagbasa, at pagbibilang sa mga bata sa Gugol Compound. Hindi ito magiging posible kung wala ang tulong ng mga donors, volunteers, at teacher aid. Kaya taos-pusong nagpapasalamat ang Tayo Kabataan sa inyong tulong sa pagbibigay importansya sa edukasyon ng mga bata.

Para sa mga nais pa magpaabot ng kanilang in-kind donations gaya ng Grade 1 Pad Paper, Lapis, Highlighter (yellow), at reading materials ay makipag-ugnayan lamang dito sa Tayo Kabataan Page o kay Juvert N. Funtaniel.

Tumatanggap pa din po tayo ng monetary donations para mapunan ang mga kinakailangan sa sustainable na operasyon ng programa. Maaaring magpadala sa sumusunod:

GCash: 09060573533 ( Wi*****z Ma****l F.)
Maraming Salamat po!


.2.0

𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀 𝐍𝐀 𝐁𝐀 𝐊𝐀𝐘𝐎 𝐒𝐀 𝐌𝐔𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐁𝐀𝐋𝐈𝐊 𝐍𝐆 𝐆𝐔𝐆𝐎𝐋 𝐒𝐔𝐌𝐌𝐄𝐑 𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋? 𝐏𝐄𝐑𝐎 𝐓𝐄𝐊𝐀 𝐌𝐀𝐘 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍 𝟐.𝟎 𝐍𝐀!Ang Tayo Kabataan ay ilulunsa...
30/06/2024

𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀 𝐍𝐀 𝐁𝐀 𝐊𝐀𝐘𝐎 𝐒𝐀 𝐌𝐔𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐁𝐀𝐋𝐈𝐊 𝐍𝐆 𝐆𝐔𝐆𝐎𝐋 𝐒𝐔𝐌𝐌𝐄𝐑 𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋? 𝐏𝐄𝐑𝐎 𝐓𝐄𝐊𝐀 𝐌𝐀𝐘 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍 𝟐.𝟎 𝐍𝐀!

Ang Tayo Kabataan ay ilulunsad muli ang Gugol Summer School v. 2.0 kung saan ay naglalayong mapahusay ang kakayahan ng mga bata sa pagbasa, pagsulat, at pagbibilang upang matulungan ang mga bata na makapaghanda sa nalalapit na pasukan.

Upang maisakatuparan ang programang ito hanggang July 28, 2024, kami po ay kumakatok sa inyong mga puso upang mapunan ang mga kinakailangan sa pagpapatuloy ng operasyon ng aming munting Summer School.

Para sa mga nais magpaabot ng kanilang in-kind donations gaya ng Grade 1 Pad Paper, Lapis, Highlighter (yellow), at reading materials ay makipag-ugnayan lamang dito sa Tayo Kabataan Page o kay Juvert N. Funtaniel.

At para naman sa monetary donations, maaaring magpadala sa sumusunod:

GCash: 09060573533 ( Wi*****z Ma****l F.)

Maraming Salamat po!


.2.0

Bumili ng mga lokal na produkto mula sa mga magsasaka at namamalakaya!Sa pagpapatuloy ng pakikipag-ugnayan natin sa Bany...
23/04/2024

Bumili ng mga lokal na produkto mula sa mga magsasaka at namamalakaya!

Sa pagpapatuloy ng pakikipag-ugnayan natin sa Banyuhay, mas marami pang produkto ang kanilang nahango mula sa mga lokal na magsasaka at mangingisda. Tulad ng dati, ang bawat pagbili sa order link sa ibaba ay makakapag-ambag sa mga paparating na proyekto ng Tayo Kabataan.

Unique order link:

https://docs.google.com/forms/d/15dBwpIjIwfEQsZwfCMce-05VB6FG-lLONJGDU3HtVeM/
https://docs.google.com/forms/d/15dBwpIjIwfEQsZwfCMce-05VB6FG-lLONJGDU3HtVeM/
https://docs.google.com/forms/d/15dBwpIjIwfEQsZwfCMce-05VB6FG-lLONJGDU3HtVeM/

Kaya't ano pa ang inyong hinihintay?
Support our farmers!
Support social enterprises!

Magandang buhay, mga kabataan at pusong-kabataan! Ngayong taon ay nabigyan tayo ng pagkakataon na maging partner ng Bany...
03/04/2024

Magandang buhay, mga kabataan at pusong-kabataan! Ngayong taon ay nabigyan tayo ng pagkakataon na maging partner ng Banyuhay, isang social enterprise na sumusuporta sa mga kapwa nating lokal na mangingisda at mga magsasaka. Sa bawat maibebentang piraso ng kanilang (napakasarap na) Spanish-style Bangus Sardines, makakatanggap ang Tayo Kabataan ng 10% kapag ginamit natin ang link na ito sa baba:

https://docs.google.com/forms/d/15dBwpIjIwfEQsZwfCMce-05VB6FG-lLONJGDU3HtVeM

I-click lamang po ang link at handa na silang makipag-ugnayan sa inyo sa lalong madaling panahon. Ang bawat pirasong inyong bibilhin ay makakatulong sa pagpapatuloy ng mga programang ginagawa ng kabataan, mula sa kabataan, para sa kabataan.

Tara na at suportahan ang mga lokal na produkto!

Tayo Kabataan General Assembly x Eleksyon 2024Iniimbitahan ang lahat ng mga kasapi, volunteer, at mga partner ng Tayo Ka...
28/03/2024

Tayo Kabataan General Assembly x Eleksyon 2024

Iniimbitahan ang lahat ng mga kasapi, volunteer, at mga partner ng Tayo Kabataan para sa gaganaping General Assembly at Eleksyon sa Gugol Compound, Malanday, San Mateo, Rizal. Ang aktibidad ay gaganapin sa Marso 31, 2024, Linggo, sa ganap na ika-2 ng hapon.

Para sa eleksyon, nakalakip sa post na ito ang mga posisyon na ating bubuksan;, maging ang mga partikular na gawain na kanilang gagampanan.

FAQs para sa Eleksyon:

Tanong: Sino po ang mga maaaring tumakbo sa eleksyon ng TK?
👉 Maaari pong tumakbo ang lahat ng aktibong miyembro na edad 15-30

Tanong: Sino po ang mga maaaring bumoto?
👉 Lahat din po ng aktibong miyembro na edad 15-30

Tanong: Paano po magpapaabot ng interes sa mga gustong tumakbo sa partikular na posisyon?
👉 Imessage lang po tayo dito sa ating page 😉

Magpatala para sa attendance: https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSd30mmP856A-xSRQu0tT-xmvEVokQ8TKR1aKulJHl8jXKOOiQ/viewform?usp=sharing

Magseserve din tayo ng meryenda para sa mga lalahok!
Kitakits!

Address

San Mateo
1850

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Telephone

+639758134035

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tayo Kabataan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Tayo Kabataan:

Share