30/06/2026
CLIFF RIVERSIDE NEIGHBORHOOD ASSOCIATION, INC.
NOTICE OF GENERAL ASSEMBLY
June 24,2026
Magandang araw po sa lahat ng miyembro.
Nais po naming ipabatid na nagkaroon ng General Assembly kamakailan, subalit hindi naisakatuparan ang pag-apruba ng mga mahahalagang usapin dahil sa kawalan ng quorum.
Dahil dito, magsasagawa po ang Cliff Riverside Neighborhood Association, Inc. ng panibagong General Assembly
sa Hulyo 12, 2026 (Linggo), ganap na ika-2:00 ng hapon, sa parehong venue.
Layunin ng pagpupulong na ito na maipagpatuloy at mapagtibay ang mga alituntunin, resolusyon, at iba pang mahahalagang usapin na hindi naaprubahan sa nakaraang General Assembly dahil sa kakulangan ng quorum.
Kaugnay nito, mahigpit pong hinihikayat at inaasahan ang pagdalo ng lahat ng miyembro upang matiyak ang pagkakaroon ng quorum at ang maayos na pagtalakay at pagdedesisyon sa mga usaping may kinalaman sa kapakanan at kaunlaran ng ating samahan.
Petsa: Hulyo 12, 2026 (Linggo)
Oras: 2:00 PM
Lugar: Parehong Venue
Mahalaga po ang inyong presensya at pakikilahok upang maging matagumpay ang pagpupulong na ito. Inaasahan po namin ang inyong buong pakikiisa at suporta.
Maraming salamat po.
Lubos na gumagalang,
Sa pamamagitan ng Pamunuan ng
Cliff Riverside Neighborhood Association, Inc.
Fyi announcement
📣📌👋