ANGAT SAN MATEO

Call Directions

ANGAT SAN MATEO N.G.O. that focuses primarily on Education, Environment, Disaster Response, Health and Community Engagement

CONTINUED RELIEF EFFORTS FOR FLOOD-AFFECTED COMMUNITIES : Namahagi tayo ng hot meals sa Maly ES, Barangay Maly at Dulong...
11/08/2026

CONTINUED RELIEF EFFORTS FOR FLOOD-AFFECTED COMMUNITIES

: Namahagi tayo ng hot meals sa Maly ES, Barangay Maly at Dulong Bayan ES sa San Mateo, Rizal, katuwang ang ANGAT SAN MATEO, bahagi ng Angat Bayanihan Volunteer Network.

Maraming salamat sa Angat San Mateo at sa lahat ng volunteers sa patuloy na pakikipagbayanihan!

🌐 Support our operations: donate.angatbuhay.ph/bayanihan

 : Sa tulong ng ANGAT SAN MATEO, namahagi tayo ng hot meals sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha na lumikas sa Guinay...
11/08/2026

: Sa tulong ng ANGAT SAN MATEO, namahagi tayo ng hot meals sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha na lumikas sa Guinayang National High School sa Barangay Guinayang, San Mateo, Rizal.

Maraming salamat sa Angat San Mateo at sa lahat ng volunteers na patuloy na nakikipagbayanihan upang makapagbigay ng tulong sa mga komunidad na nangangailangan!

🌐 Support our operations: donate.angatbuhay.ph/bayanihan

Day 2 : ANGAT SAN MATEO HABAGAT 2026 Relief Operation August 10, nadagdagan pa ang bilang ng mga evacuees sa mga evacuat...
10/08/2026

Day 2 : ANGAT SAN MATEO HABAGAT 2026 Relief Operation

August 10, nadagdagan pa ang bilang ng mga evacuees sa mga evacuation sites bunsod ng matinding pagbaha dala ng habagat. May mga lugar pa din na lubog dahil sa pagtaas ng tubig na umabot pa sa ikalawang alarma. Mayroon din mga lugar na walang kuryente na lalong nagpapahirap sa kalagayan ng mga nabaha.

Sa donasyon ni Direk Ellen Ongkeko Marfil ay nakapag bahagi tayo ng hot meals sa 120 katao sa Barangay Dulong Bayan 2 sa tulong ng 12 Angat Volunteers. Naroon din si Kapitan Pablo Flores, mga Kagawad, SK Chairman at Angat San Mateo Volunteer Nico Raposa at mga barangay staff na tumulong sa pamamahagi.

Maraming salamat po Direk Ellen Ongkeko Marfil ng Pelikulove at Lakambini sa inyo pong donasyon. Barangay DB2 Officials at staff, gayundin sa ating magigiting na Angat San Mateo Volunteers sa inyong pakikipag bayanihan!




Day 1 : ANGAT SAN MATEO HABAGAT 2026 Relief Operation August 09, sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan at pagtaas ng...
09/08/2026

Day 1 : ANGAT SAN MATEO HABAGAT 2026 Relief Operation

August 09, sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan at pagtaas ng tubig baha, madami sa ating mga kababayan ang lumikas at pansamantalang nanatili sa mga evacuation centers. Karamihan sa mga ito ay mga bata, senior citizens, lactating mothers at buntis na nangangailan ng tuyo at ligtas na masisilungan.

Sa tulong ng Manila Waldorf School ay nakapag pamahagi tayo ng comforters, blankets, bed sheets at pillow cases para sa mahigit 170 families mula sa Barangay Ampid 2 at 64 families mula sa Barangay Sta. Ana na lumikas at magpapalipas ng gabi sa Justice Vicente Santiago Elementary School.

Taos pusong pasasalamat po Manila Waldorf School sa inyo pong donasyon, Kapitan Gil Suegay ng Barangay 2, mga Kagawad, BHW at staff ng Barangay sa inyo pong mainit na pagtanggap at pagtulong. Sa ating magigiting na Angat San Mateo Volunteers na naglaan ng oras hanggang gabi, maraming salamat sa inyong pakikipag bayanihan!




A Call for Donations 🔊 Our Kababayan affected by the floods need our help! Any donation, big or small can bring food, wa...
09/08/2026

A Call for Donations 🔊

Our Kababayan affected by the floods need our help! Any donation, big or small can bring food, water, and hope to families in evacuation centers.

Let’s share what we can. Together, we can make a difference. 🙏🇵🇭





pubmat : Louella Abocado 🩷

Hygiene Kits for SMES Learners❣️Keeping clean is an important part of staying healthy! Student Hygiene Kits encourage he...
28/07/2026

Hygiene Kits for SMES Learners❣️

Keeping clean is an important part of staying healthy! Student Hygiene Kits encourage healthy habits, prevent illnesses, keeps learners clean and boost mental well-being.

ANGAT SAN MATEO in partnership with T.A.O. distributed 64 hygiene kits to San Mateo Elementary School students. We provided essential items like wet wipes, tissue, alcohol, small face towel, toothpaste and toothbrush. We also have 24 hand soap, 5 boxes of band aid, bags of used clothes and bags, school and office supplies.

Thank you so much Sir Patrick and Mam Alexa of T.A.O. and SMES headed by Mam Cynthia Tompong.

Waves For Water Philippines at Upper Marang Maly Sa mabilis na pag-unlad ng lipunan, nahaharap ang maraming komunidad sa...
22/07/2026

Waves For Water Philippines at Upper Marang Maly

Sa mabilis na pag-unlad ng lipunan, nahaharap ang maraming komunidad sa banta ng kakulangan sa suplay ng malinis na tubig. Ang polusyon mula sa mga basura ng kabahayan, pagdami ng naninirahan sa paligid ng bukal o balon at pagkakalbo ng kabundukan, kapag nagpatuloy ay maaaring makontamina ang tubig at hindi na ligtas para sa pang-araw-araw na paggamit.

Bilang tugon at sa tulong ng Waves for Water , Manulife, ANGAT Kababaihan at Barangay Maly sa pangunguna ni Kapitan Agi Pagkatipunan ay namahagi tayo ng 62 water filters at tangke na magsisilbing ipunan sa mga nasalong tubig ulan na magagamit ng komunidad ng Upper Marang, Maly, San Mateo Rizal.

Maraming salamat po sa lahat ng tumulong at nakibahagi sa ating programa! Nawa ay magpatuloy ang pagbabayanihan at pagtutulungan upang mai-angat ang buhay ng bawat miyembro ng ating komunidad!


W4W for the Indigenous Dumagat-Remontado 51 water filter ang naipamahagi sa ating mga kababayan na Indigenous people sa ...
09/07/2026

W4W for the Indigenous Dumagat-Remontado

51 water filter ang naipamahagi sa ating mga kababayan na Indigenous people sa Wawa Montalban Rizal sa tulong ng Waves For Water Philippines at Manulife Philippines na mapapakinabangan ng halos 255 households sa 7 sitio sa lugar. Mayroon din tank na ipunan ng tubig ulan na maaaring i-filter at gawing inuming tubig na ipinagkaloob sa IPs community sa Paruwagan sa taas na bahagi ng bundok.

Balon, bukal ạt poso ang kalimitang pinanggagalingan ng kanilang tubig, ang iba ay kailangan pang dayuhin ang balon sa itaas ng bundok para sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan. Pahirapan ang tubig tuwing tag init at may halong putik naman kung tag ulan.

Kaya naman, taos pusong pasasalamat sa ating mga partners sa paghahatid ng tulong, gayundin sa LGU ng Montalban, Tourism, Barangay at Angat Montalban .


L♥️VE  LAB4N 2026 🏳️‍🌈Sa pangunguna ng Angat Buhay, malugod na tumugon ang Angat San Mateo, Angat Montalban, Liwanag Kyu...
28/06/2026

L♥️VE LAB4N 2026 🏳️‍🌈

Sa pangunguna ng Angat Buhay, malugod na tumugon ang Angat San Mateo, Angat Montalban, Liwanag Kyusi, Angat Kabataan Valenzuela, Angat Antipolo at iba pang Volunteers na parte ng Angat Bayanihan Volunteer Network, nakiisa sa makulay na pagdiriwang ng Pride March sa UP Diliman, Quezon City.

Libo-libong miyembro ng LGBTQIA+ community at allies ang nakibahagi upang ipanawagan na tiyakin na walang Pilipino ang tatanggihan sa trabaho, paaralan, o serbisyo ng gobyerno. Wakasan ang diskriminasyon, pang-aabuso at mabigyan ng legal na proteksyon ang LGBTQIA+ community. Mabago ang kultura ng stigma, malikha ang mga espasyo kung saan ligtas, malaya, at tinatanggap ang bawat isa gayundin ang pagtataguyod ng mga polisiya tulad ng Safe Spaces Act. Sigaw ng grassroots at human rights advocates ang pagpapanagot sa mga nagnakaw sa kaban ng bayan at ikulong ang mga kurakot sa gobyerno!

Happy Pride 🏳️‍🌈

Address

B. Mariano Street Ampid
San Mateo
1850

Telephone

+639190032124

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ANGAT SAN MATEO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share