Metamorphosis

Metamorphosis The Official Student Publication of San Mateo Municipal College.

๐—”๐——๐—ฉ๐—œ๐—ฆ๐—ข๐—ฅ๐—ฌ: Afternoon face-to-face class suspension for August 17, 2026Due to the inclement weather brought on by the Sout...
17/08/2026

๐—”๐——๐—ฉ๐—œ๐—ฆ๐—ข๐—ฅ๐—ฌ: Afternoon face-to-face class suspension for August 17, 2026

Due to the inclement weather brought on by the Southwest moonsoon (Habagat), San Mateo Municipal Mayor Bartolome "Omie" Rivera Jr. has declared that afternoon face-to-face classes at all levels of public and private schools will be suspended today, August 17.

Academic institutions are advised to shift temporarily to modular or distance learning modality.

Please be guided.



Read more: https://www.facebook.com/100075968933369/posts/1096410882901199/?app=fbl

๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ  #๐Ÿญ๐Ÿฌ | ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝang hirap maging mahirap.at lalong mahirap mangarap kapag mahirap.hindi komplikadong ...
17/08/2026

๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ #๐Ÿญ๐Ÿฌ | ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ

ang hirap maging mahirap.
at lalong mahirap mangarap kapag mahirap.

hindi komplikadong mamili kung nasa hapag na ang maaaring kainin.
madalas,
wala pang makain.

kaya nakapagtataka kung bakit tinatanong pa tayo kung ano ang pangarap natin.
parang may mga pangarap na kailangan munang ipagpaalam sa sikmura.

may mga umagang ang unang desisyon ay hindi kung saan pupunta,
kundi kung alin ang kayang ipagpalibanโ€”
almusal,
pamasahe,
o gamot.

sa ganitong buhay, hindi kalendaryo ang nagtatakda ng panahon.
kundi ang petsa ng sweldo.
ang araw ng ayuda.
ang anunsyo ng taas-presyo.
ang susunod na singil.

may mga salitang paulit-ulit nating naririnig:

Pag-unlad.
Pagbabago.
Pag-asa.

magaganda pakinggan.

lalo na kapag may mikropono.
mas maganda kapag may entablado.

may mga pangakong laging bagong plantsa.
hindi man lang nagugusot sa dami ng beses na isinusuot.

at tayo,
palaging nasa babaโ€”taga-pakinig, taga-sunod, taga-hintay.

papalakpak sa tamang hudyat.
marunong nang umuwi bago matapos ang programa.

may mga kalsadang paulit-ulit sinisimulan.
parang pelikulang hindi marunong umabot sa huling eksena.

may mga paaralang tinuturuan ang mga bata kung ano ang ibig sabihin ng karapatan.
pagkatapos ay pauuwiin sila sa bahay na alam ang presyo ng bigas;

pero hindi ang presyo ng pangako.

minsan, mapapaisip,
baka kaya tayo mahusay magtiis
ay dahil matagal na tayong sinanay.

sa mahabang pila.
sa mabagal na usad.
sa pagsasabing, "baka sa susunod."
sa bawat "konting pasensya pa."

hanggang sa ang pasensya na ang naging pinakamurang bagay na meron ang bansa.

may mga taong ipinanganak na ang tanging mana ay paghihintay.
naghihintay ng trabaho.
naghihintay ng tawag.
naghihintay ng pagkakataong hindi kailangang ipagpalit ang dignidad para sa isang araw na ginhawa.

at kung minsan,
kapag malapit na naman ang halalan,
biglang may kumakatok.

may kamay na gustong kamayan ang matagal nang hindi pinapansin.
may ngiting kabisado ang pangalan ng bawat eskinita.
may pangakong marunong magsuot ng kulay ng pag-asa.

pagkatapos ng bilangan,
bumabalik ang katahimikan.

parang walang kumatok.
parang walang nangako.
parang walang nakinig.

ang hirap maging mahirap.

hindi dahil kulang ang sipag.
hindi dahil maliit ang pangarap.

kundi dahil may mga umagang ang pinakamalaki mong tagumpay ay maitawid ang isang araw.

at may mga gabing sapat nang panaginip ang magkaroon ng bukas na hindi na kailangang pagpilian

kung kakain ba,
o mangangarap.

๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ถ ๐—Ÿ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ

Padron ni Jannel Torres
Disenyo ni Nathaniel Salomon



๐— ๐—”๐—ฅ๐—”๐— ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—”๐—ง, ๐——๐—ฅ. ๐——๐—˜๐—Ÿ๐—” ๐—–๐—ฅ๐—จ๐—ญThe Metamorphosis, on behalf of the student body, expresses heartfelt appreciation for yo...
16/08/2026

๐— ๐—”๐—ฅ๐—”๐— ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—”๐—ง, ๐——๐—ฅ. ๐——๐—˜๐—Ÿ๐—” ๐—–๐—ฅ๐—จ๐—ญ

The Metamorphosis, on behalf of the student body, expresses heartfelt appreciation for your leadership, commitment, and the invaluable service you have given.

May your future endeavors be filled with meaning, prosperity, and opportunities to empower others.

By Samantha Merculio
Layout by Venzel Velasco

๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ  #๐Ÿต | ๐—•๐—”๐—›๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—ง๐—” ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ง๐—”Sa mata ng bata, baha ay palaruan.Animoโ€™y mundong lumilitawsa tโ€™wing bumubuhos ang ul...
15/08/2026

๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ #๐Ÿต | ๐—•๐—”๐—›๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—ง๐—” ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ง๐—”

Sa mata ng bata, baha ay palaruan.
Animoโ€™y mundong lumilitaw
sa tโ€™wing bumubuhos ang ulan.
Humahagikhik. Nagtitilian.
Munting boses sa gitna ng alangan.

Oh, ang makita ang baha bilang bata.
Hindi alintana ang sakit na maaring makuha,
sa magulang na sakanilaโ€™y nag-aalala,
o ang sanhi ng pagtaas ng tubig sa lupa.

Sa halip, kanilang saya sa pag tampisaw,
mga basang paang sumasayaw,
at mga kalarong humihiyaw
ang tanging bagay na nangingibabaw.

Ngunit hanggang kailan palalanguyin
ang mga batang walang kamalayan ang isip
sa bahang dulot ng baradong kanal
at proyektong palpak na lumulubog saโ€™ting bayan?

Atin bang hihintayin silaโ€™y lumaki
at mapagtantong bahaโ€™y hindi dapat ipagkasabik?
Ang mapalitan ang mga matang datiโ€™y puno ng giliw
ng takot sa tโ€™wing ulaโ€™y sasapit?
At maging murang saksi sa mga sakunang
pagtandaโ€™y kanilang babaunin?

Oh, bata, maligo ka sa ulan
ngunit tandaan, bahaโ€™y hindi katuwaan.
Kalsadaโ€™y hindi paliguan.
Itoโ€™y dapat daan patungo sa iyong kinabukasan
hindi hadlang sa tahanan ng kaalaman.

Oh, bata, bahaโ€™y hindi biyaya.
Saโ€™yong paghiling na langit ay umiyak,
maraming luha ang bumabagsak
โ€˜pagkat bahay, kanilang nasirang panangga.

Oh, pakiusap.
Huwag nating gawing palaruan
ang baha sa mata ng bata.

๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ถ ๐—”๐—ถ๐—น๐—ฒ๐—ฒ๐—ป ๐—–๐—ผ๐—ป๐˜€๐˜‚๐—ฒ๐—น๐—ผ

Padron ni Jannel Torres
Disenyo ni Rafaella Santos



๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ  #๐Ÿด | ๐—ž๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐—ปPuno ng tawanan ang kalsadang aking tinatahak, kalsadang puno ng mga kabataang naglalaro ng mga la...
14/08/2026

๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ #๐Ÿด | ๐—ž๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐—ป

Puno ng tawanan ang kalsadang aking tinatahak, kalsadang puno ng mga kabataang naglalaro ng mga larong pambata. Mayroong patintero, tumbang preso, batuhan bola, chinese garter, at mayroon ding jolen, maging ang dampa na masakit sa kamay. Nakakatuwang pagmasdan ang paligid, dahil para lamang akong bumalik sa aking pagkabata, napakasarap pakinggan ang mga tawanan maging ang sigawan ng hindi pagkakaunawaan habang naglalaro. Kay sarap pagmasdan ng lahat, tila bang kay sarap maging bata ulit.

Sa aking alaala kay sarap ngang maging bata ulit, ang mga bagay lamang na aking iniiyakan ay ang pang-aagaw sa akin ng paborito kong laruan, maging ang pagkadapa dahil sa pagiging lampa. Naalala ko rin na habang lumalaki ako, nagtataka ako, bakit nga ba hindi na ako nadadapa habang ako ay lumalaki? Wala ng sugat sa aking mga tuhod sa tuwing madadagdagan ang edad ko. Nakakatuwang isipin ang lahat na para bang kahapon lamang ito nangyari, na parang kahapon lamang ang mga alaala sa sobrang sariwa nito sa aking isip. Naaalala ko rin noon na hindi ako makatulog ng tanghali dahil ang gusto ko lamang ay maglaro kasama ang aking mga kaibigan, minsan ay tatakasan ko pa ang aking nanay na nakabantay para lamang makalaro ako at maramdaman ang saya na dulot ng pakikihalubilo sa iba. Kapag naman tag-ulan, kay sarap maligo na para bang naka libreng shower ka. Pagkatapos ng pagligo ay may nakahandang merienda at nakabukas ang telebisyon na may ibaโ€™t ibang palabasโ€”may nakakatakot, may cartoon, at mayroon namang balita.

Oh kay sarap maalala ang masayang kabataan na aking naranasan na parang ito ay nangyari lamang kahapon. Sa aking pagtanda, kay sarap balikan ang pagkabata, ang tulog na noon ay tinakbuhan ko ay siyang ngayong ninanais ko, ang pagkadapa na kinalilito ko ay sa ibang paraan na pala naranasan sa pagtanda ko. Ang kasiyahan na dulot ng paglalaro ay unti-unting naglalaho, dahil ngayong matanda na ako, ang kaligayahan na tunay ay sobrang hirap hanapin. Ang buhay noon na puno ng kulay ay parang nag-iba ngayong akoโ€™y matanda na, ang kamusmusan ko noong bata pa ako ay ang nagbibigay liwanag sa kanya, pero ngayon ang liwanag ay hindi ko na maaninag. Kay sarap na balikan ang lahat, kay sarap maging bata ulit. Sana nga, ang pagiging bata ay aking muling maranasan na para bang ang lahat ay nangyari lamang kahapon.

๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ถ ๐—”๐˜€๐—ต๐—น๐—ฒ๐˜† ๐—๐—ผ๐˜† ๐—ฌ๐˜‚๐—ฟ๐—ถ ๐—š๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ

Padron ni Jannel Torres
Disenyo ni Mark Gian Loro



๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ  #๐Ÿณ | ๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—ด, ๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ง๐˜‚๐—ธ๐—ฎIba-iba ang pasaning dinadala ng bawat isa.Hindi porket nakangiti, nakangiti na ri...
13/08/2026

๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ #๐Ÿณ | ๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—ด, ๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ง๐˜‚๐—ธ๐—ฎ

Iba-iba ang pasaning dinadala ng bawat isa.
Hindi porket nakangiti, nakangiti na rin ang bulsa.
Iilan lamang ang umuuwi nang masaya; minsa'y galit pa nga.
Ngunit masisi mo ba silaโ€”silang ninakawan ng oras at tiyaga?
Umaga't hapong nagpapaubaya para lang sa ikauunlad ng iba.

Minsa'y napapaisipโ€”โ€Makatarungan pa ba ito?โ€
Mistulang tau-tauhan na lamang ng kung sino.
Ngunit ang katwiran ba'y kaya kang ipanalo?
Gayong labag man sa loob, kailangan pa ring kumayod.
Lalo na't kabig ka ng obligasyong sa'yo lang nakatuon.

Dama ang bigat sa usaping bayarin at pera.
Kunot-noong binibilang ang bawat salapi; sinisinop ang bawat sukli.
Sa bansang kabahagi sa bawat sweldo, importante ang bawat piso.
Walang puwang sa bulsa ang luho at mga bisyo.
Ang isang libo nga'y 'di na kayang umabot ng isang linggo.

Naisin mang buhay ay guminhawa, sa kahirapaโ€™y kumawala.
Ang mabuhay nang marangya, tila pangarap na mahirap makuha.
Itikom man ang bibig, dusa sa mga mata'y 'di kayang iwaglit.
'Di alam ang madarama; tila manhid na sa kawalan ng pag-asa.
Sa bigat, ninanais na lamang maglaho na parang bula.

Ang kahirapan, lalo na kung kinalakihan ay mahirap iwanan.
Para sa karaniwang tao, walang oras ang dapat nasasayang.
Kahig dito, tuka doon, kaliwaโ€™t kanang konsumisyon.
Ngunit saan nga ba paparoonโ€”
Kung ang bawat bukas ay tila gaya rin ng kahapon?

๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ถ ๐—๐—ผ๐—ฎ๐—ป ๐—•๐—ผ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฟ๐—ฒ๐˜€

Padron at Disenyo ni Jannel Torres



๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ  #๐Ÿฒ | ๐—”๐—ป๐—ด ๐——๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐—๐˜‚๐—ฎ๐—ปSa daang pangarap ni Juan, tayoโ€™y naglakbay,Tinambakan ng aspalto ang bitak na lumaNgunit...
12/08/2026

๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ #๐Ÿฒ | ๐—”๐—ป๐—ด ๐——๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐—๐˜‚๐—ฎ๐—ป

Sa daang pangarap ni Juan, tayoโ€™y naglakbay,
Tinambakan ng aspalto ang bitak na luma
Ngunit sa unang ulan, ang daan ay gumuhoโ€™t sumablay,
At muling naiwan si Juan sa putik at pangamba.

Ang daan ay para sa bawat Juan,
Ngunit hinati tayo ng kulay at panig
Sa iisang lupa, bakit tayo nag-aagawan?
Habang ang tunay na daan ay unti-unting napupunit.

May kumaliwa, may pumili ng kanan,
Bawat isaโ€™y nagsabing sila ang may tama
Ngunit sino ang magtatayo ng daan para kay Juan?
Kung ang bawat hakbang ay nauuwi sa banggaan?

Lumalaki ang hukay sa ilalim ng daan,
Hindi lamang ulan ang sanhi ng guho
Kung pabayaan ay lulubog pati itong si Juan,
At sama-sama tayong mawawala sa hukay na ito.

Hindi humihingi ang daan ng kaliwa o kanan,
Ni kulay na lalo lamang sa atin ay naghihiwalay
Ang kailangan ay kamay ng bawat Juan,
Upang ang iisang bayan ay muli nating mapagtibay.

Sapagkat kapag ang daan ay tuluyang maghiwalay,
At bawat Juan ay kumapit sa sariling panig
Sa dulo ng hukay, lahat tayoโ€™y maaaring malaglag,
Dahil walang panig na ligtas sa bayang punit.

Kaya Juan, huwag basta sa kulay pumanig,
Tingnan ang daang unti-unting nawawala
Hindi ang kabilang panig ang dapat mong daigin,
Kundi ang bulok na daang matagal nang gumugiba sa atin.

๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ถ ๐—ช๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—น๐˜†๐—ป ๐—ง๐˜‚๐—ฟ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ผ

Padron ni Jannel Torres
Disenyo ni Yuka Saito



๐— ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐˜‚๐˜€๐—ผ, ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐˜„๐—ฎ: ๐—ง๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐˜€๐—ฎSa gitna ng patuloy na pag-ulan at pagbaha dulot ng pinalakas na Habagat (...
11/08/2026

๐— ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐˜‚๐˜€๐—ผ, ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐˜„๐—ฎ: ๐—ง๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐˜€๐—ฎ

Sa gitna ng patuloy na pag-ulan at pagbaha dulot ng pinalakas na Habagat (Southwest moonsoon) at ng mga nagdaang bagyo, maraming pamilya sa ating komunidad ang nangangailangan ng dagdag na suporta.

Ang Metamorphosis, kabahagi ang Student Executive Board (SEB), ay inilulunsad ang AKBAYANIHANโ€”isang donation drive bilang tugon sa pangangailangan ng mga komunidad na apektado ng unos.

๐Ÿ“Œ Kami ay tumatanggap ng mga materyal na donasyon, tulad ng mga sumusunod:

โ€ข pagkain (non-perishable at ready-to-eat)
โ€ข bottled mineral water
โ€ข hygiene kits
โ€ข malilinis na damit
โ€ข school supplies
โ€ข at iba pa

๐Ÿ“Œ Drop-off Location: Office of the Student Affairs and Services (OSAS) โ€” Guitnang Bayan Campus
๐Ÿ“Œ 8:00 AM โ€“ 5:00 PM
๐Ÿ“Œ August 11 โ€“ August 15, 2026

Anumang bagay na inyong maibabahagi, nang bukal sa puso, sa ating mga kababayan ay malaking tulong na. Muli, lubos kaming nagpapasalamat sa inyong malasakit at kabutihang loob.

Kung kayo ay interesado o mayroong karagdagang katanungan, maaring magpadala ng mensahe sa aming opisyal na page (Metamorphosis).


Address

Gen. Luna Avenue , Guitnang Bayan I, Rizal
San Mateo
1850

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Metamorphosis posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Metamorphosis:

Shortcuts

Share