07/07/2023
Kasama ang Katipunang Pangkasaysayan ng San Mateo Rizal, Inc. sa pagdiriwang ng bansa sa ika-131 taong anibersaryo ng pagkakatatag sa Kataastaasang, Kagalangalangang, Katipunan ng mga Anak ng Bayan (o Katipunan/K*K).
Sa tulong ng Katipunan, nagwakas ang tatlong siglong pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas.
Ang San Mateo ay isa sa mga bayang pinagmulan ng mga Katipunerong naghimasgsik laban sa rehimeng Espanyol sa Pilipinas.
Nakikiisa ang NHCP sa paggunita ngayong araw ng ika-131 anibersaryo ng pormal na pagkakatatag ng Kataastasang Kagalanggalang Katipunan ng mga Anak ng Bayan.
Kilala bilang K*K o Katipunan, ang samahan ay nanguna sa paghihimagsik laban sa pamahalaang kolonyal ng Espanya. Bagaman mayroon nang mga dokumento tungkol sa pagkakatatag nito sa maagang bahagi ng taong 1892, pormal na nabuo ang samahan noong 7 Hulyo 1892 sa Tondo, Maynila.
Ang pook kung saan itinatag ang Katipunan ay nilagyan ng panibagong panandang pangkasaysayan noong 7 Hulyo 1998. Ginugunita rin sa - Museo ng Katipunan-Pinaglabanan Memorial Shrine ang mahalagang papel na ginampanan nito sa kasaysayan.