09/06/2026
Sa ika-400 Taong Anibersaryo ng pagdating ng Mahal na Birhen ng Antipolo, muli tayong inaanyayahan na maglakbay at umahon sa Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbayโang tahanan ng kanyang debosyon at kasaysayan.
Bilang bahagi ng pagdiriwang na ito, makikiisa ang mga mananampalataya ng Vicariate of Our Lady of Aranzazu sa Ahunan sa Antipolo ngayong Hunyo 12, 2026. Magsisimula ang pagtitipon sa Ynares Center, Antipolo City, na susundan ng maringal na prusisyon patungo sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage.
Sa paglalakbay na ito ng pananampalataya, sama-sama nating gunitain ang apat na siglong biyaya, debosyon, at pagtitiwala sa mapagmahal na paggabay ng ating Mahal na Ina.
Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay, ipanalangin mo kami.