23/07/2025
Tulong-tulong, sabay-sabay. Sa gitna ng unos, tayo ang lakas ng isa’t isa. Kaya't sumama, at magbayanihan na!
Kahapon, Hulyo 22, ay naranasan ng ating bayan ang matinding buhos ng ulan at pagtaas ng tubig-baha dulot ng Bagyong Dante 2025. Kasabay ng malakas na hangin at habagat, maraming kabahayan ang nalubog sa tubig at nawalan ng access sa pangunahing pangangailangan. Ayon sa PAGASA, si Bagyong Dante ay isang tropical storm na nagdala ng hanggang 100 mm na ulan sa loob lamang ng ilang oras sa ilang bahagi ng Rizal, na nagdulot ng agarang pagbaha at paglikas ng ilang pamilya.
Ang Kabataan at Bayanihan Laban sa Kahirapan (KBLK) ay muling nananawagan ng tulong sa ating mga kapwa kababayan. Magsasagawa tayo ng donation drive para sa mga biktima ng Bagyong Dante—mga pamilyang nasalanta at kasalukuyang nangangailangan ng pagkain, damit, at iba pang pangunahing kagamitan.
Maaari kayong magbigay ng pinansyal na tulong o in-kind donations gaya ng ready-to-eat food, hygiene kits, kumot, at damit.
Para sa pinansyal na tulong, maaaring magpadala sa mga sumusunod na account:
📱 GCash Account:
09081993579
Juvert F.
📱 Paymaya Account:
09081993579
Juvert F.
🏦 GoTyme Bank Account:
015845774311
Juvert Funtaniel
Contact Details:
📞 09081993579
Mangyaring mag-text muna bago tumawag.
Sa sama-samang pagkilos at malasakit, maipaparamdam natin sa kanila na hindi sila nag-iisa sa pagbangon. Muli, maraming salamat sa inyong kabutihang loob at walang sawang pagtulong.